Chapter Two

94 18 20
                                    

Ioannikios Escárcega

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


.Ioannikios Escárcega.

“Patingin nga ng alkansya mo?” Napatigil ako sa pagpasok sa pinto ng bahay namin. Kakauwi ko palang sa bahay ay sumalubong na agad saakin si mother dear ko.

Kapag kasi maglalakwatsa ako o aalis ng bahay, pagdating ko nandiyan na siya sa pintuan, naghihintay saakin.

Unti unti akong humarap sakaniya, itinaas ko ang hintuturo at gitnang daliri upang magpeace sign habang may matamis na ngiti.

“Hehe, baka nandyan lang sa sulok sulok. Pakihanap nalang ma.” pagsinungaling ko, itinago sa likod ang notebooks na Limited Edition Signed by my favorite KPOP group, BTS.

“Jusko ka talagang bata ka. Kahit di mo na sabihin, alam kong ginastos mo nanaman yun para diyan sa tinatago mo.” aniya, nakapamewang habang nakasandal sa gilid ng pintuan.

Hehe.. ang sexy talaga ng mommy ko.

Napakamot ako sa ulo at inilabas na ang tinatagong notebooks.

“Alam mo naman na pala mama eh. Ba’t tinanong mo pa kung nasaan?” biro ko.

Itinaas niya ang kanang kamay upang paluin sana ako. “Joke lang! Ito naman, di ka talaga mabiro mama.”

“Hay naku. Pumasok ka na nga dito, kanina may balita nanaman tungkol diyan sa mga Koreanong ‘yan.” sabi ni mama at tinuro niya ang hawak ko.

That made me jump for joy. Oh my God!

“Talaga? Anong oras ma? Panigurado tungkol yun sa live concert ng BTS! Tapos na ba?” Dali dali akong pumunta sa sala at binuksan ang TV. Hinanap ko ang channel, halos mamali mali na ako sa pagpindot ng numero ng remote dahil sa pag-aapura.

“Malamang sa malamang, tapos na ‘yon, Ioa. Kanina pa yun mga alasiyete, pagkaalis mo.” Sinundan pala niya ako at pagtingin ko, nakahalukipkip na siya.

Padabog kong pinatay ang TV at malungkot na humarap kay mama. Papanoorin ko nalang nga yun sa Youtube mamaya.

Mag-iinarte na sana ako nang biglang may naalala akong sabihin.

“Ma, alam mo ba?—”

“Hindi. Hindi ko alam.” She cut me off, rolling her eyes, causing me to inferiorly roll my eyes.

“May lalaki kanina na super bait! Siya pa nga yung bumili neto oh. Kulang kasi yung dala kong ipon tapos biglang lumapit siya at nagpresentang bilin ito para sakin! Hulog siya ng langit ma!” Taas noo kong pagpaliwanag, winawagayway sa harap niya ang pitong pirasong notebooks na nakabalot.

Each one of it is a picture of BTS’ members and there’s even their signature on top of it! I’m so lucky talaga!

“Sinong lalaki? Anong itsura? Gwapo ba? Magara ba yung damit? Mabango ba?” sunod sunod na tanong ni mama.

Be Your Man In This World Full Of KPOP |ᴏɴ ʜɪᴀᴛᴜs|Where stories live. Discover now