Chapter 17

3.4K 66 1
                                    

Chapter 17

End of the school year

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang pangkikidnapped saakin ni Mari.  Hindi ipinakulong si Mari dahil sa pakiusap ng magulang nito pero pinabalik ito sa states at siniguradong hindi na ito manggugulo saamin.

Calvin insisted na magkaroon ako ng body guard at pumayag din doon si kuya at Papa pati na si tito Zach kaya wala akong nagawa sa huli, pero para hindi ako maging uncomfortable sa body guard ko ay nakacivillian ito at nakahalo sa mga taong nakapaligid saakin——he was ordered to disguise and hide his presence from me.

"Aqi, anong balak mo sa summer?" tanong ni Stella saakin.

"Wala naman." sumulyap ako sa kaniya. "Hindi ko pa alam." kibit-balikat na dagdag ko pa.

"Kami baka pumunta kami ng Las Vegas out of the country. Kasi si mommy may gaganaping fashion show doon e. " aniya.

"Kelan ang balik mo?" tanong ko naman.

"Hmm...ang sabi ni mommy pagtapos daw ng summer makakabalik na kami dito." she answered.

Tumango ako. Madami pa kaming napagusapan puro tungkol sa bakasyon at sa pagpasok namin ulit ay mga graduating college student na kami.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Calvin habang nagdadrive siya. 

"Wala naman... " marahan  akong ngumiti.

"Aalis kami." sinulyapan ako ni Calvin, tila tinitimbang ang reaksyon ko.

Napakalas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Aqi... "

Huminto ito sa tapat ng bahay namin.

"Kelan kayo aalis?" tanong ko.

"Anong kayo?" balik-tanong niya saakin.

Kumunot ang noo ko. "Bakit may mali ba sa tinanong ko?"

He grins. "Who says you're not coming with me?"

"Ano!?" Napakurap-kurap ako.

"Oh, baby you know I can't last a day without seeing you right?" hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. "So, you're coming with me. "

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Cal... "

"Yes, baby? You're heart is beating fast... same as mine. " he sounded amazed.

Hindi na ako nakakibo at nakangiting napailing na lang sa kaniya.

"So, where do my baby wanna go?" he asked, wiggling his eyebrows.

Today is friday. While I'm drinking the carrots & banana shake na inorder ko ay dumating sila Dylan pero wala si Calvin.

Asan siya? 

Absent ngayon si Stella ngayon na kasi ang alis nila papuntang Las Vegas biglaan nga e, dapat sa susunod na biyernes pa ang kaso sabi ng mama niya kailangan daw ito roon ng mas maaga kaya naman ngayon ay hindi na siya nakapasok.

"Alone? " Lawrence asked. 

Tumango ako. "Umalis na kasi ngayon sila Stella."

"Where did she go? " si Dylan na kakaupo lang. 

"Papuntang Las Vegas. " sagot ko. 

He nodded.

"Kaya pala mag-isa ka dito. Bakit hindi mo sinabi saamin? Para sana pinaaga namin ang break time namin para hindi ka mag-isang pumunta dito. " 

Umiling ako kay Dylan. "Ayos lang naman ako."

"Asan nga pala si Calvin?" I asked.

"Si Cal? Pinaiwan saglit ni Coach. " si Philip ang sumagot. 

"Yan lang ba ang kakainin mo? " tanong ni Dylan at inilapag ang bag sa lamesa. "Oorder kami ni Philip. "

Tumango ako. "Oo. Wala din akong masiyadong gana kumain kaya okay na ako dito. " sagot ko at nagtungo na sila sa counter.

"Paparating na rin 'yon si Calvin...oh... ayon na pala e. " sabay turo niya kay Calvin na parang may hinahanap ng mapadako ang tingin niya saamin—— saakin at ngumiti.

"Sorry. " hinalikan niya ako sa pisngi at naupo sa tabi ko. 

"Iyon oh!" nakangising kantyaw ni Lawrence ng umakbay saakin si Calvin. Nagkibit-balikat lang ako roon.

"Bakit 'yan lang ang iniinom mo?"  kunot-noo niyang tanong. 

Shake lang kasi ang inorder ko. Busog pa naman kasi ako dahil ang dami kong nakain sa lunch,  broccoli with beef kasi ang baon ko,  si mama ang nagluto kaya talagang napasarap ang kain ko kanina.

"Bakit?  Busog pa naman ako e. "  paliwanag ko.

Tumayo ito at walang sabi-sabing pumila sa counter actually hindi siya pumila bawat studyanteng nasa pilahan ay humahawi at pinapauna siya,  even Dylan and Philip kaya siya na ang nasa pinakauna ng pila. He's a Stone,  I should be used to that.

Pagkalapag niya ng tray may dalawang spaghetti doon,  dalawang cheese cake at dalawang nestea juice pagkatapos ay sandwich.

"Masiyado ka daw mahal ni Calvin para hayaang magutuman ka. " nakangising sabi ni Philip na kararating lang. 

Si Dylan naman ay walang imik at naupo sa pinakadulo, madami din ang laman ng tray nito.

"Ang dami mo atang inorder, Dylan ah? " puna ni Lawrence sa kaniya.  Pero hindi umimik si Dylan at sa halip ay kumain na

"Kumain ka na. " inilapag ni Calvin ang spaghetti sa harap ko.

"A-Ako na. "  nahihiyang sabi ko.

Paano ba naman kasi balak pa ata akong subuan ng lalaki.  Aware ba siya na maraming tao sa cafeteria?

"What?  Anong masama kung gusto kong subuan ng spaghetti ang baby ko?" seryoso niyang tanong sa akin ng mapansin ang naging reaction ko.

"Pero kasi... " nakangiwing sabi ko. 

"Isusubo mo o iba ang isusubo mo?"  he gave me a lopsided smile. 

Kaagad na lumaki ang mata ko at mahina siyang hinampas sa braso.  lHe chuckles bago mas inilapit ang hawak na tinidor na may lamang spaghetti sa bibig ko.

"Open your mouth, baby. " malambing niyang utos sa akin.

Napalingon pa ako sa paligid bago ibinalik ang tingin sa tinidor na hawak-hawak niya maya-maya pa ay sinubo ko na din iyon. 

Nang maisubo ko na ay kumuha ulit siya at siya naman ang kumain nun,  isang tinidor lang ang ginamit niya.

"Indirect kiss. " sabi niya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko ngayon.

"Kingina nga naman oh!  Tiba-tiba ang mga langgam sainyo." pang-aasar ni Philip bago ininom ang shake niya. 

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si Kuya Alixton, abala sa panunuod ng basketball sa flatscreen tv namin.

"Kuya asan si mama?" tanong ko.

Nginuso niya ang kusina.  "Naghahanda ng meryenda." sagot niya.

"Aqi! Andito kana pala.  Tamang-tama may minatamis na saging dito.  Magmeryenda na kayo."

Napalingon kami parehas ni kuya ng lumabas si mama mula sa kusina at may marahan na ngiti ang sumalubong sa amin.

"Sige po, mama."


The Player's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon