Chapter 26

537 12 1
                                    

"There", Mathew said matapos lagyan ng gasa ang sugat ni Cassey.

Pasimpleng humugot ng hininga si Cassey, nanlalambot siya at kanina pa ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya akalaing apektado pa rin siya sa simpleng pagdidikit lang ng balat nila ni Mathew. Habang nililinisan nito ang sugat niya ay pigil niya ang hininga.

"Breath sweetheart...", Mathew tease. Inirapan lamang ito ni Cassey.

"Your shirt..." Cassey said bago ito itinulak paupo.

Sinimulang ng kalasin ni Mathew ang necktie pero napapangiwi na siya. Masakit ang sugat niyang gumagasgas sa polo niya at hirap siyang ikilos ang braso niya. Nabugbog yata nang tumama pagbagsak nila.

Napansin ni Cassey na hirap ito sa pagtanggal ng polo nito.

"Ako na nga diyan", aniyang hinawi ang kamay nito nang makita ang pagngiwi nito.

Tinanggal na ni Cassey ang necktie nito at sinimulang tanggalin ang mga butones ng polo ni Mathew. She was halfway on removing his buttons nang pumasok si Kat.

"Oppss....sorry....di naman kasi kayo nag-lock", ani Kat na tumalikod.

"Ano bang sinasabi mo diyan Kat", ani Cassey na itinuloy ang paghuhubad kay Mathew. 

"Tinutulungan ko lang siyang maghubad dahil nahihirapang siyang ikilos ang braso niya."

Si Mathew naman ay may maliit na ngiti sa labi at amused na pinapanood si Cassey.

Tumikhim ito nang mapansing nakatingin sa kaniya si Kat.

"Sit", utos ni Cassey kay Mathew matapos tanggalin ang polo nito.

Bahagya siyang napasinghap nang tuluyang tumambad sa paningin niya ang braso ni Mathew.

Bugbog ang braso nito at nangingitim na. Medyo mahaba-haba din ang gasgas nito sa balikat, although mababaw lang 'yon.

Nilinis niya ang sugat at nilagyan ng antiseptic bago benendahan.

"I think you need to see a doctor, you might have broken a bone, namamaga ng husto ang braso mo", Cassey said, gently tracing his bruised arm.

Bahagyang iginalaw ni Mathew ang braso at napangiwi.

"No broken bones I think, just bruised"

"You need to put a sling on that. Hindi mo muna pwedeng ikilos yang braso mo."

"I'll put one later"

Pinulot ni Cassey ang punit na polo nito.

"Sira na ang isang 'to at may dugo pa, may pamalit ka ba?"

Legally in LoveWhere stories live. Discover now