CHAPTER 2- MAGIKĒ ACADEMY

8.4K 310 10
                                    


-------(edited)

Zanaira's POV

Hapon na nandito kami sa bahay kasama si Mom and Dad dito na sila pinagdinner ni Mommy kasi namiss daw niya si Mom.

Nandito naman kami ni kuya sa kwarto ko. Tinutulungan niya akong magimpake, may dorm kasi ang school na papasukan namin so we don't have a choice. Tapos na rin kasing magimpake si kuya, lalaki nga naman. Tungkol naman sa reason namin kung bakit hindi na kami papasok sa Sarcia University si Mommy na daw bahala doon.

"Natatakot ako kuya. I-I still want Mommy by our side." sabi ko sa kaniya habang nagiimpake ako, siya naman taga-tupi at taga-lagay sa maleta.

Hays ang totoo niyan kahit kilala ako na pinakamatapang, syempre natatakot pa rin ako.

Natatakot ako kasi sabi nila Mom yung school na yun eh sa mga kagaya naming Enchanters. So may kapangyarihan sila baka nga kapag nandoon na kami, kaming dalawa lang ni kuya ang walang powers, pero ang sabi naman ni Mommy meron kami and nasa amin ang pinakamalakas na kapangyarihan.

Natutulog pa daw iyon kasi hindi naman kami aware na mayroon kami kaya daw natutulog pa daw iyon hanggang ngayon. Natatakot ako baka kasi ibully nila kami tapos wala kaming laban sa kanila.Isa pang kinatatakutan ko ay ang maiiwan sila Mommy dito. We are with them since birth so mahirap talaga na malayo kami sa kanila.

Tutulungan naman daw kami nila Mom and Dad pati yung mga susundo sa amin bukas. Ewan ko ba akala ko driver lang yung susundo sa amin, importanteng tao pala. Napaisip tuloy ako, ganito ba talaga kami kaimportante? Paano na lang kung hindi na lang nagpakita 'yung totoong magulang namin? Sana makakasama pa namin sila mommy and daddy ng matagal. Ang sama ko naman ata na hilingin na sana hindi na lang sila nagpakita.

Sabi rin nila na may limang class doon.

Class A, B, C, D at yung class kung saan daw kami makakabilang ay yung Royalty Class which is for royalties that holds great power.

"Hindi ka dapat matakot baby. Nandito naman si Kuya eh pangangalagaan kita tandaan mo yan. And we both know na mahirap nga na mapalayo kari mommy pero kinausap niya na tayo hindi ba? Bigyan naman natin ng chance ang mga tunay nating magulang." sagot niya sa sinabi ko kanina at hinalikan ako sa ilong. He always do that kapag malungkot ako, galit, whatsoever.

Hindi na ako sumagot dahil tapos na kaming mag impake at bumaba na kami para sa dinner tinawag na kasi kami ni yaya Rina eh. Habang bumababa kami bigla nalang akong inakbayan ni kuya.

"Excited na ko baby."

Parang kanina na lang umiyak siya sa kwarto ko kasi ayaw niya daw iwan sila Mommy and Daddy, ako nga hindi ako umiyak, hehe, umiyak ako pero patago lang, pero siya? Wala ng pag-asa.

"Ano kayang powers natin noh? Pero hindi ko inaasahan na immortal pala tayo at naiiba tayo sa mga tao, pero ang saya nito. Matagal ko ng gustong mgakaroon ng kapangyarihan." yeah matagal niya ng gustong magkaroon ng kapangyarihan bata palang kami. Mahilig kasi sa mga Marvel Movies. Aminin niyo, kapag nanonood rin kayo ng mga movies na somehow ay super natural gusto niyo ring maging sila. Everyone of us naman siguro na-experience na 'yun.

"Nakakainis nga eh! Biruin mo all along akala ko 17 years old tayo pero dito lang pala sa mortal world yun. Tapos kapag pumasok tayo sa Enchant World 16 pa lang tayo!" Ahead ang mga Mortal World ng one year, pero pareho pa rin ng time. "Then may two years pa tayong papasukan! Nakakastress yun kuya. Ang boring nga sa school natin doon pa kaya. At ang saya saya ko na sana kasi last year na natin ngayon tapos malalaman ko magaaral pa tayo ng 2 years." grabe naman kasi eh gusto ko na ngang matapos kalbaryo ko then may 2 years pa kami. This is exhausting, schools and stuffs? very exhausting.

MAGIKĒ ACADEMY: THE DEMIGOD (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon