Kabanata 2

52K 745 22
                                    

Akala ko ay maaga akong nagising pero mas maaga pa pala si Ricky kaysa sa'kin. He's not in the sofa when I woke up.

I dizzily managed myself to stand up kahit masakit ang batok ko dahil nahulog na naman ang unan ko kagabi. I immediately went to the bathroom and did my morning routine and I feel stupid because I'm still wearing the small cloth lingerie.

I frustratedly shook my head, kailangan kong tanggalin ang suot ko dahil kung hindi ay magkakasakit ako. I took off the extraordinary clothes and wore extensive jammies instead. I just wanted to be cozy. Wala din naman akong epekto kay Ricky, bakit pa ako magdadamit ng ganito?

I took a deep breath and plastered a smile on my face, it's a new day and I need to be happy. There are a lot of reasons to be happy!

I went out of our room and marched down merrily on the looped stairwell. It's actually one of my earliest times to wake up since Myla and I graduated, kaya mukhang may isang achievement ako this month.

"Magandang umaga, Ma'am." one of the maid greeted me.

"Magandang umaga din, mukhang tahimik ngayon. Hindi pa sila gising?" I asked radiantly because the house was too hushed.

"Ay hindi po, Ma'am, kakaalis lang po ni Sir Ricky. Si Ma'am Myla naman ay nasa storage room."

"May trabaho si Ricky?" I asked, ignoring her other statement.

Nadismaya ako nang tumango siya. Nagtrabaho si Ricky? Akala ko ba ay nag-leave siya ng isang buwan para sa honeymoon namin? Bakit ngayon ay may trabaho siya agad? Did he cancel his vacation leave?

Tumango ako kahit ako ay dismayado.

"Sina Mama Beth po at Daddy, tuloh pa?"

"Maaga din po silang umalis." aniya.

Uminit bigla ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ng katulong. Napahiya ako dahil nagising pa sina Mama ng mas maaga kaysa sa akin.

"Ah, ganoon ba. Sige, I'll just talk to Myla.." pagpapaalam ko at tinungo ang storage room malapit sa garahe.

Nang malapit ako sa storage room ay nakita ko si Myla sa loob, nasa harap siya ng isang malaking kahon. She's busy looking for something inside the huge wooden container.

"Hoy, anong meron diyan?" tanong ko at sumandal sa door frame ng storage room habang pinapanuod ang ginagawa niya. I didn't bother to greet her a good morning, mukhang maganda naman na ang umaga niya.

Agad siyang dumeretso ng tayo at hinawakan ang dibdib. "Jusko, Amy! Papatayin mo ko sa gulat!" Tumingin siya saglit sa kahon at bumalik ang tingin sa akin. "Hinahanap ko yung mga sulat sa'kin noon ni Travis."

Agad niyang ibinalik ang buong attensyon niya sa malaking kahon.

"Nilagay ko iyon sa maliit na kahon, eh." she said and continued examining the big box. Natamaan na nga yata.

"So tinamaan ka na talaga sa kanya?" I teased her.

I heard her deep breathing.

"Yes naman! Nakita mo naman kung gaano siya kagwapo hindi ba? Though, I don't mind. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nagpapaligaw na ako. Well, dapat lang kasi ipinangako iyon ni Dad, diba?" She giggled. "And you know what, Mom even demanded me to date already.."

"Oo nga, sinabi sa akin ng Mama Beth. Salamat naman at may magpapatino na sa'yo.." I joked, kasi alam kong matino kaming dalawa. Wala kaming kalokohan noon maliban sa mag night out lang at minsan pa.

"Uy uy! Tumigil ka nga. Alam mong mas matino ako kaysa sa'yo!" aniya at tumawa ng malakas.

Ngumiti ako, yes she's right dahil kung tutuusin ay mas marami akong kalukuhan kaysa sa kanya.

Tears Of Love - Amy's Endeavor  (COMPLETED)Where stories live. Discover now