Prologue

38 1 1
                                    

  

Kabaligtaran ng inaasahan ni Cheska, hindi galit si Desmond sa kanya sa muli nilang pagkikita. Sa halip, parang nagbalik ang dati niyang best friend na nawala dahil sa rejection niya.

Marahil sa sobrang tagal ng panahong lumipas na hindi nila pagkikita, hindi na nito ikinokonsiderang mahalaga ang namagitan sa kanila noon. O kaya ayaw na nitong maalala ang minsang pag-ibig na inalay nito para sa kanya.

Ngunit nadiskubre niya sa sarili na mahal na niya si Desmond nang maramdaman niya ang pananabik na muling banggitin ng binata ang mga katagang tinalikuran niya noon.......

Until You're MineWhere stories live. Discover now