Chapter 76: Plan and Truth

324 10 0
                                    

Chapter 76

Olivia POV

"Bwisit!" tinapon ko ang mamahalin kong cellphone sa pader na dahilan ng pagkasira nito. I can buy a hundred version of that fucking cellphone. Hinimas ko ang noo ko dahil sa galit.

Palpak na naman ang plano. Bakit hindi niya ba mapatay-patay si Alezia?! Ang dali lang pautuuin ng isang iyon. Fuck that useless guy!

Kung hindi niya kayang gawin, ako mismo ang papatay sa babaeng iyon. With my own fucking hands.

Anong akala niya? Na ganoon ko na lang tanggapin ang lahat-lahat! No way! Never kong ibibigay sa kanya si Matthew! Akin lang si Matthew! Kahit alam kong boyfriend na niya si Marck, posibleng akitin pa niya si Matthew.

Akin lang si Matthew! Akin lang!

"Get ready for my 1st warning, Alezia. I will surely welcome you to hell" tumawa ako ng mahina na ako lang ang nakakarinig. Hindi ko kayang makita na kasama pa niya si Matthew sa iisang bahay lang. Mababaliw ako! Dapat mawala na iyang babae na yan sa buhay nila! Magiging akin rin si Matthew!

Stanley POV
Kaagad na bumungad sa akin ang mga katulong at bumati sa pagdating ko

"Maligayang pagbabalik Señor Stanley"

"Magandang gabi rin ho"

"Manang, sino iyang bisita?" rinig ko ang boses ni Mama na pababa sa hagdan, nang makita niya ako ay umaliwalas ang buong mukha nito at nagmamadaling lumapit sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit at binigyan ng magkabilang halik sa pisngi.

"Thank God, you're coming back to us."

"No." Mariin kong saad at nilagpasan siya. "I just came here to pack my things." Mabilis akong umakyat sa itaas at alam kong susundan ako ni Mama.

"Anak naman, please forgive us. Hindi namin sinasadya. Gusto lang talaga na-"

Hinarap ko siya "No Ma! Inilayo niyo ako sa pamilya ko! Sa kapatid ko! Kaya don't tell me na kagustuhan niyo iyon! You are a selfish woman!"

Umagos ng tuluyan ang mga luha nito pero wala akong pakialam. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang maleta na paglalagayan ko ng mga damit ko. Gusto kong mapag-isa at umiisip ng paraan kung papaano ko sasabihin kay Alezia na she's my long lost sister and I'm her brother. Damn.

"Naaksidente ka sa isang fieldtrip Stanley, madami kang sugat. Akala namin ay patay ka na dahil sa madaming dugo ang nawalan sayo! Mabuti na lamang ay naidala ka namin sa hospital ng Papa mo. Hinang-hina ang katawan mo at naipadala ka pa namin sa United States para sa operasyon mo. You injured your arm and your right knee."

Patuloy pa rin ito sa pagpapaliwanag habang ako ay kinukuha sa cabinet ang mga damit ko. "Almost 2 years kang nasa hospital na walang malay and when you woke up, you can't remember anything anak." Humagulgol ito.

"Stop explaining."

"Hindi namin alam kung sino talaga ang mga totoong magulang mo kaya kinukupkop ka namin bilang anak. One my biggest dream is to have my own son, to have a pefect family. Kaya sinabi ko sayo na kami ang totoong magulang mo, we fake your birth certificate and any details about you"

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Where stories live. Discover now