end

1.8K 106 89
                                    

lily kim's

Agad akong nagmadali nang tinext ako ni Clover na magstastart na raw 'yung party. Pumara naman ako ng taxi at sumakay dun.

Hindi naman ako mapakali sa loob ng taxi. Paano ba naman kasi, kinakabahan ako. Paano na lang kung magfail ako? Paano kapag hindi na ako mahal ni Doyoung? Paano na lang kung mapahiya lang ako dun sa party? Ang dami kong paano, hindi ko na alam gagawin ko.

"Ma'am, ok lang po ba kayo?" Tanong ni manong taxi driver sa akin.

"Ok lang po ako, kuya. Kinakabahan lang."

"Kaya mo po 'yan!" Sabi naman niya kaya ningitian ako siya at nagpasalamat.

Maya-maya ay nakarating na ako venue kaya nung bumaba ako ng taxi, huminga muna ako ng malalim bago ko maisipan na pumasok.

Matapang akong pumasok ng venue at nagulat ako nang marinig ko nanaman boses niya. Boses ni Doyoung.

Nasa gitna siya, may dalang mic at si Mark naman 'yung tumutugtog ng gitara. Kumakanta sila ng Perfect ni Ed Sheeran.

"A-ano m-meron?!" Sambit ko. Tumingin naman ako sa paligid, nandito 'yung buong NCT tapos si Jill tsaka Clover. 

"Sorry, nalaman kasi ni Doyoung na itatakas mo siya, gumawa kami ng ibang plano, kaya ayun!" Medyo natatawang sabi ni Clover.

Hindi ko mapigilan at umiyak at tumakbo papalapit kay Doyoung at niyakap siya.

"Uy, bakit?" Natatawang tanong niya habang tinatapik niya 'yung likod ko.

"Sorry sa ginawa ko. Sorry, sorry talaga!" Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin.

Humiwalay naman siya sa yakap at hinawakan niya 'yung mukha ko tsaka tinignan niya ako sa mata.

"Sinabi sa akin nila Jill, 'yung nangyari, ok?" Pinahid naman 'yung luha sa mukha ko, "Kaya 'wag ka na umiyak diyan." Natatawang sambit niya.

"Ano nga pala nangyari dun sa party?" Tanong ko sa kanya.

"Dumating 'yung lolo ko galing America. Tuwing magkavideochat kami, siya lang kinukwentuhan ko tungkol sayo. Tapos ayun, pinaglaban niya ako kanina sa party kaya nakatakas ako." Kwento niya.

"Paano na 'yung kasal?"

"Si lolo na raw bahala. Siya raw magpapacancel ng lahat-lahat." Sagot ni Doyoung, kaya tumango-tango ako.

"Kaya 'wag ka na mag-alala diyan, ha? Tayo 'yung magpapakasal." Natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.

"Hoy, nandito kami, ha? Nanonood kami. Bilisan niyo naman nagugutom na ako." Sabi ni Ten kaya natawa kami lahat.

"Sige, ito na nga," Lumuhod naman si Doyoung sa harap ko, "Can you be my girlfriend again?"

Ngumiti ako at tumango, "Oo naman."

Tinayo ko si Doyoung at niyakap ko siya.

"I love you my wildflower!"

"I love you more, Doyoyo."

~ ~

yoq na ang corny ko nanaman.

thank you ulit sa pagsupporta nito omg. tbh, hindi ko talaga ineexpect 'to. i mean, lily's role in request and back 2 u was supposed to be clover's best friend only and hindi ko siya sinasadyang i-partner kay doyoung HAHAHAHAHA pero ayun naisipan ko rin na kasi wala pa akong nababasa na doyoung epistolaryyyy.

so ayun, thank you uliiiit! lagi niyo sinusupport 'yung mga stories ko huhuhuhu ♡

and naisipan ko muna na 'yung kay jungwoo muna pala isusunod ko ipupublish since connected siya rito dahil kay jillaine HAHAHAHA. pero itutuloy ko muna 'yung kay jenoooo.

sige, 'yun lang! bye
♡♡♡

feelings | doyoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon