Chapter 8

566 13 0
                                    

Busy si Cassey sa pag che-check ng requirement ng isang client nila nang lapitan siya ng isang delivery boy. Takang-taka siya sa bulaklak na inilapag nito sa mesa niya.

"Maam pa-sign na lang po ng delivery receipt".

"Sinong nagpadala nito?"

"Pasensiya na po Maam, taga-deliver lang po ako. May kasama naman pong card ang bulaklak."

Pumirma na lang si Cassey at nagpasalamat bago kinuha ang card at binasa.

    -May these flowers brighten up your day as the thoughts of you brightens mine-

                                                                            Mathew

Napangiti si Cassey nang malamang galing kay Mathew ang bulaklak. Kaninang umaga text message ang natanggap niya sa binata, ngayon naman ay bulaklak ang ipinadala nito. Tinitigan niya ang napakagandang floral arrangement. Iba-iba ang mga iyon, may roses na iba't-ibang kulay, carnation, star gazer, lily, gerbera at orchids. Ano kaya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito?

Napansin ni Cassey ang nanunuksong tingin ng mga katrabaho, ngayon lang kasi nangyaring may nagpadala sa kaniya ng bulaklak sa bangko.

"Uy.....si Maam Cass, luma-lovelife......" , anang teller nilang si Ana.

Mabuti na lang walang kliyente nang mga oras na iyon.

"Maam 'yon bang gwapong nag-open ng account dito kahapon?", tanong naman ni Sarah na nasa new accounts.

Hindi na lamang sumagot si Cassandra at nangingiting sinaway na ang mga ito sa panunukso. Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang i-text si Mathew at magpasalamat.

    Cassey: Thank you sa flowers

    Mathew: You're welcome. Sana nagustuhan mo

    Cassey:  they're beautiful. I like them very much.

    Mathew: glad to know. Busy?

    Cassey: not much

    Mathew: pwede kang abalahin kung ganun?

    Cassey: why?

    Mathew: I'm hoping to invite you out for lunch.

Hindi agad nakasagot si Cassey dahil may tawag siya sa direct line niya sa opisina. Matapos sagutin ang tawag ay binalikan niya ang cellphone upang sagutin sana ang text ni Mathew, ngunit papasok na ito sa opisina nila.

"Hi, I hope I didn't catch you at a bad time",alanganing bati ni Mathew kay Cassey.

"Hindi naman, I'm about to text you, may kinausap lang ako sandali".

"So, free ka for lunch?", hopeful na tanong ni Mathew.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon