CHAPTER 16 - DIE

3.3K 128 0
                                    

Jade Yzada's POV

Nagising ako ng ganoon pa rin. Wala na naman sila. Bakit ba hindi na lang ako masanay?

"Tara na Yza." aya sa akin ni Cas.

Sumabay na ako sa paglalakad niya. Hindi ko na pinansin ang mga bulungan nila na kesyo bakit kami lang dalawa. Ano ng nangyari sa royals? Kesyo dahilan daw iyong malanding Azul.

After naming pumunta sa palasyo ay palagi na lang ganito ang scenario.

'Cas'

Pagtawag ko sa kaniya gamit ang telepathy.

'Hmm?'

'Papatayin ko na agaran si Azul. Tinatamad akong pahirapan siya.'

'Tamad as always Yza. Pfft. I know you can do it. Good luck.'

'Yeah'

Hindi na siya sumagot pa. Pagpasok namin sa room nag-init bigla ang ulo ko. Nakikipaglandian lang naman si Apoy sa Azul na iyon. Nagteleport ako sa secret place ko.

Bakit ganito? Bakit ang sakit? Wala naman akong karapatang magalit o magselos. Masyado ka kasing assuming Yzada! Bakit ang assuming mo! Iyak lang ako ng iyak rito ng may maramdaman akong tumabi sa akin.

Si Cas lang pala.

Niyakap niya ako patagilid. Naramdaman ko naman na nababasa ang damit ko. Tinignan ko naman siya at umiiyak siya. "What happen Cas?" tanong ko sa kaniya. Iniwan ko kasi siya kanina eh.

"Si Matt *sob*" Matt? Sa pagkakaalam ko may gusto siya kay Matt.

"What happen?" alalang tanong ko sa kaniya.

"Nakikipaglandian siya kay Azul. Kahit na si Jade ang gusto ni Azul. Binasa ko ang isip ni Matt. Hindi niya alam na nakabukas ito at ang sakit!" at napahagulgol na lang siya sa iyak. Niyakap ko naman siya. Bakit ba ganito? Bakit pa kasi dumating iyang Azul na iyan. Papatayin ko siya.

"Shhh. Tahanan na Cas. Huwag na tayong pumasok."

"Nacancel lahat ng Class ngayon buong araw. Nagmimeeting ang mga teacher para sa magaganap na leveling next month ata or next next month." Ngayon ko na lang kaya patayin iyong Azul na iyon.

"Nasan sila?"

"Dorm. Ngayon mo na ba papatayin?" and I nod.

"Tutulungan kita."

Hinawakan ko siya at agad na nagteleport sa dorm. Tumahimik sila sa pagdating namin. Lumapit naman si Cas kay Azul. Sinabunutan siya ni Cas at iniharap sa akin.

"Aray." saad Ni Azul o Yvory at nag-actong umiiyak.

"DIE!" saad ko at namatay si Azul. Walang gumalaw sa mga royalties dahil sa gulat.

Bigla na lang may kamay na dumapo sa akin. Hindi ako makapaniwala na sinampal ako ng sariling kong kambal.

"Bakit mo siya pinatay?! Sagutin mo ako!"

"Dapat siyang mamatay!" saad ko. Magteteleport na sana ako pero may sumabunot sa akin.

Letse.

"Ano bang nangyayari sa inyo ni Cas ah?! Bakit gan'yan kayo?!" it's Aysha. Habang umiiyak.

"Wala kang puso Nai." saad ni Mico.

"Akala ko ba mabait ka? Hindi naman pala." saad ni Kyle.

Kami na pala ang masama ah.

"Hayaan mo na siya Aysha. Wala siyang kwenta." saad ni Lhander. Parang Piniga ang puso ko sa sinabi niya.

"Live." saad ni kuya at nabuhay si Azul na ngayon ay naghahabol ng hininga. Letse. Bakit niya pa binuhay?! Edi sana tapos na ang Mission!

MAGIKĒ ACADEMY: THE DEMIGOD (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon