LG.6

48 8 0
                                    

FINALLY! THE SUPER UBER MEGA LONG WAIT IS OVER. READER DEARS PASENSYA NA TALAGA HA KUNG NGAYON LANG:( Medyo nabobobo ako sa english ngayon. Please bear with me guys. Kung may mali man. Inform niyo ako at itama. Hihi. Imessage niyo na lamang ako.

---

LG.6

"I can help you to finally move-on and let go."

Hindi pa lubos na nagsisink in sa utak niya ang sinabi ni Alex. Tutulungan daw siya nitong magmove-on at ganoon din siya kay Alex. Magtutulungan silang maka-let go siya kay Marco at tutulungan niya rin si Alex na maka-let go kay Raine.

"How?" nagtatakang tanong niya sa binata. Imposible kasi ang suggestion nito. Ngayong mahal na mahal niya pa rin si Marco.

"Let's make a deal."

"WHAT?!" halos maisigaw niya pa ang salitang iyon sa sobrang pagkagulat.

"What? Para namang malaking bagay ang deal na ito sa'yo."

Tama ito. Malaking bagay nga ang isang deal para sa kanya maybe because ang deal ay siyang naging dahilan ng pagbabago niya.

"Sandali ah. May I remind you Alex. Hindi mo ba natatandaan ng dahil sa isang deal kaya ako nagbago. I don't like that such thing." she said as she crossed her arms.

"Okay. I get it. Let's just say that this is a good deal. Not a bad one. In fact, makakatulong rin naman sa'yo ito."

Napaisip na naman si Aly. How can she trust this man again. Nag-uumpisa na naman ang takot niyang maloko muli. Well, kung hindi lang siya nagdadoubt sa sarili niya. Malamang ay pumayag na siya rito.

At nang dahil sa curiosity niya. She end up agreeing on Alex's deal.

"Okay fine. Make sure your plan will work ha." sabay buntong hininga.

"Okay then. It will work if we will help each other." nakangiti pa ito sa kanya.

How could she find that smile handsome. As ever?

"So, ano na nga iyon?" tanong niya rito para madivert na sa iba ang isip niya.

"We will pretend as boyfriend and girlfriend. Gagawin mo yung part mo. And I will do the same. Since we're having this issue. Natatandaan mo ba yung tinanong ng interviewer about sa atin? Bakit hindi na lang natin sila sakyan."

"Hello. Anong pag-iisip ba ang meron ka? Kung mangyayari yun. Parang sinabi mo na rin na pakialaman nila ang personal nating buhay. Haist!"

Naiinis na naman siya rito parang walang pinag-aralan kung mag-isip. Matalino naman si Alex at gwapo kung tutuusin. Pero nabubuwisit siya sa idea nito. Hindi niya rin naman maintindihan ang sarili kung bakit parang gusto niya ring malaman ang mga suggestion nito.

"Let's just try. Maybe it will be fun." ngumisi pa ito sa kanya.

"Akala mo ba laro laro lang lahat ng bagay?" naiinis na saad niya rito.

Nababahala lang kasi siya sa kanyang sarili. Paano kasi kung isang araw ay mainlove na siya rito katulad na lamang noong highschool pa siya. Muntik ng mahulog ang loob niya ng lubusan sa binata kung hindi lamang siya pinaglaruan nito noon. Ngayong napatawad niya na ito baka sakalaing mabalik na naman siya sa dati at iyon ang bagay na pinakaiiwasan niya.

"That's not my point Aly. Gusto ko lang naman na magkaroon tayo ng bagong simula ulit. Be friend with each other again. Parang ganoon lang. So deal?"

Ano pa nga bang magagawa niya. Siguro ay iisipin na lamang niya ang positive side ng deal na sinasuggest nito. Bukod sa makakamove on na siya kay Marco ay mararanasan niya pa ulit ang feeling ng mayroong boyfriend.

"Okay agree but--"

"But what?" napapakamot pa ito sa batok nito na parang naiinis.

"No kissing"

"Okay. Wala naman sa plano ko na halikan ka unless its needed." ngumisi pa ito ng napakapilyo.

"Excuse me?! Mr. Martin wala akong sinabing ganon ha. Ah basta bawal. Tandaan mo yan." as she rolled her eyes

"What's with Mr.Martin. Call me baby, love, babe. Diba tayo na. Just give me your sweetest endearment sweetheart." parang nagtatampo pa ito na parang totoong mag-on sila.

Gusto niya sanang kiligin sa pagbigkas nito ng endearment na sweetheart sa kanya. Para siyang elementary student na pinakilig ng ultimate crush. Kaya pinigilan niya ang sarili na kiligin kahit halatang namumula na ang pisngi niya. Sana ay hindi na lang mapansin nito at baka tuksuhin lamang siya nito kapag nagkataon.

"Yes love."

"Very well said. Let's go. Ihahatid na kita sa condo room mo." tumayo na si Alex sa kinauupuan nito at bigla na lamang siyang hinila sa kamay.

Naglakad na lamang sila hanggang sa condo niya ng magkahawak kamay. Hindi na rin naman siya tumutol dito dahil sa totoo lang ay gusto niya rin naman ang paghawak nito sa kamay niya simula ng hatakin siya nito.

Nang makarating na sila sa tapat ng room niya. Nagpaalam na ito.

"Thank you for this day sweetheart. Goodnight." as he kissed her forehead.

Parang nanigas ang buong kalamnan at katawan niya sa simpleng pagkakadikit lamang ng labi nito sa kanyang noo. A simple goodnight kiss that makes her whole body in shocked.

"Sige na pumasok ka na." ito na mismo ang nagsara ng pintuan ng room niya.

Nang lumapat ang pintuan, napasandal na lamang siya sa likod ng pinto. She hold her left chest. She can feel that her heart beats a little bit faster than its normal beat.

Oh heart! Why you have this such beat?

Letting GoWhere stories live. Discover now