02. Jerks

290 25 5
                                    


Happy Reading :)

***


"MABUTI naman at nandito na kayo." wika ni Edward na assistant ng Lolo nilea. Matagal na itong naninilbihan sa lolo nila, hindi pa niya kilala ang lolo niya ay nagtatrabaho na ito bilang assistant ni Lolo Fred.



"Nasaan si Lolo ?" sabay na tanong nilang tatlong mag pinsan.




Napangiti si Edward. "May emergency meeting ang Lolo ninyo, kaya hindi na siya makakarating. Pero it's good na nakita ko kayong tatlo dito sa iisang silid .." may kinuha itong black card sa mesa pagkatapos ay inabot nito sa kanila ang card. "Gusto niya lang ibigay iyan sa inyo."




Binuksan niya ang card. A wedding invitation ?




"Ano bang koneksyon ko dito ?" itinapon niya sa harapan ni Edward ang card. "Hindi ako pupunta." isang linggo na siyang hindi bumabalik sa mansyon na iyon dahil ayaw niyang makita sa iisang lugar si Donny.



"Whether you like it or not, kailangan mong pumunta unless .." sinadya nitong ibitin ang susunod na sasabihin nito. Pero kahit ganoon ay alam pa din niya kung ano ang susunod na sasabihin nito. "Parte ka na ng pamilya na ito, Tony. Kaya, kailangan mong pumunta." dagdag pa nito.




"Sabi nang hindi ako pupunta! Tandaan mo ito Edward, hindi ako parte ng pamilyang ito at hinding-hindi ako magiging parte!" kinuha niya ang black jacket niya at lumabas na ng mansyon. Kung akala ng mga ito ay magagamit ang weakness niya para pumunta siya sa kasal ng Lolo niya ay nagkakamali ang mga ito.





"SORRY Eddie, pero may gig ako that day eh kaya, hindi talaga ako makakapunta." wika ni Niel at ibinigay kay Edward ang invitation. Pagkatapos ay umalis na.



"Kailangan mong pumunta Donny kung gusto mong ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng Lolo mo." sabi ni Edward kay Donny na kasalukayang binabasa ang nakasulat sa black paper.




Donny smile in a sarcastic way. "Of course, pupunta ako sa kasal ng Lolo ko. Pang limang asawa na niya ito kaya pupunta talaga ako. And don't worry, magdadala pa ako ng regalo na ikakasiya niya." sagot nito at lumabas na ng mansyon.





Huminga siya ng malalim at inalala ang nangyari sa silid na iyon. Magkakaayos ba talaga ang tatlong mag pinsan na ito ?



  Flashback ...

Kasalukuyang naghihintay si Tony sa kanya ng tumayo ito. Tatawagin sana niya ito nang lumabas sa isang silid si Donny.



Nagulat ito ng makita si Tony na nakatayo sa dinadaanan ni Donny. "Sino ka ?"



"Ikaw ? Sino ka ?" balik na tanong ni Tony.



Bumaba ang tingin ni Donny sa suot ng huli. "Ahh, bagong 'boy' ka ba dito ? Ako si Donny, boss mo."


"Anong sinasabi mo ?!" susuntukin na sana ni Tony si Donny pero tumikhim siya. Napalingon ang mga ito sa kanya.



"Siya si Tony. Pinsan mo siya, anak siya ng Aunt Fe mo." wika niya.




"Anak siya ni Aunt Fe ? Pero sa pagkakaalam ko, hindi siya nag asawa ? What does this mean ?" malamig na tanong ni Donny.




Ilang sandali muna silang natahimik. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoong nangyari sa mga magulang ni Tony kay Donny. Knowing Donny, ipagkakalat nito iyon sa buong mundo.



Nang malaman kung ano ang irarason niya ay biglang pumalatak ito. "So, you're illigitimate ?" huminga ito ng malalim. "Hindi naman ako magkaka problema sayo—what I mean is the F Company. Alam na ng lahat na ako magiging taga pagmana kaya, rest assured ako. Am I right, Edward ?"




CINDERELLA & FOUR KNIGHTSWhere stories live. Discover now