LG.5

81 9 0
                                    

LG.5

Simula ng mag-usap sila ni Alex. Naging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

Sana nga ay tama ang naging desisyon niya na patawarin si Alex nang sa ganon ay maging maayos na ang pagsasama nila bilang sponsorship partners.

Nakabalik na rin si Timmy sa London at heto nga't tinutulungan siya nito. Nakwento niya na rin sa kaibigan ang nangyari sa pag-uusap nila ni Alex.

"I told you sis. Sana nga't binigyan mo na siya ng pagkakataon noon pa man. Ang hirap kasi sa iyo mas naniwala ka sa kung ano ang narinig mo. Hindi mo binigyan ng pagkakataon yung tao."

"Yun na nga eh diba. Binigyan ko na siya ng pagkakataon. Iyon nga lang paano kapag lolokohin niya na naman ako? Nakakatakot pa ring magtiwala sis."

Kahit na napatawad niya na si Alex. Partially. Hindi pa rin maiaalis sa isip niya na sinaktan pa rin siya nito. Ang inaalala niya lang ay paano kung muli ulit siyang saktan at lokohin ng lalaki. Sa paanong paraan? Hindi siya sigurado.

"You know. I don't know why is it so hard for you to forgive? Ganyan ba kataas ang pride mo sis? Magpapatawad tapos nag-aalangan pa rin? Why don't you just accept the fact that he already ask for forgiveness at pinatawad mo na siya." sabi pa nito habang tinutupi ang ilan sa mga damit na natahi na.

"Hindi ko alam sis. Naguguluhan pa rin ako sa ngayon. Ang alam ko lang mas kailangan ko ng maging mapagmasid at hindi na magpapauto muli. You know what I mean. He already broke my trust before so I'm just retrieving it but not to the point that I will give a hundred percent of it again. Mabuti na iyong nag-iingat no."

"Well I guess I already get your point. Tama ka rin naman."

"I told you."

"O siya sige na't tapusin na natin ito at ng makauwi na tayo."

---

After the whole day of work. She open her laptop and logged in on her Skype account. Tamang tama online ang kapatid niyang si Alfred.

(A/N: Alfred's story (Simple Crush that Turns to Love) read if you have extra time its already completed)

"Ate."

"Finally naabutan din kitang online." nagcrossed arms pa siya sa harap ng cam.

"Well bakit kasi di ka nagpapasabing mag-oonline ka? Nang makapag-online din ako."

"As if namang sasagot ka sa tawag ko no? Busy ka na naman siguro kakakausap kay Sam. Hmp."

"Ate naman. She's my girl natural lagi ko siyang kausap."

"Baka naman magkapalit na kayo ng mukha niyan sa sobrang sweet niyo."

"Wushoo. Ang sabihin mo ate naiinggit ka lang. Kasi ikaw wala ka pa ding boyfriend."

"Whatever Alfredo. Para ka ng bading diyan. Kapag may time gusto ko rin makausap yan si Sam ha. Namimiss ko na din siya. Pagsasabihan ko din na maghelmet siya para di mauntog baka kasi iwanan ka pag nagkataon. Hahahaha." pang-aasar niya sa kapatid niya.

"Ate! Parang sinabi mo namang lugi siya saken. Ang gwapo ko kaya. Wag mo na lang siyang kausapin. Baka mamaya niyan kung ano pang sabihin mo kay Sam. Maniwala pa yun sayo. Baliw ka pa naman."

"Ewan ko sayo. Anyway, kumusta naman kayo diyan ni mommy?" sa totoo lang ay miss na miss na miss niya na ang mommy niya pati na rin si Alfred. Gusto niya sanang umuwi ulit ng Pilipinas kung hindi lang siya busy.

"Okay naman. Masaya naman kahit wala ka."

Sinimangutan niya si Alfred. "Ang sama mo ha."

"Joke lang ate." nagpeace sign pa ito sa camera.

Letting GoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt