Part 1

58 3 2
                                    

Isang napakalamig na gabi ang sumalubong sa akin ng ako ay patungo na sa gusali kung saan ako nag-tatrabaho. Isa akong Call Center Agent at medyo nahihirapan ako sa schedule ko na pang-gabi. February na kase ngayon kaya malamig na ang simoy ng hangin. Sa jeep palang talagang naninigas na yung mga binti sa lamig. Paano pa kaya sa loob ng opisina mas malamig doon lalo na kapag may mga clients kami, lalo nilang nilalakasan ang mga aircon.

Bukod sa malamig ang panahon, medyo nakakailang ang mga katabi ko sa jeep. Mga foreigners sila na kanina pa nakatingin sa akin. Dito kase sa ciudad namin sa bayan ng Albuena, puntahan ito ng mga banyaga dahil sa pagiging Business Friendly nito kaya dito nagpupunta ang iba't-ibang mga business persons para mag invest. Sabi nga nila, the price here in the Philippines ay cheap lang kumpara sa mga bansa nila kaya dito sila nag-sisitayuan ng mga gusali at businesses nila. That's why madami mga call center companies dito sa lugar namin. Mukha nangang nasa ibang bansa dahil sa dami ng mga gusali dito at mga establishments.

Hindi pa ako nakakapag-abot ng bayad ng kusang nag-kalkal ang foreigner na katabi ko at pinag-bayad ako sa driver.

"No, please. I will pay." Sabi ko sakanya.

"Allow me, miss." Sagot niya tsaka siya naka-ngiti. Mukhang maganda naman ang lahi niya. Medyo mabalbas siya pero maputi siya. Mukhang kagandahan din ang katawan niya. Pero sa pagsasalita niya, hindi siya mukhang kano. May ibang lahi 'to tiyak ko.

Nawala ako sa pag-iimagine ko ng may pumara na, sakto naman na nasa harap na kami ng gusali na pinagtatrabauhan ko.

"Bye, beautiful!" Yun ang mga huling salita na narinig ko sakanya bago pa umabante ang jeep.

Napangiti nalang ako. Naglakad na ako at pumasok sa loob. Habang nag-aabang ako sa lift, napatapik nalang ako sa noo ko dahil meron ang nakalimutan, ang mag-pasalamat sakanya. Nakatipid ako ng 8 pesos dahil sakanya.

Umakyat na ako ng nakadating na ang lift. Habang nag-aayos ako ng gamit ko sa locker ko, hindi ko maiwasan na isipin siya. Kahit na mabalbas siya, mukhang maamo ang mukha niya. Pero dahil foreigner at stranger siya, natatakot ako. May mga cases na kase dito samin sa Albuena ang pagnanakit ng mga banyaga sa mga kababaihan marahil dahil yung iba ay mga prostitutes at hindi nila nakukuha ang gusto nila o ang iba naman trip lang talaga nila kaya natatakot ako. Malay koba na pinagtripan lang ako nung foreigner kanina. Basta, malelate na ako. Sabi ko sa sarili ko at dumiretso na ako sa production floor.

Matapos ang 3 oras na shift namin, we decided to take our first break. It is essential naman samin na i-take ang break namin kahit kape at biscuit lang, pwede na. Nagpunta kami nina Shen, Mary, at Gerlie sa pantry. Sila ang mga kasama ko at tinuturi ko ng mga kaibigan simula pa noong mga training days namin.

Hindi ko mapigilan na ikwento sakanila yung nangyari kanina. Of course, bilang mga kaibigan ko, hindi maiwasan ang mga magaganda at masasama nilang komento at suhestiyon.

"Ikaw ha girl, baka naman malaman namin na nakikipag jowa kana sa mga foreigners, tandaan mo yung iba katawan lang ang habol nila, kapag nakuha kana nila, babayaran ka nila saka ka nila iiwan." Wika ni Shen.

"Oo nga, she has a point." Sabi ni Gerlie.

"Basta ako girl, kung saan ka doon ako." Sabi naman ni Mary saka niya ako nginitian.

Natawa nalang ako sakanila. Nakwento ko lang naman sakanila dahil medyo na-attract ako sa mga mata ni Mr. Foreigner Stranger.

Natawa ako sa sarili ko ng maisip ko ang pangalan nayun. Bumalik na kami sa office ng mga kasama ko.

"Thank you for calling....."

Opening palang palang ako nahinto na ako. Kaboses kase ni Mr. Foreigner Stranger yung caller. Impossible naman na siya yun dahil mga amerikano ang mga customers namin. Nagulantang ako at hindi na nakapag salita.

"Hello? Anybody on the line?" Wika ng sa kabilang linya.

"Ahm, ahm, sir, sorry, my name is Elise Leofando, how can I help you today?" Nauutal na sagot ko.

Panigurado mapapagalitan ako mamaya neto. Ni hindi ko man na-deliver ng maayos yung opening spiel ko.

"Are you okay, miss? It does not seem that you know what you are saying." He said

"I apologize, sir." Napayuko nalang ako at wala ng nasabi. Ganito pala yung feeling ng ma-mental block.

Bakit ba kase bigla ko naisip yung lalaki na yun. Wala naman kinalaman ang mga customers namin sakanya.

"Can I talk to your supervisor?" He asked.

Patay! Pinaka-iiwasan namin ang sup call (meaning: kakausapin ng customer ang supervisor mo kapag ayaw kanya kausap or hindi mo alam ang sinasabi mo). Lalo na akong nataranta sa request niya. Pero parang kaboses niya talaga si Mr. Stranger Foreigner. Tinapik ko ang ulo ko sa thought na yun.

"I apologize sir, my supervisor is currently engaged on a call." Wala akong nagawa kundi magsinungaling.

Naisip ko yun para baka kayanin kopa na solusyonan ang issue ng customer na ito ng hindi nagtatawag ng supervisor.

"No! I wanna talk to your supervisor now!" Irate na sabi niya sakin.

Sa sobrang taranta ko ay napatayo ako at tinawag ang pangalan ng supervisor namin. Nagulat sina Gerlie at Sheny sa pagtayo ko dahil diko naman normal na ginagawa yun. More on upo lang ako since nakakangalay tumayo. Ano ba yan, Elise ano ginagawa mo sa sarili mo?

"Yes, Ms. Leofando?" Biglang takbo ng supervisor namin na ubod ng sungit.

"S...sup call po." Yun nalang nasabi ko sa kaba ko.

"What? Seriously Ms. Elise Leofando?! Are you not good enough to assist your customer? Stupid!" She bluntly said to me.

Napayuko nalang ako at pinasa ang call sa maldita naming supervisor. Ni hindi man ako nakapag-branding sa customer at nakapag paalam. Patay talaga ako neto.

Habang kausap ni Ms. Jean ang customer ko, napaupo ako sa tabi niya at napatapik ako sa mukha ko. Palpak na naman ako.

After ng walong oras na nakikipag-balahuraan sa mga makukulit at masusungit na customers, nakalabas din kami trabaho ng mga kasama ko. Umaga na at madami ng mga tao sa daan. Yung iba papasok palang sakanilang mga trabaho at yung iba naman mga estudiyante na papasok palang sa paaralan. Bigla nalang ako napaisip sa sarili ko na kung ako kaya ang nasa position nila, magiging masaya kaya ako sa buhay ko? I mean, I've been working in a call center for about 3 years now and hindi na ako makaalis-alis dahil kailangan namin ng pera. Hindi naman sa kalakihan ang sahod ko pero nagagamit namin ito sa pang-araw araw na mga gastusin ng pamilya ko. Sa ibang trabaho, bukod sa maliit ang sahod, mahirap pa ang trabaho, di gaya samin, you just have to talk 8 hours a day.

Bumaba na ako sa kanto namin kung saan may masarap na lugawan doon. Lagi akong dumadaan sa lugawan at bumibili ng pwede kong almusalin. Habang naaa tapat ako ng menu, may mga grupo ng lalaki ang lumapit at nagtuturo ng mga orders nila sa crew. Bigla ako napalunok ng makita ko na sina Mr. Foreigner Stranger pala ang nasa tabi ko.

Hinawi ko ang buhok ko sa kanan para hindi niya ako makita. Nakita ko na naman yung mga mata niya na nakakapanghina. Ang sarap niya sana titigan kaso parang awkward naman yun at baka mahuli niya ako at baka naka ano pa isipin niya sakin.

Napag desisyonan ko na wag nalang umorder at umuwi nalang. Tumalikod ako at umakma na lumakad na kaso nagkasabay kami. Tumama ang tray na hawak niya sa bag ko. Natapon ang tubig sa pantalon ko.

Nagkatinginan ang mga mata namin.

At sa sandaling iyon, nanigas ang mga paa ko at hindi kona maramdaman ang mga ito.

Ano na gagawin ko?

Heart Is Where The Home Isحيث تعيش القصص. اكتشف الآن