CHAPTER 23 - GETTING BACK TOGETHER

3.5K 138 1
                                    

Jaz's POV

It's been 2 months simula ng umalis kami ng Academy. Bukas na ang balik namin. After the summoning akala ko talaga tapos na ang training but heck. Umulit pa sa umpisa. Para daw masanay kami. And also para mapatay ko daw talaga si Azul. They knew everything.

Namimiss ko na sila. Funny right? Tinignan ko pa rin kung may maniniwala sa amin but wala pa rin. Sad to say this pero kapag dumating na ang araw ng leveling eh wala na talaga silang babalikan. Galit ako sa kanila. Ayoko ng i-bring up pa kaya change topic.

After ng summoning naging magkakaibigan kami nila Kirra, Kris and Zi. Parang nakabuo nga kami ng panibagong grupo. Nakakairita lang minsan si Kris. Lagi niya ako iniinis. Isasama rin namin sila pagbalik. Gusto nga nilang maexperience ang mag-aral roon.

May kaniya kaniya nga silang gawain ngayon eh.

Pumunta ako sa harapan nila.

"Tutal bukas na ang balik natin. Wanna join me?" Tanong ko sa kaniya.

"Saan bes?" Tanong ni Sandy sa akin.

"Kay Violet." Tipid kong sagot.

"Oo ba!" Saad nila at nagsitakbuhan pataas. Tss. Magpapaganda pa eh. Miss ko na si Violet. Nangako ako sa sarili ko na siya ang una kong bibisitahin eh. Tutal babalik na kami bukas kaya ngayon ko siya naisipang dalawin.

Nakababa na sila. Gumawa naman ako ng portal patungong palasyo. Pumasok na kami sa portal. Nasanay na kami diyan ewan ko lang sa mga guardians na ito.

Paglabas namin eh ang priceless ng nga mukha ni Kirra, Kris at Zi.

"Nakakahilo!" Reklamo ni Kirra at para siyang lasing na naglalakad. Nabungo naman siya sa gate at hinimatay.

"Hahahaha!" Tawa naman kami ng tawa sa nangyari. Ang epic! Lalapitan na sana namin siya ng nagising na siya at bumangon. Medyo ok na naman siya.

"Ang sama niyo!" Saad niya. Napatawa lalo kami.

"Dapat nagteleport na lang tayo!" Saad ni Kris.

"Hmpp. Oo nga! -3- " Gatong naman ni Zi.

"Mukha kang bakla Zi!" Saad ko. Nagtawanan ulit kami.

Inunseal ko ang presence ko at bumukas ng gate. Pumasok na kami. Isineal ko naman ang presence ko ulit. Kailangan ito para proteksiyon. Nakakaattract kasi ang presence ko ng mga Dark eh.

"Nandito ang mahal na prinsesa! Maghanda!" Saad ng isang kawal. Nagform naman sila ng line at itinaas ang mga espada nila. Si Dad ang may pakana nito. Tss.

Pinagbuksan naman kami ng mga katulong ng pintuan. Nakita ko naman sila Mom and Dad na nakaupo sa trono nila. Lumapit naman sila sa akin at niyakap ako.

"How are you sweetheart? I heard what happened." For sure Dad told her.

"I'm ok. I guess. By the way. Here's my friends."

Saad ko sa kanila. Nagsibow naman sila.

"Ang cute niyo namang lahat. Kilala ko na kayo. No need to introduce your names. Kahit kayong tatlo." Saad ni Mom at ngumiti.

"How's your life princesses?" Tanong ni Mom.

"Nag-aadopt pa rin po tita." Saad nila.

Bumaling naman sa akin si Mom.
"Sana magkaayos kayo ni Jake, Sweetheart." I just smiled at her.

"Where's Kuya, Mom?" I asked. Hindi ko kasi siya makita eh.

"Your Kuya Yvo is busy, nasa town siya ngayon for the needs of the enchanters there." sagot naman ni Dad.

MAGIKĒ ACADEMY: THE DEMIGOD (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon