CHAPTER 65: Shopping Time

698 25 2
                                    

Chapter 65

Sabrina POV
Fuck those girls! "AAARRGHHH!"
Sinipa ko ang break ng kotse habang mahigpit na hinawakan ang manibela nito. Nahawakan ko ang kaliwang pisngi ko pero napahiyaw ako dahil humapdi ito.

Kinuha ko ang maliit na salamin at ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita ang mahabang kalmot ni Nathalie sa pisngi ko.

Huhuhuhu. My poor cheeks! Hindi pwede ito! Hinding-hindi ako makakapayag na sila ang mananalo sa laban na ito. Tinapon ko ang salamin kung saan at hinalungkat sa sling bag ko ang cellphone at may tinawagan.

"Hello?"

"We need to talk immediately right now! May mission kang dapat gawin. Magkita tayo sa pinagkakakitaan natin at sasabihin ko kung ano ang mission mo"

"Sa dating building pa rin ho ba Madam?"

"Yes. Exactly 8pm dapat nandoon kana. Ayokong pinaghihintay ako may anim na oras ka pa." ibinaba ko na ang tawag at sinimulan na ang makina ng kotse.

Makikita niyo ang mabaho kong ugali...Let this bloody game start..

Alezia POV
"Manong dito na lang ho.." sambit ni Nathalie "Para ho kuya...." kinakatok na ni Tiffany ang itaas pero bingi yata si Manong.

"Manong may bababa ho" sambit na ng ilang pasahero. "Dito nalang po kami!" sigaw na ni Choi.

"MANOOOOONG! PARA HOOOOO!!!" tumigil ang sasakyan at napatagilid nalang ang mga katawan namin dahil sa impact. Kung hindi pa ako sumigaw hindi pa titigil eh.

Bumababa na kami pero dahil sa inis ni Nathalie sumigaw pa ito "Tangina mo Manong, napalayo pa kami ng wala sa oras! Hinding-hindi na kami sasakay sainyo!"

Umalis na kami at napakamot nalang kami sa ulo dahil maglalakad pa kami. "Bwiset si Manong, tinandaan ko yung plate number niya. Hindi na tayo sasakay sa kanya. Walangho" inis na sambit ni Tiffany.

"Paunahan nalang! Kung sino ang mahuli, siya ang magbabayad ng pinamili natin! Hahhahahaah" sinimulan ko ng tumakbo ng mabilis

"Hoy! Maduga ka Alezia! Saglit lang!" tumawa nalang ako at mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko at tumingin sa likuran. Nahuhuli ng tumakbo si Choi.

.....

"Paano ba yan Nathalie, mukhang ikaw ang magbabayad ng lahat ng bibilihin natin. Sorry sa credit card mo" natawa kong sabi at nakita ang pagbusangot ng mukha niya.

"Ang ganda doon oh! Tara, tingnan natin mga damit sa loob!" wala na kaming nagawa ng tumakbo na si Tiffany sa isa mga Women's wear.  Napakamot nalang tuloy si Nathalie dahil kawawa ang isang ito kapag si Tiffany ang mag-shoshopping!

"Hoy! Tiffany! Huwag mo namang bilhin lahat yung mga damit dito ah! Baka gusto mong ubusin ko rin ang credit card mo sa bangko"

Nagsimula na kaming mamili ng damit pero natigil ako ng may biglang pumasok sa isipan ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng Women's Wear at ganoon na lamang ang paglaki ng ngiti ko dahil naalala ko ang lugar na ito.

Dito ang una naming bonding time nila Kuya! Kung saan dito ako binilhan ni Kuya Matthew ng dress, ayoko pa sanang kunin kaso mapilit siya at bibili pa siya ng iba para sa akin, kaso mahal talaga ang mga presyo rito dahil branded ang mga damit rito.

"Uy, anong ngiti yan Alezia?" nabaling ang tingin ko kay Nathalie na katabi ko pala habang namimili rin ng damit "Nathalie?"

"Hmmm..." tumingin ito sa akin "Salamat pala kanina ha." hinawakan ako nito sa balikat at hinalikan sa pisngi "No need to thank me Alezia, magkapatid na tayo diba? Karapatan kong protektahan ka noh, baka nakakalimutan mong kahit magka-edad tayong apat ay mas matanda ako sa inyo..."

Tumawa ako at niyakap ko siya ng sobrang higpit "Salamat talaga Ate Nathalie"

"Yuck, Alezia! Hindi talaga bagay sa pangalan ko ang Ate! Huwag mo na akong tawagin ng ganoon, hindi ako sanay"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at nagpatuloy ang pamimili ng damit.

....

"Kailangan na yata natin ng bodyguards" sambit ko at itinaas pa ang mga bag na pinamili namin. Jusko, ang dami na naming napamili at hindi ko na alam kung ilang boutique na ng damit ang pinasukan namin.

"Gutom na ako guys. Kumakalam na ang sikmura ko" ani ni Choi, inilapag na muna namin ang mga shopping bag at huminga ng malalim.

"Pakyu kayo kasi, kung hindi lang madami ang pinamili niyo hindi naman tayo mahihirapang bitbitin yan. Wala kayong awa sa credit card ko. Mga hayuf!"

Nagdrama si Nathalie at nagkunwaring umiyak na parang bata "Tama na nga yan, saan niyo ba gustong kumain?" tanong ko

"KFC!" sabay naming sabi at kinuha na ang mga shopping bags bago nagsimula ng maglakad papuntang KFC.

....
6:30 na kami umuwi dahil hindi ako pwedeng umabot ng alas-syete ng gabi baka mag-alala na naman sila kuya, pero nagtext naman ako kay Marck na sunduin ako at wala kaming pasok kaya ako ang nahiwalay sa tatlo.

Sumakay na kasi ito sa sasakyan ni Tiffany habang ako ay sinundo na ni Marck. "How's your day mahal ko?"

Napatingin ako kay Marck na ngayon ay seryosong nagmamaneho, nakawahak ang isang kamay nito sa kamay ko habang ang isa ay nasa manibela.

"Sobrang saya! Akalain mo yun, sobrang haba ng oras namin para mag-shopping at alam mo ba, wala kaming pasok ng apat na araw!" masayang sambit ko.

"That's good to hear. At sa loob ng apat na araw iyon, gusto ko akin ka at buong araw tayo magkasama"

Nakagat ko ang labi ko dahil sa kilig, naramdaman ko ang pamumula ng dalawang pisngi ko. "Can't wait to cuddle with you at night mahal ko."

Hinalikan niya ang kamay ko na hawak-hawak niya. He's giving some small kisses that make's my heart flutters.

How can i love this man...

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Where stories live. Discover now