03. Meeting you at a wrong time

305 16 3
                                    




Medyo mataas-taas ang chap na ito . Pambawi ko sa ilang araw na hindi pag update. Busy lang talaga.



**

NILAGAY ni Kisses ang perang natanggap niya mula kay Donny sa kahang nasa harapan niya. As the man said, binili nga nito lahat ng paninda sa convenience store na pinagtatrabahuan niya. Nilingon niya ang pintuang nilabasan ng binata pagkatapos ay binaling ang card na may contact number ng binata, hindi siya pumayag sa alok nito bagkus ay binigyan siya nito ng contact number. Baka daw magbago isip niya. Pero nagkakamali ito, hindi magbabago ang desisyon niya. Hindi niya kayang mag panggap na fiance sa harapan ng ibang tao. Hindi siya lumaking manloloko. Pero honestly, nawindang siya offer ni Donny. Ang tatlong oras na serbisyo niya dito bilang fake fiancé ay makakatanggap na siya ng one hundred thousand.





Ikiniling niya ang ulo. Pero hindi pa din siya pwedeng manloko para lang magka pera. Huminga siya ng malalim at inayos na ang gamit niya para umuwi.





"HINDI ka ba talaga pupunta bukas sa kasal ng Lolo Fred mo ?" tanong ni Sharlene kay Tony ng inihatid niya ito sa bahay nito galing sa shop.




"Ilang beses ko na bang sinagot ang tanong na iyan, Shar ? Ayaw ko." tinanggal niya ang helmet na nakalagay sa ulo nito. "Pumasok ka na sa loob ng bahay mo, gabi na."





"Pero pupunta si Donny, bukas. Hindi mo ba ako sasamahan ?"




"Why do you only care, Donny, Sharlene ? Hindi mo ba iniisip sarili mo ? Ikaw lang ang nasasaktan sa ginagawa mo. Kung pupunta ka bukas, magkikita nga kayo pero ano ? Iinsultuhin ka na naman niya. Do you really like him so much ?"




Yumuko ito at di na nagsalita. Dahil sa kilos nito ay alam na niya ang sagot. Huminga siya ng malalim at sinumulang paandarin ang motorsiklo. "Pumasok ka na para makapag pahinga. Alam ko pagod ka sa shop mo kanina." sabi niya bago niya pinaharurot ang motorsiklo paalis.




NAGISING si Kisses dahil sa ringtone ng cellphone niya. Nang tingnan niya ang orasan na nasa itaas ng side table ay gusto pa sana niyang matulog pero ring ng ring ang cellphone niya. Tumayo siya at sinagot ang tawag.




"Hello ?" bati niya sa kabilang linya.




"Hello, is this Kisses Delavin ?" tanong ng isang baritonong boses.




"Yes po, ano po ang kailangan nila ?"




"Kaano-ano po ninyo si Mrs. Car Delavin ?"




"Mother ko po iyan. Bakit po?"





"May utang pa po kasi ang ina niyo dito sa insurance company. Mahigit isang daang libo po ang utang niya. It was late overdue, matagal na po namin kayong kinokontak dahil dito pero ngayon lang po kayo sumagot. Hope ma settle niyo po ang utang ng ina mo bago po ito dalhin sa korte. Kung may tanong po kayo, please visit nalang po dito sa kompanya. Thank you!" sagot ng lalaki. Sasagot pa sana siya pero pinatay na ng kabilang linya ang tawag.




Ilang minuto siyang napatanga. She love her mom so much pero hindi siya makapaniwala sa ginawa nito sa kanya ngayon.




Her mom was already died at hindi niya alam na may utang pala ito. Ngayon lang. Paano nagawa sa ito ng kanyang ina sa kanya ? She was trying hard to work for herself para may maipon siya pag kolehiyo pero paano pa mangyayari iyong kung gagamitin niya ang pera para mabayaran utang ng ina sa insurance company ? Kulang pa nga ang naipon niya sa pagbayad ng utang dahil ang naipon niya lang for two years na pagtatrabaho ay fifty thousand lang. Saan siya kukuha ng another fifty thousand ?




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CINDERELLA & FOUR KNIGHTSWhere stories live. Discover now