Chapter 26: Olympic Battle???

413 14 6
                                    

Nick's POV

Maagap akong nagising sa aking sariling higaan.

Tinignan ko ang orasan, 5am in the morning.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nag stretching ako tapos nagsimula na ako mag push up. Mga 50 push ups lang tapos 50 seat-ups lang din. Hindi ko pwedeng damihan ngayun ang Pageexercise ko dahil ngayong araw na ito ang Olympic game.

Kelangan maging ok ang lagay ng katawan at isipan ko dahil pride ng school namin ang nakataya dito isama mo na rin na ang school namin ang Defending Champion holder last last year. Yes, every 2 years ang Olympic game.

Natapos na ako mag exercise, naglabas naman ako ng kwarto ko at dahil maagap pa mediyo malamig dito sa labas, mediyo madilim parin naman pero pasikat na ang araw.

'May balita na kaya ang mga council guards Kay Zac? Its been months' sabi ko sa utak ko.

Nakita ko ang mga Katulong na naglalagay ng pagkain dito sa aming salas. Naglagay sila ng mga masu-sustansiyang pagkain dahil kahit sila siguro ay inutusan na ang ihain sa amin ay mga pampalakas dahil ngayon ang laban namin.

Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng ako nh tinapay tapos naglagay ako ng tsa-a sa isang maliit na tasa.
Pumunta ako sa Garden ng Mansion at doon kinain ang tinapay na aking kinuha.

"Ilang oras na lang Olympic games na. May kasiguraduhan na mga pulidong caster ang makakalaban namin mamaya." Bigla ko nalang nasabi.

"Oo tama ka, mga Black Vest ang halos lumalaban sa ganitong uri ng malakihang palaro" biglang may umimik sa likod ko.

Nakahugot agad ako ng Stone Dagger mula sa ilalim ko at naibato ito sa taong nagsalita.

Mabilis ko ding namataan na si Ignite pala ito. Dinurog ko agad yung ginawa kung Stone dagger.

"Whooo, chillax bro." Sabi nito na nakataas pa ang kamay.
"Gusto ko pa naman lumaro mamaya Nick" dag-dag pa nito.

Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi niya dahil kamuntikan ko na siyang tamaan ng ginawa kung Dagger.

Habang nag uusap kami ni Ignite. May biglang malakas na pag sabog ang naganap. Malayo ito sa aming kinatatayuan pero ramdam na isa itong malakas na pagsabog.

"Ano yun?" Bigkas ko bigla.

"Hindi natin malalaman kung tutunganga lang tayo dito" sabi ni Ignite.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

Patakbo na kaming papasok ng mansiyon upang tawagin si Akyl at Aqua. Ngunit parang naramdaman din nila ang pagsabog dahil nakasalubong namin sila dito sa salas at mukhang patungo din sila dun sa sumabog na lugar.

Iniabot sa akin ni Akyl ang Dragon Vest ko at isinuot ko naman ito.

Pumunta na kami ngayong apat sa lugar kung saan may sumabog.

Narating namin ang Gate ng Lux kingdom kung saan ito ang humahati sa Siyudad na naandito sa loob at dun sa kagubatan na nasa labas na puno ng mababangis na hayop.

"Ano pong nangyare dito?" Patanung ko dun sa Council Guard na alertong nagbabantay

"May sumugod dito sa atin, mga Dark caster. Sinusubukan nilang sirain ang Gate" sagot nito sa akin

"Bakit naman nila sisirain ang gate? Anong kelangan nito ngayon sa atin?" Tanung ko ulit sa Gwardiya.

"Yun din ang hindi namin alam. Naramdaman mo yung pagsabog kanina diba?" Tanung din naman nito sa akin pabalik.

The Gods Five Dragon [Wattys2018]Where stories live. Discover now