Chapter 19

3.3K 66 1
                                    

Chapter 19

Castrano Radasga

Dalawang araw na kaming nandirito sa Meredith Palace, halos nalibot na din namin ang kabuuan ng lugar dito,  madami din kaming ginawang extremes activity kagaya ng scuba diving, kite boarding——na sobrang nakakatakot at nakakakaba but it was fun. Sinubukan din namin ang cliff jumping na halos atrasan ko pero sinabi ni Calvin na sabay kaming tatalon kaya sa huli ay pikit mata at walang humpay na dasal ang ginawa ko para ngang naiwan sa itaas ang kaluluwa ko ng bumagsak ako sa malamig na tubig. Sumakay din kami sa jet ski na halos magpapaos saakin paano kasi napakaalaskador magpatakbo ni Calvin.

"Easy, Aqi! You're not going to fall." malakas niyang sigaw dahil halos mabingi ako sa hangin dahil sa bilis niyang magpatakbo ng jet ski. 

"Calvin!" I yelled. 

Nang makarating kami sa daungan ay mabilis akong bumaba at pinanlisikan siya ng mata samantalang tatawa-tawa lang ito habang pababa sa jet ski. 

"Let's go for a kayak?" he grinned at me. 

Kinabukasan ay sinabi saakin ni Calvin na pupunta raw kami sa Castrano Radasga (Andoon sila Calvin at Aqi sa story nila Cupid at Eiraneve sa Chapter 21.  Read also my story entitled The Bad Boy Cupid)

"Castrano Radasga is Kuya Ark's family business. Ipinama ito kay Ian, Kuya Ark's brother. " pagkukuwento ni Calvin habang papunta kami doon sakay ng sasakyan niya.

"Diba si Ark ang panganay bakit hindi siya ang nagmanage ng Castrano Radasga?" I asked curiously. 

"Si Kuya Ark talaga dapat ang mamamahala sa Castrano Radasga pero nagbago ang plano at nagfocus siya sa pagpapatayo sa Meredith Palace. At isa pa gusto niyang matuto si Ian, ang kapatid niya. Happy go lucky kasi si kuya Ian at karera lang ang nasa utak wala itong balak mangialam sa negosyo nila but Kuya Ark wants Ian to learn, mamulat din kahit papaano sa mundong meroon sila at isa pa hindi niya kakayanin na dalawang resort ang imamanage niya at hinahabol niya pa ang babaeng pinakamamahal niya.  Matalino at seryoso sa buhay si Kuya Ark, pero eventually nabaliw din sa iisang babae. " naiiling niyang pagkukuwento.

"Kay Meredith?" I asked.

Tumango siya. "Yes. Anyway, magugustuhan mo rin sa Castrano Radasga. Kuya Ark told me that Kuya Ian and his friends are there."

Nang makababa ako sa sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo. "Anong itsura 'yan Calvin?"

Mas lakong lumukot ang mukha niya. "Talaga bang maglalakad ka at ididsplay mo 'yang katawan mo rito?"

Napatingin ako sa suot ko,  I'm wearing a see through clothes at sa loob ay bikini.

"Wala namang masama sa suot ko?  At saka beach kaya ito Mr. Calvin Stone." Nameywang ako.

"But sti——"

"Tara na, Calvin! Gusto ko ng malibot 'to!" putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Napabuntong hininga na lang siya na parang talo na at nagpatangay na lang saakin ng hilahin ko.

"Ian?"

Napalingon silang lahat saamin.  Kaagad na tumayo ang tinawag ni Calvin na Ian.  

"Cal!" nakangising lumapit si Ian kay Calvin at nakipag-apir

"Napaghahalataan talaga na ang kuya ko ang paborito mong pinsan. " naiiling na sabi ni Ian sabay ngisi.

"Sorry bro. I'm just used on calling you Ian. " Calvin explained and then grin.

"Anyway, who's that beau——"

"Shut up, Ian!" Calvin groaned. "She's mine. " pinandilatan niya ito ng mata na palihim ko namang ikinatawa. 

"Kagayang-kagaya ka ni Kuya. Dapat ay magsama sama kayo nila Ark at itong si Cupid e. " nilingon ni Ian ang lalaking may katabing babae na sa tingin ko iyon si Cupid,  the guy was smirking at lumapit ito saamin kasama ang babae na magkahawak kamay.

"Hey, Calvin!" nagfist bum silang dalawa ni Calvin. 

"Cupid! " tinanguan ni Calvin si Cupid.  Pagkatapos ay nabaling ang tingin ni Calvin sa babaeng kasama ni Cupid. 

"As expected. " hindi ko alam pero parang nanunudyo ang natatawang boses ni Calvin sa lalaki.

"Nasa Meredith Palace kami. Kuya Ark told me that you guys are here." sabi ni Calvin.

"By the way, this is Aqisha my fianceé. " Calvin introduced me to them.

Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay sa narinig.  Anong fianceé? Abat!

"Anong fianceé ka diyan? Hindi ka pa naman nagpropropose ah!" Hindi ko naman maiwasang hindi magprotesta at mahina ko itong pinalo sa balikat at inirapan.

Humarap ako sakanila at ngumiti. "Hi, I'm Aqisha pero Aqi na lang. " pakilala ko.  Lumapit ako dun sa babae at hinila siya palayo kay Cupid.

"Saakin ka naman sumama. Sawa na kasi akong makita ang pagmumukha ni Stone e. " I said in a friendly tone.

Tinignan ko si Calvin pero inirapan ko lang siya ulit.  Natawa naman doon ang babae na hindi ko alam ang pangalan.  Siya lang ang nag-iisang babae sakanila. 

"Sige na.  Mag boys bonding na kayo diyan. Don't worry hindi kami lalayo.  Magswiswimming lang kami. Paano kami makakaattract ng boys kung palaging nakabuntot saamin ang mga boyfriends namin. " she winked at them.

"AQI!"

"EIRA!"

Sabay na tawag saamin ni Calvin at Cupid. Nagkatinginan kaming dalawa ni Eira. So, Eira pala ang pangalan niya. 

Tinitigan ko lang si Calvin hanggang sa makalapit na siya saakin. 

"Aqi... " he pouted. Kinurot ko naman ang pisngi niya.

"Ewan ko sa iyo Calvin. Maliligo lang kami. " paninigurado ko sa kaniya.

"You don't mean what you said right?" He asked.

"I don't. " sagot ko.  Mabilis akong hinalikan ni Calvin sa labi na ikinabigla ko naman, saglit akong natulala at napanganga sa ginawa niya nang makabawi ako nakita ko ang pag silay ng nakakalokong ngiti sa labi ni Calvin.

"For all boys to see that you are mine, Aqi. Don't test me." he smirked at me bago bumaling kila Eira at Cupid na mukhang may masinsinang pinaguusapan. 

"Mukhang nakahanap ng kakampi ang mga girlfriend natin, Cupid." naiiling na saad ni Calvin kay Cupid. 

Nilingon kami nila Cupid at Eira. "I trust my baby. " sagot ni Cupid.

"I trust my girl. " sagot naman ni Calvin at kumindat pa saakin bago kinalas ang mga braso na nasa baywang ko. 

"The two of you take care. " bilin ni Calvin at hinalikan ako sa noo. 

Tumango naman ako. 

"Baby if you need me call me.  Kapag may nangbastos sainyo tawagin mo kami agad uupakan ko ang mga 'yon!"

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Cupid kay Eira.  Nagthumbs up naman si Eira kay Cupid at natatawa kaming tumakbo ni Eira palapit sa dagat narinig pa namin ang boses ng dalawang binata pero hindi na namin iyon pinansin at kaagad kaming lumusong at sinalubong ng lamig ng tubig pero di kalauna'y nakapag-adjust ang katawan namin sa lamig ng tubig. 

"I just met you now pero pakiramdam ko magkakasundo tayo agad. " I giggled. "I'm Aqisha again...and you are?" dagdag ko pa.

"Eira." she smiled.

The Player's PossessionWhere stories live. Discover now