0. ANG NAKARAAN

669 26 0
                                    

Sino dito nanonood ng K-drama ? Familiar ba ang title ?


Yup! Tama kayo, kinuha ko ang title na ito sa isang K-drama pero there is a twist in this story and you will know it as the story will go by. Anyway, the story is not the same story as that K-drama. Ginamit ko ang title kasi, Kisses has four LT's. Means, four knight in shining armour. I copied the title pero the flow of the story will be a little different. So, I hope magustuhan ninyo.  Happy Reading!





*



TONY LABRUSCA

LUMAPIT si Tony sa kanyang ina. Nakahiga ito habang ang mga mata ay nakapikit, kahit ano pa ang yugyog niya dito ay hindi ito nagigising. Tiningnan niya ang mga kamay nito na puro paso na nakuha dahil sa nasunog na factory ng pagkain. Isang factory worker ang ina niya habang ang ama niya naman ay hindi niya alam kung saan ito. Simula bata pa siya ay namulat na siya sa katotohanang mahirap sila at namulat na din siya sa katotohanang wala siyang ama.




"Nay !" sigaw niya habang niyuyogyog ang wala nang buhay na ina. Inanunsyo na ng doktor na patay na ito kani-kanina lang. Malakas na umiyak siya ng hindi pa din gumigising ang ina. Ibinaba niya ang paningin sa mga daliri nito kung saan nakita niya ang matagal na suot nitong singsing. Dahan-dahan niyang tinanggal iyon at umupo sa tabi nito. "Bakit mo ako iniwan nay ? Ano na ang gagawin ko nito ?!" minsan pa niyang nilingon ang ina bago siya lumabas ng silid para hintayin ito na ma cremate.



Naglalakad na si Tony ng mabangga ang isang batang babae. Natumba ito, nang tingnan niya ang bata ay bigla itong umiyak ng malakas.




"Mama!" sigaw ng bata at umiyak. "Bakit mo ako iniwan!" dahan-dahang tumayo ang bata at tumakbo. Nilampasan siya nito. Susundan na sana niya ito ng may mahulog mula sa buhok nito. He look closely to it at nakita niyang ipit iyon ng buhok.



Pinulot niya ang ipit at naglakad ng mabilis para sundan ang bata at ibigay ang ipit sa buhok nito.



Nang maabutan niya ang bata ay nakatayo lang ito sa madilim na lugar habang humihikbi.



"Bata .." tawag niya. Nilingon siya nito at pinahid ang mga luha nito.


"Anong kailangan mo?"



Mabilis na inilahad niya dito ang ipit nito. "Is this yours ?" tanong niya.




DONNY PANGILINAN

"Salamat." sagot ni Steve ng ibigay ni Donny ang regalo niya para dito. Kaibigan niya ito simula bata pa siya kaya dapat lang na regaluhan niya ito sa kaarawan nito. Marami siyang laruan dahil mayaman sila kaya hindi kawalan na magbigay siya ng regalo sa isang kaibigan.



"Bakit wala akong regalo ?" nagulat siya sa nagsalita. Nang ibaling niya ang paningin sa isang batang sumulpot ay kumunot ang noo niya na tumingin kay Steve.



"Donny, siya si Sharlene. Kapatid ko." pakilala ni Steve sa kanila. Matagal na silang magkaibigan ni Steve pero hindi niya alam na may kapatid pala ito.



"Ahh ganoon ba," sabi niya at nilingon ang batang kapatid ni Steve. "Birthday kasi ni Steve kaya binigyan ko siya ng regalo."




"Pero birthday ko din ngayon."



"We are fraternal twins, Donny." sagot ni Steve.



Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Sharlene. "Im so sorry, babawi ako sa susunod mo na birthday. Hindi ko kasi alam na may kapatid pala si Steve. Is that okay ?"




"Talaga ? Promise iyan ha."



"Oo, promise."





**

The next chapter will be updated after matapos ang MEANT TO BE. Kaya abang-abang :) I just publish this para in case may technical problem ay hindi mawawala sa phone ko. Comment kayo sa mga suggestion niyo na pwede kong gamitin sa story habang hindi ko pa napaplanohan. Thank You!

CINDERELLA & FOUR KNIGHTSWhere stories live. Discover now