Chapter Ten

1K 35 4
                                    

Maddie's POV

"Hoy Maddie topak!" Sigaw ni Jho habang papalapit saakin.

Nag aayos ako ng gamit. Wala kaming training at pasok bukas tapos sinabi ni tita Det kay Bea na papuntahin kami sa bahay nila para naman masulit namin yung rest day namin.

Ano na naman kayang problema nito at saakin na naman binubuhos ang galit niya.

"Ano na namang ginawa ni Bea at ako pinag iinitan mo?" salubong na kilay na tanong ko.

"Yang best friend mo, pinagtataguan ako." Pagmamaktol niya at padabog na umupo sa kama ko.

"Best friend mo rin naman yun ah!"

"Ah basta, kung hindi pa ako tinext ni tita Det hindi ko malalaman na pupunta tayo sa bahay nila."

"Bakit mo naman nasabi na Bea's avoiding you?"

"Tigilan mo ako, alam kong may alam ka." Masungit na sagot niya.

She's right, I know the reason why Bea's avoiding her pero it's not like I can tell Jho especially if Bea have my words. I'm not in the position to meddle sa kung anong issue meron sila.

I saw how Jho's annoyed expression turned into a sad one. How she took deep breaths to stop herself from crying.

"Huy Jho, wag kang iiyak. Hindi ako marunong mag comfort ng mga umiiyak." Natatarantang sabi ko.

"Ano ka ba, okay lang ako 'no." She forced a smile, pero sabi nga ni Bea "It's all in the eyes."

"Weh? Kilala kita Jhoana."

"Hindi ko lang maintindihan bakit bigla nalang ganito. Okay naman kami eh, nababaliw na ako kakaisip kung ano bang nagawa ko para umiwas siya. Kasi kahit sabihin niyang hindi naman siya umiiwas at sadyang busy lang siya, alam ko yung totoo. Bea will always make time for the people she loves. Bea will always make time for me." Jhoana quickly wiped her tears away and my heart broke for the two of them.

Because Bea's devastated sa nangyayari sakanila. Ewan ko rin at anong pumasok sa isip ng isang yon.

I rubbed her back as she silently cry, I remained silent kasi I honeslty don't know what to say. I don't know what words she need to hear.

"Sige na, Maddie. Magkita nalang tayo sa bahay nila Bea. Thank you ah." Nagpunas siya ng luha at tumayo.

Tumango nalang ako bilang sagot. Nasa may pintuan na siya nang humarap ulit siya saakin at magsalita.

"Pakisabi namimiss ko na siya at naniniwala akong magiging maayos din lahat basta makapag usap kami. Naniniwala ako don kasi siya nagsabi at nagturo saakin non." At tuluyan na siyang umalis sa kwarto ko.

My gosh, ang aga pa tapos ganon na kaagad. Binilisan ko mag ayos ng gamit para mapabilis din ang pagbatok ko kay Beatriz mamaya. Hinihintay niya ako sa may McDo. Sabay kaming pupunta sakanila.

Umuwi kasi ng bahay si Ponggay kaya hindi kami magkasama tapos si Kat naman kasama sila Jules, Bettina and Sydney. Yung iba naman ay nauna na sa bahay nila Bea, mahiyain talaga mga teammates ko.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita na ako nalang pala mag isang naiwan sa dorm. Nilock ko ang pintuan at naglakad para puntahan si Bea.

Nagulat ako nang makita kong nakapark ang sasakyan niya sa labas ng Eliazo.

Nilagay ko muna sa compartment yung gamit ko bago sumakay sa passenger seat.

"Akala ko ba sa McDo tayo magkikita? Oh bakit kasama mo 'to?" Tanong ko when I saw Deanna beaming at me while she's leaning from her seat.

Love at First SpikeWhere stories live. Discover now