100k special

723 28 21
                                    

lily kim's

Busy lahat para sa finals. Si Doyoyo, busy sa pag-aaral. One week na ata kaming sa chat lang nag-uusap. Running for Valedictorian siya sa klase niya.

I'm happy for him pero at the same time, I felt lonely. 1st Anniversary namin bukas. Pero mukhang 'di niya ata naalala.

Mag-uuwian na nga ngayon pero pang-ilang chat at text ko na sa kanya pero hindi siya sumasagot.

"Lily, saan ka ba pagkatapos ng klase?" Tanong ni Clover sa akin. Sumimangot naman ako.

May date nanaman sila ni Lucas mamaya. For sure si Jillaine rin at Jungwoo.

"Baka tumambay na lang ako kaila Ten kung hindi pa rin ako papansinin ni Doyoung." Sabi ko sa kanya.

"Aww." Singit ni Lucas. Babatukan ko na talaga 'tong higante na 'to.

Nasigawan na ng uwian 'yung mga kaklase ko nung tumunog na 'yung bell.

"Lily, sure ka diyan, ah. Mauna na kami." Sabi ni Clover. Ngumiti ako at tumango. Niyakap ako ni Clover at umalis na sila ni Lucas.

Lumabas na ako ng classroom at hinanap si Ten, malamang kasama niya 'yung tatlong itlog, si Hendery, Xiaojun tsaka Yangyang.


Tumunog naman 'yung phone ko na nasa bulsa ng blouse ko. Kinuha ko naman 'yung phone at nakita 'yung text ni Doyoung.

Doyoyo 🐰: saan ka?

Sasagutin ko ba 'to? Dami-dami kong text tapos ito lang sasabihin niya?!

Me: punta ako kaila ten. sige na, gawin mo na 'yung gagawin mo.

Umupo ako sa bench sa labas ng building namin. Ilang minuto na rin ata ako naghihintay sa reply ulit ni Doyoung. Pero wala pa rin. Sige na nga, dederetso na ako sa bahay nila Ten.

Nung nakarating na ako sa bahay nila Ten, nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Yangyang.

"Bakit ka nandito? Saan si kuneho?" Bungad ni Ten.

"Bawal ba ako rito?! Busy 'yun, alam mo naman." Sabi ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Ten at sumandal sa kanya.

"Sad naman ng buhay mo, sis." Natatawang sabi ni Ten.

Napatingin ako kaila Hendery, Xiaojun at Yangyang na busy magsilaro. Guluhin ko kaya 'tong mga 'to. Ang saya nila maglaro eh.

"Kasama mo ulit 'yung tatlong itlog? Ay, apat pala kayo, no?" Natatawang sabi ko kay Ten.

Umirap naman si Ten, "Masarap na itlog."

"Ay, bastos."

"Bastos ba 'yon, Lily, ha?"

"Ten, bakit ang busy ni Doyoung?" Sambit ko.

Tumingin naman siya sa akin, "Hindi ba lagi naman siyang busy?"

Tumunog 'yung doorbell nila Ten tapos ito namang si Ten, inutusan ulit si Yangyang.

Sumimangot tuloy si Yangyang, "Ako nanaman."

Nung pagbalik ni Yangyang, kasama niya na si Doyoung. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at hinila patayo mula sa sofa.

"Hoy, kuneho, wala man lang 'hi' diyan?" Sabi ni Ten.

Tinignan ko 'yung itsura ni Doyoung pero mukhang wala siya sa mood. Ano? Siya ba masungit sa amin ngayon, ha? 

"Uy, Ten, salamat hehe." Sabi ko sa kanya habang hinihila na ako palabas ni Doyoung.

feelings | doyoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon