035 // lily's

1.9K 121 80
                                    

lily kim's

Abnormal talaga 'yung kunehong 'yun! Hindi ko maintindihan! Bahala ka diyan.

"Okay ka lang?" Tanong ni Younghoon sa akin. Kakabili lang namin ng takoyaki dun sa mya food court, kaya kumakain kami ngayon.

Tumango naman ako at ngumiti na lang. Medyo nahihiya pa ako sa kanya kasi hindi pa kami masyadong magkakilala, tapos ang mas nakakahiya pa dun, naging magkaibigan kami dahil nabangga ko nga siya nun!

"Kaibigan mo pala si Clover." Sambit niya.

"Clover? Ano meron kay Clover?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ah, crush ni Sunwoo, kaibigan ko."

Tumango naman ako, "May boyfriend na 'yun."

"Ahh." Sagot naman ni Younghoon.

Nagulat ako nang may humawak ng kamay ko kaya napatingin kami parehas ni Younghoon sa nakatayong lalaki.

"Doyoung?"

"Sorry, iuuwi ko na 'tong panget na 'to." Sabi ni Doyoung. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong panget?!"

"Okay lang naman sayo, diba?" Tanong ni Doyoung kay Younghoon.

"Haha, okay lang. Ingat kayo."

Nagulat ako nang kuhain ni Doyoung 'yung bag ko at hilain ako palayo.

"Hindi ko pa nauubos takoyaki ko, hoy?!" Medyo pasigaw kong sabi.

"Bilhan pa kita ng marami nun e." Sabi niya naman.

"Bitawan mo na ako." Sabi ko sa kaya hanggang sa nakalabas na kami ng food court.

"Paano kung ayaw ko?"

feelings | doyoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon