Chapter Four

65 14 19
                                    

Ioannikios Escárcega

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


.Ioannikios Escárcega.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong gabing ito.

Oh My Lord! Please don't punish me! Bless me Lord for I have sinned! Huhuhu.

Tumakas lang ako sa bahay. Tinakasan ko si mama habang natutulog na sila ng kapatid ko para makapunta sa bahay ni Lilou, KPOP fan din parehas ko. Pero die hard fan talaga siya ng Black Pink at Big Bang. Ang bias lang niya sa BTS ay si Rap Montser. Hindi kagaya sa'kin na walang bias-bias pagdating sa favourite kong boys sa BTS at EXO.

Pero iyon na nga, pumunta ako sakanila para makuha ang ipinatago kong album ng EXO. Pinatago ko muna para hindi makita ni mama na ginastos ko nanaman ang ipon ko para sa album.

Baka mamaya uminit pa ulo nun at makita ko nalang na wala na yung mga posters at collection ko sa kwarto.

That would really be a nightmare. (╥ω╥')

Pero guess what? Nakita ko yung guy na bumili ng BTS notebook set para saakin kahapon. Sinundan niya ba ako? Tinakbuhan ko na nga siya, eh.

Nagprisenta pa siyang ihatid ako pauwi. Ang gentleman naman niya! Pero may pagka stalker nadin dahil sa pagsunod saakin.

Wala naman akong choice kaya nagpahatid nalang din ako. Mukha namang wala siyang binabalak. Not to mention ang gwapo at hot niya din!

Matangkad, dalawang dangaw ng height ko ang height niya. Maputi, matangos na ilong, at mga matang may pagkasingkit. But what stands out the most ay yung kakaiba niyang buhok. His long curly hairstyle is dyed in ash gray. Kapag naarawan ay nagiging parang silver ito na kumikinang kinang. He really looks like a KPOP idol!

Nang matanong ko ang kaniyang pangalan, dahil parang wala talaga siyang balak magpakilala sa’kin. Eaun Primo Chong, daw.

Waaaa~ ang cute cute naman! Bagay sa appearance niya mga bes! 

Nang makarating kami sa aking mumunting tahanan ay nagpaalam na ako sakaniya. Tumango naman siya at nagpaalam nadin.

Pero nang ipihit ko ang gate ay hindi ito nabukas. Pagsilip ko sa kabilang banda, may kandado pala! Hala!

Nakita ko si Chong na nakatingin saakin, akala ko ba umalis na siya?

Naglakad siya palapit at sinubukang buksan ang gate pero wala talaga.

Napamura ako sa isip kasabay ng kaniyang pagmura ng mahina.

“F*cking shit.” bulong niya at isinuklay ang kamay sa kaniyang buhok habang naka kagat-labi.

Oh, God. Bakit ang hot niyang tingnan pag ganiyan?

Pero syempre mas hot pa din yung mga asawa ko. Sila Taehyung, Jungkook, Park Chanyeol, Baekhyun, Sehun, Yook Sung-jae at Lee Min-hyuk. Loyal ako sa bawat isa sakanila.

Be Your Man In This World Full Of KPOP |ᴏɴ ʜɪᴀᴛᴜs|Where stories live. Discover now