Part 6

16 1 0
                                    

Napamulat ako ng maramdaman ko na may nag-bubuhat sakin. Naaalog ang buong katawan ko. Pamilyar ang amoy ng bumubuhat sa akin. Wait, si James ba 'to?

"Nasan ako?" Cracked na boses kong tanong.

"Please don't talk first, just stay calm. We are at the hospital." Sabi niya.

"What happened?" Biglang tanong ko. Bigla kong naalala yung wallet ko. Wait, nasakanya wallet ko?

Hindi na niya ako sinagot ngunit agad na akong hiniga sa kama. Kung anu-ano ang pinag-gagawa ng mga nurses sakin. Kinuha blood pressure ko.

"Ang baba po ang blood pressure niya." Wika ng nurse.

"English please." Sabi ni James.

"Sorry ser, her blood pressure went down. What happened to her, ser?" Tanong ng nurse.

"May hinabol akong bata. Hinablot ang wallet ko kaya kinailangan ko siyang habulin." Maagap na sagot ko.

"Mam, low blood po kayo. Nag-pupuyat po ba sila?" Tanong ng nurse.

"Call center agent po ako." Sabi ko, inayos ko ng kaunti ang pag-kakahiga ko dahil parang nauubusan ako ng hangin. Inalalayan ako ni James. Ang bango niya talaga.

"Sige po mam, sir, kailangan po muna ninyo mag-pahinga dito. Wala naman kayo malubhang karamdaman, low blood lang po kayo." Sabi ni nurse.

Phew. Akala ko napano na ako. Pero bakit nahihirapan ako huminga?

"Are you okay?" Tanong ni James.

"Yes I am. Did you get my wallet?" Tanong ko. Basag padin boses ko. Kainis.

Hinablot niya sa bulsa niya. "Here. I had to run after the kid when I saw him grabbed your wallet. I was stunned so I got it." Ngisi niya.

Ngisi palang niya feeling okay na ako. Pwede na ako ulit makipag-habulan sa bata. Pero may naaalala ako.

"What happened to you? I mean, you were silent these past few days." Tanong ko. Ilang araw na siya hindi nag-paparamdam. Kahit naman walang kame, concern padin ako dahil napalapit nadin siya sakin. Kahit na may kaunting pag-nanasa na ako sakanya.

"I was just busy." Mabilis na sagot niya sabay upo. Nakikita ko sa tingin niya na there's something wrong with him. Napano kaya siya?

"Just stay here and have a rest." Wika niya saka siya tumayo.

"I will go out and buy some food." Sabi niya sabay labas ng emergency room.

Nagulat nalang ako na may biglang nag-sundo sakin na mga nurses at dinala ako sa private room. Magpapahinga lang naman ako bakit doon pa? Wala naman akong pambayad.

"Teka teka, bakit niyo ako dinala dito? Wala akong pambayad." Pigil ko sa mga nurses.

"Mam yung boyfriend niyo po na gwapo na matangkad siya po nag-request na ilipat kayo dito. Infact binayaran na po niya lahat." Sagot nung isa.

Hindi na ako nakapag-salita pa. Dinala ako sa private room na parang hotel na sa dating. May sariling TV, refrigerator at sariling banyo. May kusina pa siya. Parang hotel talaga siya. Kaso nakakasira yung mga malalaking oxygen.

Ilang sandali pa at bumalik na si James dala ang mga pinamili niya. Para naman akong may malalaking sakit sakanya. Andame niyang dala.

"Why do you have to transfer me here? I just have to rest for a while. This is costly." Saad ko.


"Nah. Nothing to worry. We might gonna be infected there in the emergency room so." Sabi niya sabay kibit-balikat.

Ang arte naman niya. Pasalamat siya gwapo siya.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Sina Shen pala ang tumatawag.

"Hello? Nasaan ka?" Tanong ni Shen na may kasamang pag-aalala.

"Nasa ospital ako, Shen. Nahilo ako sa daan kanina." Sagot ko.

"What?! Wait sa Albuena Medical Center ba?" Pagmamadali niya.

"Oo, Shen."

Binuksan ni James yung mga pagkain na dala niya. Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa niya yun. Bakit ganun? Para kaming mag boyfriend sa ginagawa niya. Sobra siya concern sakin. May gusto kaya siya sakin? Nako sakto single paman din ako at 2 years nadin. Pero hindi ko pa siya ganun kakilala. May mga portions siya na nawi-weirduhan padin ako.

"Ahm, did you notice the hiring sign board of Grand White Hotel?" Tanong ko to break the silence.

"Yhep, why? Planning to apply?" Tanong niya.

"Well, I have heard alot about how that Queen is being very strict to every policy she has, I'm kinda not sure but I have this intention." Sabi ko.

Gusto kodin subukan. Nakapag-tapos ako ng College. Nakatapos ako ng degree sa Business Administration. Nasa call center ako ngayon kase mataas ang sahod at kailangan ng sustento ng kapatid ko dahil hindi na pwedeng mag-trabaho ang mga magulang ko. Sabi nga nila bakit daw hindi ako nag-apply sa mga banko or car companies kase doon nababagay ang pinag-aralan ko. They have their point but I am looking on the more practical way. Patapos nadin naman kapatid ko. Isang taon nalang siya sa college. Pero natatakot ako na bitawan ang trabaho ko doon just to apply sa Grand White Hotel. Mataas ang sahod doon. Mas mataas sa trabaho ko ngayon. Kaso sobrang hirap makapasok. Gusto pa yata ni Ms. Georgina ay mag board exam muna kahit waitress lang aapplyan sakanya. Sobrang taas ng standards niya. Nakakalula. At kapag hindi ako natanggap, mabibitawan ko naman ang trabaho ko isa.


"She is a dominant woman and she does not want easy jobs. She is furious when it comes to business even though she is not a degree holder of any course." Sabi niya.

"Really? But how did she manage all that?" Pag-tataka kong tanong sakanya.

"By following her parents." Sagot niya.

Inilapit niya sa akin ang tray. May gatas, bread na may palaman na chicken spread at may isang saging din. Ang laki naman ng saging nayun.

"I just wanna say thank you so much for the help. You know what, if it wasn't you, I would be dead by now. My mom's gonna kill me if I won't be sending money to them because the enrollment in school just started yesterday." Sabi ko.

"Are you still in school?" Tinaas niya kilay niya. Shet gwapo.

"Nope, my sister. She still has a year in college and she's done." Sabi ko.

"So you are already a graduate, right?" Tanong niya.

"Yes. Business Management graduate." Sagot ko.

"Really?!" Madalian niyang kinuha ang wallet niya at may pinakita siyang card sakin.

It says: James Rajit Khan, RMP.

Registered Marketing Professional?!

"Is this real?" Tanong ko.

Kakaunti palang dito sa bansa ang pumapasa sa RMP dahil sa kamahalan at mahirap daw makapasa doon.

"I finished my college in India, same as your course, then when I came here someone helped me with that and I took the examination. I passed." Sabi niya with his big smile na laglag-panty-worthy.

"Really? Who's that person? I wanna know. I want to take that exam!" Sabi ko.

"It was Georgi....." Natigil siya.

Bigla siyang tumayo sabay sabing "Excuse me for a while."

Nung kinuha niya ang bag niya may napansin akong kakaiba sa mukha niya.

Wait?! Umiiyak siya?









Heart Is Where The Home IsWhere stories live. Discover now