Chapter Six

91 16 30
                                    

Music: DNA by BTS

Ioannikios Escárcega

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


.Ioannikios Escárcega.

"Nandito na po a-"

"Saan ka galing?"

Hindi pa ako nakakapasok sa aming pinto nang sagutin ako ni mama. Inangat ko ang tingin sakaniya na sana ay hindi ko nalang pala ginawa. She was a combination of worried, infuriated, and pissed.

Napalunok ako at tumingin na lamang sa ibaba. Kapag ganito si mama, hindi na talaga kataka-taka na ipapatapon niya ang mga posters ng BTS, EXO, BTOB, BLACKPINK, TWICE at iba pang collection ko.

"A-ah mama, nakitulog lang po ako kila Lilou kagabi. May kinuha kasi ako sakaniya na ipinatago ko. Pag-uwi ko nakalock na yung gate." Marahan kong paliwanag habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kabilang braso.

Hindi ko na sinabi ang parteng hinatid ako ni Chong. Nagsinungaling din ako na kila Lilou nakitulog. Kapag kasi nalaman ni mama baka kung anong maging reaksyon niya.

Tinignan ako ni mama mula ulo hanggang paa na may nagtatakang ekspresyon. Nasilip ko na nakahalukipkip siya habang nakasandal sa pintuan namin kagaya ng kaniyang uswal na ginagawa kapag hinihintay ako galing sa mga lakad.

"Bakit ganiyan ang damit mo? Kailan ka pa nagkar'on ng ganiyang bestida? Ha, Ioannikios." She fired me literal questions.

Nagpanic na ang kaloob-looban ko dahil sa pagbanggit ni mama sa pangalan ko ng buo. She really is pissed.

Sabagay, ngayon lang naman ako nakitulog sa ibang bahay dahil sa pagkastrikto nitong mama ko. May curfew ako na kapag alasais na ng hapon ay dapat nasa bahay na ako. Kapag may mahahalaga lang akong pupuntahan gaya ng panonood ng mga concerts ng mga KPOP groups dito sa Pilipinas, pagpunta sa fan meetings nila, at sa mga get together naming mga die hard fans. Doon lang ako pwedeng magpagabi. Pero kahit kailan ay hindi ko pa naranasang abutan ng hatinggabi at makitulog sa ibang bahay.

Mabuti nalang at kilala naman ni mama si Lilou. She's the only friend my mom trusts. Well, she's my only friend in particular.

I haven't had the confidence para makipagkaibigan sa school. I was too shy and always hidden amongst my girly classmates. Iniisip ko na kapag nag-engage ako ng topic about my interests, pagtatawanan lang nila ako at sisitahin na adik na sa mga ganoong bagay. That's why all my friends are on social media kung saan puros din KPOPpers. Iba't-iba ang bias nila which made a connection for all of us.

Bago pa man magtuloy-tuloy ang pagsesermon saakin, maagap na akong humingi ng sorry at pinangakong hindi ko na uulitin pa.

"Ayoko lang na mapahamak ka. Sa dalas mo sa kakalabas baka kung map'ano ka na diyan." Aniya hudyat na wala na siyang masasabi pa.

Tango lang ako ng tango habang nakayuko. Kahit hindi na tignan, alam kong seryosong seryoso si mama ngayon. And it made me guilty of my actions.

For sure, kung sinabi kong lalake ang naghatid saakin at nakitulog pa ako sakanila, hindi ganito ang magiging reaksyon ni mama bagkus ay matutuwa pa ito. Napairap nalang ako sa dahilang 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be Your Man In This World Full Of KPOP |ᴏɴ ʜɪᴀᴛᴜs|Where stories live. Discover now