01. MY PRINCE

474 22 6
                                    

EVERYONE believed, that, if you live like a cinderella ang ending ng buhay mo ay makakatagpo ka ng gwapong prinsipe kahit ikaw pa ang pinakapangit sa buong mundo. Sa movie na Cinderella ay nakita ng lahat kung paano napunta si Cinderella sa Prinsipe niya dahil lang sa sapatos.


Kisses life is like a Cinderella. Ang kaibahan nga lang ay hindi niya priority ang makahanap ng mapapangasawa dahil ang mas priority niya ay magkaroon ng trabaho para makaipon. Makaipon para sa kolehiyo niya. Fourth year high school na siya pero sa tanang buhay niya sa sekondarya ay naka survive lamang siya dahil sa mga part time na trabaho na pinasukan niya. Naka experience na siyang mag bantay ng bata sa isang oras lamang, magbantay ng bahay, maging katulong sa dalawang oras at kahit ano pang trabaho. Pinasukan niya iyon para magka pera. Yes, mag susurvive ka lang sa mundong ito pag may pera ka. May ama naman siya, nagtatrabaho sa malayong lugar pero huminto na ito sa pagbibigay ng pera sa kanya simula ng mamatay ang ina niya.

Pagkatapos mamatay ng nanay niya ay nag bago ang buhay niya. Pumasok sa buhay nila ang bagong asawa nito at sinabing anak daw ng ama niya ang kasama nitong babae. Mas lalong hindi siya binigyan ng ama niya nang pera para sana sa pag-aaral niya. Hindi niya alam kung bakit.



Kung noong nabubuhay pa ang ina niya ay nasa maganda at malaking silid siya ay iba na ngayong may bago nang pamilya ang ama niya. Ang stepsister na niya ang umuukopa sa dating silid niya at sa isang silid naman ay ang step mother niya. Siya ? Of course, gaya ni Cinderella, sa bodega siya pinapatulog. Ayos lang iyon sa kanya basta may matutulugan lang at may pamilyang mauuwian kahit alam niya sa sarili niya na ayaw ng mga ito sa kanya.



Kahit alipinin siya ng mga ito ay ayos lang sa kanya dahil naiintindihan naman niya ang mga ito. Siguro mayaman ang mga ito noon kaya kahit paghugas lang ng plato ay siya pa ang pinapagawa, kahit mga sariling labahin ng mga ito ay siya pa ang naglalaba. Ayaw naman niyang magalit ang ama niya sa kanya kaya ginagawa nalang niya ang tama.



Pero she is Kisses! Malakas siya at hindi siya patitinag dahil lang sa mga ganoong bagay. Kaya nga nag papart time siya diba? Dahil kahit papaano ay may maipon siya para sa pag aaral niya sa kolehiyo sa susunod na mga buwan. Gaya ngayon, papunta siya sa isang university para ihatid ang mga pizza na in-order ng mga estudyante doon. She is using the company motorcycle kaya mabilis siyang makakarating sa destino niya. Marunong siyang magmaneho, iyon ang unang bagay na pinag-aralan niya dahil kung marunong kang mag drive, maraming gustong kumuha sa iyo para magtrabaho.


Nang makita na niya ang entrance ng university ay nagpaalam siya sa security guard na nandoon na papasok siya dahil may um-order sa kanya. Dahil kilala naman siya doon, palagi kasi siyang nag dedeliver sa university kaya agad siyang pinapasok. Nang makapasok siya ay dumiretso agad siya sa gymnasium kung saan naka pin ang location nang taong um-order. Mabilis na nakita niya ang mga estudyanteng nagbabasketball. Walang ibang tao doon kung hindi ang mga ito lamang.




"Pizza delivery!" sigaw niya para mapansin siya agad nang mga ito.

Huminto ang mga ito sa pagba-basketball at lumingon muna sa kanya bago lumapit sa para kunin ang order.




"AKIN na ang bag na iyan!" sigaw ni Tony sa mga lalaking nakita niya kaninang tinakot ang isang babae para makuha lang bag.




"Umalis ka dito pare, kung ayaw mong mamatay ka dito." inilabas ang isang kutsilyo sa bulsa nito. Ngumisi ito at nakita niya ang sira-sirang mga ngipin nito.




Kahit kaunti ay hindi man lang siya natakot. Sanay na siya sa mga ganoong pangyayari. Lumaki siya sa isang eskinita at hindi maiiwasang magkaroon ng gulo doon. Mas malala pang bagay ang nilalabas ng mga taong nakatira sa kanila, kaya ang maliit na kutsilyong hawak nito ay wala lang sa kanya.




CINDERELLA & FOUR KNIGHTSWhere stories live. Discover now