Part 2

26 2 0
                                    

"Hi Miss Beautiful." Tuwang tuwa niyang bungad sa akin. Of all the people bakit siya pa kase. Hindi naman ako bitter pero naman kase, lumuluwang panty ko. How would I resist this.

"Ahm, hello." Pacute na sagot ko tsaka tumalikod. Lalakad na sana ako kaso madali siyang humingi ng tissue sa crew at umupo sa harap ko para punasan ang pantalon ko. Like really? Nahigop na ng pantalon ko ang tubig, as if may magagawa ang tissue? Pero ayos na yun, atleast siya naman gagawa. Ano bayan Elise! Nahihibang kana talaga. Remember that he is a damn foreigner! I thought.

"It's okay." Sabi ko saka hinawi palad niya. Ayun, lalo ako nanlambot dahil sa lambot ng kamay niya. Nahiya naman ako dahil parang papel deliha ang mga palad ko.

"No miss, it's my fault. I'm sorry." Ang gwapo niya nung sinabi niya yun. Bakit ganun? Nakikita ko na nag flex yung muscles niya sa biceps niya habang pinupunasan ang pantalon ko sa baba. Ganito pala ang feeling kapag ang gwapo ng nasa harap mo. Hindi naman sa never pa ako nakaharap sa gwapo pero he's an exemption. He's not just handsome, he's god. Oh my god.

"It's okay, pauwi nadin naman ako." Proud na sabi ko.

"Huh?" Nagtatakang tanong niya.

"Oh I mean, I'll be home soon and I'll change, so." Sabi ko. Nakalimutan ko na foreigner pala kausap ko. Kaasar talaga.

"I see." Sabi niya tsaka siya tumayo. At ayun. Bumulantang saakin ang buo niyang pagkatao. Ang tangkad pala niya at ang ganda ng katawan. At ang pinakamaganda sa view ay naka gym attire siya. Lalo nakagwapo sakanya yung fitted na shirt niya at jogger pants. Ang gwapo talaga niya. Kaharap koba si Channing Tatum? Parang ang sarap humiga sa dibdib niya. Napakagat ako sa labi.

"Okay. Bye." Dry na sabi ko tsaka na ako umalis. Bakit ba kase andito 'to? Mukha naman mayaman bakit sa lugawan pa siya kumakain.

"Ah wait, miss! Can I treat you breakfast?" He asked me.

At sa mga sandaling iyon, isang balde ng laway ang nalunok ko. Did he just ask me to eat with him? Gusto ko sumigaw kaso diko magawa. Heto naba yung sleep paralysis? Kaso gising ako, so hindi.

"No, thanks." Sabi ko saka na ako umalis.

Nasayangan ako sa ginawa ko. Nakakain na sana ako ng ulam kagaya niya este ng lugaw tapos kasama pa siya. Kaso he's still a stranger at hindi pa ako panatag sa ganun.

Narinig ko ang mga kasama niya na bi-noo siya at nagtawanan sila sakanya. Nadismaya yata siya sa pagtanggi ko. Some nationalities kase, it is essential for them to offer something to someone and the latter has to accept it otherwise, mapapahiya sila at ang ego nila. Hala, baka ganun din siya.

Tuluyan na akong nakalayo sakanila. Napalingon ako ng kaunti at nagulat ang buong kalamnan ko na nakatitig siya sakin. I was shocked in horror as I walk the street. Ano bayan? Bakit siya nakatitig sakin? Ano ba nafifeel ko, takot o kilig?

Lumiko na ako sa kanto. Malapit na ang bahay namin dito. Wag naman sana niya malaman ang location ng bahay namin.

Nagpalit na ako agad ng damit at naghilamos. Gusto ko nalang matulog dahil hindi na ako nakapag almusal. Napakatahimik sa bahay namin dahil wala ang pamilya ko dito. Nakatira sila ngayon sa mga lola namin sa probinsya. Doon kase mura ang pag-aaral. May dalawa paman din ako na kapatid na highschool palang. Buti nalang at may bahay kami dito. Nung nagtatrabaho pa ang tatay ko, nabili niya itong bahay na 'to dahil sa dito sa Albuena siya nakapag trabaho at nakapag invest ng bahay. Kaso 60 years old na si tatay at hindi na natuloy ang construction ng bahay namin dito dahil hindi na siya makapag trabaho at ang pension niya ay napupunta sa mga gamot niya at ng nanay ko. Pero pwede na tirahan  ang bahay dahil kumpleto naman na, hindi lang fully furnished. Ako at kaunting gamit ko lang ang nakatira dito kaya nakakainip din minsan.

Humiga ako at ni-check ang phone ko. Pag-bukas ko sa facebook ko, may isang friend request. Siyempre tiningnan ko ko kung sino. Nanlaki mga mata ko ng nakita ko sino ang nag-add sakin. (Name!). Ang ganda naman pala ng name niya. Pang mayaman. But how? Paano niya nalaman ang facebook account ko? Nako, ang galing naman niya mag-stalk.

Pero bakit ganun? Imbis na matakot ako, kinilig pa ako? I mean. A stranger just added me. Ni hindi ko man alam baka rapist pala siya. Pero kung ganun naman ka gwapo, kahit 10 times pa. Tapatapik ako sa mukha ko. Ano bayan, nagiging green minded ako dahil sakanya.

Ni-check ko ang profile niya. Napaka photogenic niya at madame siya followers. Artista ba 'to sa bansa nila? Sa pag-sscroll ko sa profile niya, nalaman ko na Indian pala siya. Ang gwapong Indian naman pala neto. Andameng niyang likers sa mga post niya. Yung mga nag-cocomment sa mga pictures niya ay halu-halo. May taga India at may ibang lahi at meron din mga pilipino, grabe ang kasikatan niya. Sana nag-artista nalang siya. At mukhang traveler talaga siya. He's been to many countries nadin pala. At ngayon nasa Pinas siya. Ano naman kaya ginagawa niya dito? Well, oo na stalker na ako.

James Rajit Khan. Gandang pangalan. Bagay sakin Apelyido niya.

Habang na de-daydream ako. Naalala ko na mapapagalitan pala ako mamaya sa Manager namin dahil sa kapalpakan ko kanina. Napatapik nalang ako sa noo ko at pumikit. Itulog ko nalang ito.

Habang nararamdaman ko na padating na ako antok ko, nag beep ang phone ko. Someone messaged me. Kaso mamaya na, inaantok na kase ako. Kaso di yata siya satisfied, nag beep ng nag beep ang cellphone ko. I fished my phone from my right.

Minulat ko ng kaunti ang right eye ko at nabuka ko sila ng buong buo ng makita ko sino ang nag chat.

James Rajit Khan sent you a message.

Teka? Hindi ko pa siya inaccept. I checked it at napabaligtad ako sa higaan ko. Really?! Bakit ko siya inacccept? Ang likot talaga ng kamay ko kahit kailan. Ayan tuloy nakapag message siya sakin.

Him: "Thank you for accepting, I hope one day you'll accept my treat."

Like oh my dear god, nanginginig ang kalamnan ko. First time na may gwapo na nag chat sakin. Nasira na naman ang antok ko. Sakit kona talaga 'to, ang hirap ko makatulog.

Heart Is Where The Home IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon