CHAPTER 54: Grey and Stanley

885 19 14
                                    

Chapter 54

Alezia POV
"Kailangan nating ibigay sa mga faculty head teachers ang naisip mong mind-set Alezia. Kailangan nilang iapprove ang form letter then pwede na nating gawin pagdating ng foundation day" usal ni Grey. Ang President ng SSG. Nag-usap kasi kami kung papaano mas magiging mahiyakat ang ibang estudyante sa labas ng school kaysa sa school namin.

May naisip akong paraan kaya ako na ang nagsabi.. Sana maging successful ang naisip ko.

Kalahating-oras pa ang dinagdag namin para makapag-usap pa ng maayos at kung sakaling may madagdagan sa mind-set ko.

"Okay. Meeting is now adjourned. Pwede na kayong pumasok sa next class niyo. Thank you for your time guys." tumayo na rin kami at nagsi-alisan na ang iba habang ako ay nagpaiwan sa court habang pinapanood ang mga Basketball Players na naglalaro may laban nga pala ito next week.

Kaya lubusan ang pagprapractice nila.. "Hindi ka pa papasok sa next class mo Alezia?" lumingon akonsa nagsalita. Si Grey lang pala.

"Vacant ko kasi kaya tambay lang muna ako rito..." Itinaas ko ang dalawang paa ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na umupo ito katabi sa upuan na kinauupuan ko.

"Same naman pala tayo. Vacant ko rin. Tambay nalang din muna ako rito." sabay kaming tumawa. Naiibahan lang ako kay Grey dahil minsan seryoso ito at minsan naman ay palatawa. Hindi ko maintindihan ang attitude nito.

But i know he is a kind guy...

Nasa kabilang building ito nag-aaral kaya minsan lang kami magkita nito lalo na kapag may meeting kami sa SSG. Minsan naman ay pumupunta ako sa room nila dahil nagiging sub-teacher nila ako sa Biology.

Civil Engineering ang kinuha nitong kurso samantala ako ay Medicine and Business Accountant. Buti nga pumasa pa ako sa dalawang kurso na iyon at nakaya kong pagsabayin.

"By the way, kamusta ka na pala. Medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita. Kung wala lang meeting ngayon hindi tayo magkikita"

"Okay naman. Medyo masakit lang sa ulo ang Math. Nakakainis lang kasi ang formula, padami na ng padami tapo--"

Nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap. Naramdaman ko ang malakas na impact sa harapan ko.

"Shit! I'm sorry!"

Humiwalay na sa akin si Grey at napagtanto ko na pinotektahan lang ako nito sa bola.

"Kayo! Dapat hindi kayo binabansagang basketball players kung nakakatama naman kayo ng tao! diba dapat sa basketball ring lang yan, bakit dumating pa dito yan?!"

Nagulat ako ng biglang tumaas ang boses ni Grey. Siguro masakit ang matamaan ng bola, pero saan naman siya natamaan?

"Kasi alam niyo namang may naglalaro rito sa court, dito pa kayo tatambay "

Biglang may nagsalita, ito ang MVP ng basketball team na ito si Stanley Endrinales. Sobrang sungit ng isang ito, akala mo may regla araw-araw, palaging magkasalubong ang kilay.

Tumayo ako at lumapit kay Grey, baka may mangyaring away dahil nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Grey habang matalim na tinitingnan si Stanley.

Parang nag-aaway ang mga mata nila kaya hinila ko nalang palabas si Grey, mabuti na lamang ay hindi na ito nagmatigas pa.

Nang tuluyan na kami lumabas, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Saan masakit? Sabihin mo sakin Grey? Saan ka natamaan ng bola? Huh? Huh?"

Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil bago ngumiti "I'm fine Alezia. Huwag kang mag-alala hindi naman masakit parang kagat lang ng langgam"

"Anong kagat ng langgam? Halos naramdaman ko nga ang impact ng bola sa likuran mo eh. Buti nalang talaga ay hindi ka nagsuka ng dugo"

Ngumiti lang ito pero alam kong masakit talaga iyon "Pero salamat talaga huh. Thank you Grey"

Biglang nagseryoso ang mukha nito "Anything for you Alezia"

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Korni mo ha?" tumawa nalang ako pero may pakiramdam ako na hindi siya nagbibiro, pero bakit naman?

SOMEONE POV
Ahuh! May ipapakita na ako ng malupit kay Marck. Tingnan lang natin kung hindi pa magseselos at magagalit ang jowa mo sa pinag-gagawa mo Alezia.

Pagkatapos kong picturan ang eksenang iyon ay dali kong sinend kay Marck. Napangisi nalang ako ng nag-sent na ito.

Get ready Alezia~...

----
Owemjiii! Sino kaya ang nagsent ng picture ni Alezia at Grey kay Marck? Malaking problema ito.

Ito na kaya ang simula ng pag-aaway nilang dalawa?

Kayo sino kaya sa tingin niyo ang nag-send ng picture kay Marck?

----
Grey Sebastian as ASTRO Eunwoo

Stanley Endrinales as NCT 127 Taeyong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Stanley Endrinales as NCT 127 Taeyong

Stanley Endrinales as NCT 127 Taeyong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon