Chapter 1

14 1 0
                                    


Awoo! Awoo! Awoo!

Napangiti si Desmond sa pananakot ni Cheska na kasunod na pala niyang patungo sa gazebo na nasa gitna ng malawak na hardin ng maga ito. Tanging ang bilog na bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw nila. Tila alam ng malamyos na hangin ang binabalak niya kaya sinasadyang hipan ang mababangong bulaklak sa paligid upang mangibabaw ang bango ng mga iyon.

Bukas ay uuwi na sila ng pamilya niya sa Isla Dorado. Tapos na ang mahigit dalawang linggo nilang pagbabakasyon dito sa Cebu sa ancestral house ng mga Devera. Iyon na siguro ang pinakamasayang summer vacation niya bagaman ang talagang sadya ng kanyang ama sa pagbisita rito sa tahanan ng mga Devera ay negosyo sapagkat isa sa mga board members ng kompanya nilang Williamsons Corporation ang ama ni Cheska na si Henson Devera.

"Hindi ako takot sa multo, Cheska," aniya nang lumapit ito sa kanya at inalalayan niya paakyat sa tatlong steps ng gazebo.


"Yes, alam ko kaya nga ang weird mo para sa akin. Napurnada lang ang plano kong makatsansing n'ung kulitin kitang manood ng horror sa VCD kagabi. Akala ko titili at yayakap ka sa akin! kunwa'y reklamo nito.


Kunwa'y napuno ng indignasyon ang mukha niya.


"Lalaking-lalaki ako, Cheska. I bellow, I shout but I never, never scream like a girl," mariing protesta niya. "Besides, ikaw ang tumili at pumikit sa takot habang pinapanood natin ' yung horror movie. Halos malagutan nga ako nvg hininga sa higpit ng yakap mo sa leeg ko!"


Umarte itong lumilinga sa paligid nang takpan nito ang bibig niya. "Not so loud, Man! At hindi naman ako iyong tumili na iyon, si Rex iyon! Ako? Matatakot sa pipitsuging multong mukhang nasabuyan ng harina? Hah! No, Siree!"  puno ng pagtangging tugon nito na ipinagpag pa ang kuwelyo at inarkuhan siya ng mga kilay.


Umikot ang kanyang mga mata. Hindi naman nila kasamang nanood ang kapatid niya. "All right, I beg your pardon."


"You have it. Ano ba iyong sasabihin mo?" Naupo si Cheska sa tabi niya. Nagde- kuwatro at nangalumbaba, hinintay siya nitong magsalita.


Naglabas ng sigarilyo at lighter si Desmond, pero hindi sinisindihan iyon. Hindi siya naninigarilyo. Props lang niya ang mga iyon para sa sleight - of - hand na hilig niyang ipagyabang dito. Natutunan niya iyon sa isang kaklase niya na part - time assistant ng isang magician.


"Ano'ng mas gusto mo, red rose or white rose?"


"Yellow rose."


Sinimangutan niya ito. Pink at puti lang ang rosas na naikubli niya sa tago niyang bulsa. "Dalawa lang anv pagpipilian mo. Huwag kang choosy."


"Sige na nga, red rose. Para simbolo ng pag - ibig."


Pinaikut - ikot niya sa kanang kamay ang sigarilyo habang sa kabilang kamay naman ag binuksan ang lighter. "Simbolo ng pag - ibig? In love ka ba, Cheska? Pinagtaksilan mo na ako gayong dalawang oras lang akong nawala sa tabi mo!"  kunwa'y galit na sabi niya habang inilalapit ang sa mukha nito ang sigarilyo at nakasinding lighter.


"Umamin ka na kung sino ang lalaki mo! Si Mang Nato na sorbetero? Ang sinverguenza na iyon! Kaya pala lagi kang may libreng ice cream sa kanya!"  Nakapagbibiro pa siya sa kabila ng walang sinlakas na tibok ng puso niya habang minamasdan ang aliw na aliw nitong anyo.


"Paano mo nalaman? Oh, please, huwag mong ipagsasabi kahit kanino! Plano na nga naming magtanan bukas ng madaling - araw! Sadya kaming pinaglalayo ng tadhana at hindi namin mtitiis pa ang panghuhusga ng mga tao! madramang dialogue nito na pinaglapat pa ang mga kamay at kunwa'y nagsusumamong tumingala sa kanya.


Kunwa'y umismid siya sa babae. Siniaindihan na niya ang sigarilyo, subalit imbis na iyon pa rin ang hawak ng kanang kamay niya ay ang pulang rosas na ang naroon. Smug na napangiti siya sa nakitang pagkamanghang bumakas sa mukha nito.


"Kaya ba iyan ni Mang Nato? Hah!" Ibinigay niya ang rosas dito.


Kunot - noo ngunit napapangiting sinamyo naman nito ang bango ng rosas na galing din sa mismong hardin sa paligid nila.


"No, yes, well..."


Napahalakhak si Desmond. "Ano ba talaga? Oo, in love ka? Hindi, hindi kay Mang Nato?"  tudyo niyang pinisil pa ang baba nito. Naaaliw siya sa pagkamangha at pagkatuliro nito habang pilit kinakapkapan siya upang malaman kung nasaan ang secret pocket na pinagtaguan niya ng rosas.


"Saan mo inilagay iyon?"


Sa lakas ng kabog ng dibdib niya, nagtataka siya kung bakit hindi pa nito naririnig ang isinisigaw niyon. Bumunot siya ng malalim na paghinga at lumunok bago lakas - loob na sinalubong  ang nakatawang mga mata nito.


"Actually, I'm the one in love, Cheska."


Unti - unting nawala ang kaaliwan sa mukha nito. Tila gusto nitong panatilihin ang ngiti sa mga labi sa pag - asam na nagbibiro lang siya, pero nanv makita ang kaseryosohan sa kanyang anyo ay sunod - sunod na napalunok ito at bahagyang lumaylay ang mga balikat.

            

    T O B E C O N T I N U E D 😂       

Until You're MineWhere stories live. Discover now