Chapter 16

3.5K 82 2
                                    

Chapter 16

Insanity

Nagising ako ng nakagapos ang mga kamay at paa ko at nasa isang madilim akong lugar.

A-asan ako?  Anong nangyari? 

"Hi, Aqisha masarap ba ang tulog mo?" Isang pamilyar na boses ang nagsalita na ikinalingon ko.

"Mari?" gulat kong tawag sa pangalan ng babae.

W-What is she doing here? Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito?

"Yes, that's me. Dalhin na 'yan! " may mga kung sino ang humawak saakin at sapilitan akong itinayo at kinaladkad papalabas ng silid. 

Pagkalabas ko sa loob ay nasilaw ako sa liwanag. 

"I told you, Mari. Don't hurt her. " si D-Davins?

"Oh come on, Davins don't tell me you really did fell in love with that girl?" nandidiring tanong ni Mari sa kaniya.  Umiwas ng tingin si Davins at hindi siya sinagot.

"Paano mo nagawa 'to, Mari? Hindi naman kailangan umabot sa ganito e. Bakit kaila——"

"Shut up bitch! Walang may paki sa gusto mong sabihin!" asik niya sa akin."Kayo!" turo niya sa dalawang lalaki na nakatayo sa magkabilaang gilid ko. "Bantayan niyo 'yan pag nakatakas 'yan kayo ang malalagot saakin! " pagkatapos ay umalis na siya.

"Iwan niyo na muna kami. " sabi ni Davins sa dalawang lalaki pero nagtinginan lang ang mga ito. "Sabi ko iwan niyo muna kami! " paguulit niya sa mas maawtoridad na tono. 

Nagtanguan ang mga ito at saka umalis na.

Lumapit si Davins saakin at lumuhod para magkasing pantay ang mga mukha namin.

"I'm sorry, Aqisha nagmahal lang ako.  Naiintindihan mo naman diba?" malungkot siyang ngumiti. "I just love her so much." aniya pa

"Pero mali 'to, Davins. " naiiling na saad ko. "At hindi ka mahal ni Mari she's just using you." dagdag ko pa.

"I know..." bumuntong hininga siya. "She wants to have Calvin at magagawa niya lang 'yon kapag wala ka na. "

"A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.

"She will going to kill you..." nagbaba siya ng tingin,  kumuyom ang kamao niya. "At mahal ko siya kaya hindi ko hahayaan na dungisan niya lang ang kamay niya para mahalin siya ng lalaking kahit kelan hindi siya mapapansin." he shooked his head.

"D-Davins .. " mahina kong tawag sa pangalan niya.

"Don't worry, Aqisha.  Hindi ka madadamay dito. " pagkasabi niya nun ay kinalas niya ang posas sa kamay ko at pinakawalan ako.
"Here, use my car. " inabot niya saakin ang susi ng kotse niya.  Alanganin ko namang tinanggap iyon

"Davins, thank you. " pagkasabi ko nun ay mabilis akong tumakbo papalabas doon at papalayo.

Nahigit ko ang hininga ko ng muntik na akong makita ng dalawang lalaki na nagbantay saakin kanina mabuti na lamang ay mabilis akong nakapagtago ng masiguro kong wala na sila ay doon na ako lumabas sa pinagtataguan ko at tuluyan ng umalis.

Nakarating ako sa labas ng gusali, puro puno ang nakikita ko. Tahimik at walang katao-tao sa paligid. Kaagad kong hinanap ang sasakyan ni Davins at ng makita ko iyon kaagad kong binuksan iyon at pinaandar. 

Nang makalayo ako doon ay saka ko lang napansin ang pagtulo ng luha ko.  Lahat ng takot ko ay tuluyan ng kumawala at napapahikbi akong umiyak.

"A-Aqisha... " nakatulala akong nakatingin sa may-ari ng boses sa harapan ko na bumukas ang pinto ng sasakyan. 

"MA! MA SI AQI ANDITO, MA! MA! "

"Aqi? Anak! " tuluyan na akong napahagulgol ng yakapin ako ni mama na umiiyak din.  Napatingin ako kay Kuya Alixton na nakatayo at nakatingin saamin. 

"Aqi," kumalas sa pagkakayakap si mama at inalalayan akong makalabas ng sasakyan.

"Sasakyan yan ni Samonte. " it was a statement.

Napatingin ako sa kaniya. "C-Valvin... "

"What did he do to you?" hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. "Baby, tell me? What did he do to you?" His jaw clenched.

Umiling ako. "Wala, Calvin.  P-pinatakas niya ako.  K-inidnapped ako ni Mari. " pagsasabi ko ng totoo.  Mas lalong nagdilim ang mukha niya.

Napasinghap naman ang magulang ni Calvin.

"Sino si Mari?" tanong ni Kuya.

"Mamaya na 'yan. Pumasok muna tayo sa loob. " sabi ni mama.

Inalalayan ako ni Calvin makapasok sa loob at ng makapasok na kami sa loob ng bahay ay nagpaalam siya na may aasikasuhin lang.

"Calvin... " pigil ko sa kaniya.

Ngumiti siya at muli akong hinalikan sa noo bago niyakap. "Babalik ako, baby.  May aasikasuhin lang ako, saglit lang 'to. " sabi niya. 

Pagkalabas niya ay agad akong nilapitan ni tita Artella. "Hija,  I'm so sorry.  Don't worry we will make sure that this won't happen to you again. "

I nodded.

"This has to stop." si Tito Zach na seryosong nakatingin sa asawa niya.

"Aqisha, magpahinga ka na muna. Mauuna na kami. We will talk to Calvin. " paalam ni Tita Artella.

Tumango ako. "Sige po. "

Nang mawala sila sa paningin namin ay agad akong dinaluhan ni Kuya. "Sino si Mari? "

"A friend from Calvin's past." sagot ko.

"Whoever that bitch is, wag lang siyang magpapakita saakin dahil hindi ako mangingiming saktan siya kahit babae pa siya. " gigil na saad ni Kuya.

"Kailan ka pa nakauwi? " pag-iiba ko ng usapan.

"Kanina lang," sumulyap siya saakin. "Balak ko sana kayong surpresahin pero ako pa pala ang masusurpresa. " napabuntong hininga siya. "Wag kang mag-alala hindi na hahayaan ni kuya na mangyari sa iyo ang ganito ulit. "

"Si p-papa a-alam ba niya?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi ko na muna sinabi sa papa mo.  Kilala mo naman iyon hindi ba? But he has the right to know. " ngumiti si Mama saakin at inabutan ako ng mainit na kape.

"Halos magwala 'yong boyfriend mo ng mawala ka. "

Nanlaki ang mata ko,  si Calvin?

"Tumawag ng mga pulis at halos ipahalughog ang buong pilipinas para makita ka pero hindi naman ikaw mahanap. Saan ka dinala ng Mari na iyon? At sino si Samonte? Siya ang nagpatakas sa iyo?"

"Alixton," tawag ni mama kay kuya. "Pagpahingahin na muna natin si Aqisha. Mamaya na lang natin siya tanungin, ang mahalaga ay kapiling na natin siya ulit. Siguro kailangan ay maghigpit tayo ng seguridad at palagyan si Aqisha ng bodyguard para hindi na maulit ang ganito."

Napabuntong hininga si kuya at saka tumango. "I'm sorry. Mama is right. You should get some rest, Aqi."

The Player's PossessionWhere stories live. Discover now