Chapter 2

2 1 0
                                    


"W - who....?"

"Mahal kita, Cheska."

Tigagal na napamaang ito sa kanya. Bumukas - sara ang mga labi na parang isdang biglang inahon sa tubig. Kumalat ang pamumula sa buong mukha nito. Masuyong sinapo niya ang mukha nito. Nauunawaan niya ang kabiglaan nito. Marahil hindi nito mapagpasyahan kung alin ang uunahin, ang pag - amin ng katugong damdamin para sa kanya o ang malakas na pagtili sa katuwaan.

"Hindi mo na kailangang magsalita. Alam kong mahal mo rin ako. It  would be hard having a long - distance relationship, pero dahil mahal naman natin ang isa't isa, makakaya natin iyon...."

Marahang umiling - iling ito.  "N - no, Desmond.... Oh, God!"  Marahas na pinalis nito ang kamay niya ag tumayo. Naisuklay nito sa buhok ang mga daliri; hayag ang di - pagkapaniwala sa anyo.

"Cheska, alam kong mahihirapan tayo sa una. Iyon marahil ang iniisip mo kaya hindi kita _______"

Kung tingnan siya nito ay tila ba hindi siya kilala ng kaibigan. Humakbang ito paatras, tumalikod ngunit kaagad ding humarap sa kanya at tinitigan siya.

"No, Desmond! Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasabi mo! Hindi mo ako mahal! Ano bang biro ito?"  Animo nasa dulo na ng pisngi ng pasensya ni Cheska ang lakas at dahas na taglay ng tono nito. Pinukol siya ng kulay tsokolateng mga mata nito na wala ni katiting na kaaliwan.
Bagkus ang naroon ay di - pagkapaniwala, galit at ...  disgusto?

Nanunuyo ang lalamunan ni Desmond. Nandidilat ang mga matang hindi niya alam kung maikukurap pa niyang muli. Ayaw niyang pumikit sakaling may makaligtasan siyang ekspresyong dumaan sa mukha nito na kukumbinsi sa kanyang isa na naman ito sa kapilyahan ni Cheska at maya maya ay bigla na lang siyang yayakapin at pupupugin ng halik sa pisngi tulad ng ginagawa nito kapag alam nitong napipikon na siya sa pagbibiro nito.

Seventeen years old si Desmond at fourteen pa lang si Cheska nang una silang magkakilala. Ipinakilala ng isang common friend ng mga pamilya nila ang kanilang mga ama sa isa't isa. Interasado ang banker nitong ama na mag - invest sa bagong negosyo at eksaktong naghahanap din ng bagong kasosyo ang ama ni Desmond para sa plano nitong pagba - branch out sa ibang bansa. Una silang nagtagpo ni Cheska sa annual celebration nv anibersaryo ng Williamsons, kasama itong dumalo ng ama at ina.

And for the first time he felt his heart beat triple time as he watched the bubbly fourteen - year - old girl. Ngunit masyado pang bata ito noon kaya naman ipinasy niyang himtayin na munang mag - seventeen ito bago niya ito subukang ligawan. Pansumandali ay kinaibigan muna niya ang babae. Regular ang komunikasyon nila bagaman bibihira silang magkita nito dahil sa Cebu ito nakabase. Paminsan ' minsan ay nagbabakasyon din ito sa Isla Dorado, kung hindi man ay siya ang bumibisita rito. Hindi man konyento doon, sinusulit na lang niya ang sarili sa bawat sandaling magkasama sila.

And now at twenty, he was hoping that dream of having Cheska as his girlfriend would come true kaya naman hindi na siya nag - abalang manligaw ng ibang babae. Pero mabibigo pa nga yata siya.

"Desmond ... Desmond, I'm sorry. Pero hindi ko talaga alam kung saan mo nakuha ang ideyang ....."   naupo itong muli sa tabi niya. Inabot nito ang nanlalamig na mga kamay niya at ikinulong ang mga iyon sa pagitan ng mga palad nito.

"Desmond, please, tell me you didn't take me seriously. All those jokes about us running away together, nagbibiro lqng ako. Deamond, please, sabihin mong hindi ka naniwala sa mga iyon. Akala ko alam mong nagbiro lang ako."

Siguro kung ang boses nito ay walang pakikiusap, walang paghihirap, marahil patuloy pa niyang mapaniwala ang sarili na ngayon ito nagbibiro at hindi nitong nakaraang dalawang linngo kung kailan inaakala niyang seryoso ito. Subalit ang nakalarawang pagdurusa at pagsisisi sa mukha nito ay dagdag na pruebang hindi ito nagbibiro sa kanya ngayon.

Umawang ang mga labi niya subalit ni isang kataga ay walang lumalabas. Napayuko siya. Tila biglang bumigat ang ulo niya na hindi na niya kayang maitaas iyon. Parang may malaking kamay na dahan - dahan at buong kasiyahang pumipilas sa puso niya na halos ikauklo niya sa sakit. Sinapo ng kanang kamay niya ang kanyang dibdib, hinimas - himas oyon sa pag - asang mapaalis niyon ang sakit.

"Desmond? Desmond, ayos ka lang ba?"  nag - aalalang tanong nito na napaluhod sa tapat niya upang matingnan ang mukha niya.

"W - water, please ...."

Tarantang tumayo si Cheska at humakbang paalis, ngunit muling lumingon nang marinig ang pagtayo rin niya.

"Sandali! Sandali lang! Kukuha ako! Diyan ka lang, huwag kang aalis, babalik agad ako!"   tumakbo ito patungo sa bahay.

Pero hindi na niya hinintay ang pagbalik nito.


      T O B E C O N T I N U E D 😂    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until You're MineWhere stories live. Discover now