Chapter 17

506 9 0
                                    

Nakailang subok na si Mathew na tawagan si Cassey ngunit nananatili pa ring nakapatay ang cellphone nito. Kanina ay iniisip niyang baka tulog pa ito at hindi namalayang lowbat ang cellphone nito. Pero magtatanghali na ngayon at nananatiling hindi niya nako-contact ang fiancée.

Nag-aalala na siyang baka kung ano na ang nangyari rito. It's not like Cassey to be unreachable like this. Sinubukan niya uling tawagan ito pero cannot be reach pa rin.

Nagmamadaling kinuha ni Mathew ang susi ng kotse niya at nagtungo sa apartment ng dalaga. Pagdating  niya roon ay wala siyang dinatnan. Ayon sa kapitbahay nitong napagtanungan niya ay maaga daw umalis ng bahay ang dalaga.

Mathew tried calling Katarina but all she said was Cassey didn't call her. Labis ng nag-aalala si Mathew. Where did she go,alam niyang malabong sa opisina dahil simula na rin ng leave nito.

Nanlulumong umuwi ng bahay si Mathew, Hindi niya mapigilang maramdamang may maling nangyayari.

Nakatingin lang si Cassey sa kaibigan habang kausap nito si Mathew sa telepono. Ang totoo ay sa condo ng kaibigan siya nagpunta. Maagang-maaga siyang umalis ng bahay upang hindi siya abutan doon ni Mathew. Hindi pa niya ito kayang harapin kaya pinagtaguan niya na muna ito.

Nang matapos makipag-usap si Kat kay Mathew ay muli itong lumapit sa kaniya upang aluin siya.

"Hey, stop crying over that jerk".

"Ang sakit Kat."

"Gusto kong sabihing kausapin mo siya. Tanungin kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, but that video said it all. I may sound na ginagatungan kita but from the looks of it, si Mathew ang unang naghalik. At base sa nakita ko, parang sabik pa sila sa isa't-isa", nangagalaiting sabi ni Kat.

Hikbi lamang ang sagot ni Cassey sa sinabi ng kaibigan.

"I don't know what to do Kat, ayoko siyang makita. Ayoko siyang kausapin"

"Dito ka muna."

"Tatawagan ka uli ni Mathew kapag hindi pa rin niya ako nakausap maghapon".

"Ako na ang bahala, bakit ba kasi pinigilan mo pa akong awayin siya. Bakit ayaw mong malaman niya na alam mo ang pagtataksil niya".

"I want to save face Kat, at least yun man lang magawa ko. Pride is all I have left, I already gave him everything"

Nakakaunawang niyakap na lang ni Kat ang kaibigan.

Hindi nga muna umuwi si Cassey sa apartment niya. Doon muna siya matutulog sa condo ni Kat ngayong gabi. Maghapon na siyang walang ginawa kundi mag-iiyak. Gabi na nang lumabas siya para puntahan ang kaibigan na nasa kusina.

Pagpasok pa lang sa kusina ay may naamoy si Cassey na hindi niya nagustuhan. Tila hinahalukay nito ang kaniyang sikmura. Patakbong nagtungo siya sa banyo upang sumuka. Since maghapon na siyang hindi kumakain ay wala naman siyang nilalabas.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon