6 years after..................
"What the hell? How many times do I have to reject your proposal para makuha mo ng tama? Do you think papatok sa tao tong marketing plan na ginagawa mo? Are you this stupid Lexi?"
"OMG galit na naman sya. Kawawa naman si Ma'am Lexi kay Ma'am Julie..." bulong ng mga ibang empleyado ni Julie Anne.
Umagang umaga at galit na naman kasi ang dalaga. Napapailing nalang si Maqui ng makita nyang may kinakagalitan na naman si Julie.
Malaki ang naging pagbabago ni Julie sa anim na taong nagdaan. Mula nung araw na nagkasagutan ito at si Gabbi, naging mas istrikto ito at ngayon ay namamahiya na rin ito ng tauhan.
Alam ni Maqui na sagad sa buto ang respeto ng mga empleyado nila kay Julie pero minsan, naiintidihan rin nya kung bakit pinagbubulungan ito ng mga tao sa opisina lalo na kapag nagagalit ito.
Nalulungkot si Maqui para sa kaibigan dahil sa malaking naging pagbabago nito. Kahit nga sakanilang dalawa ni Barbie ay naging iwas ito. Sa anim na taong nakalipas, bilang lang ang mga pagkakataong nakipag bonding si Julie sa kanila.
Maqui knows that Julie's caging herself. She's built walls around her at alam ni Maqui na hindi sapat ang naging pagkakaibigan nila para magiba ito. She knew that "that" person is the only person capable of entering those walls.
Huminga ng malalim si Maqui at tsaka nilapitan si Julie...
"Lexi, just fix that plan paper okay? ayusin mo na this time..." sabi nito tsaka binalingan si Julie.
"Ms. Julie, let's go to your office. I have a news about him...."
Nakita ni Maqui na natigilan si Julie kaya naman lihim syang napangiti.
Naunang naglakad si Julie sa kanya... nakita naman nya ang sekretarya nito na si Valeen na tumayo nang nakita nito si Julie...
"M-Ms. J., G-Good morning...." nag-stutter pa ito...
"Valeen, that's the 5th time that you greeted me Good morning, today...will you stop acting like a scared cat?" singhal ni Julie dito tsaka na ito pumasok sa kanyang opisina.
Umupo si Julie sa kanyang swivel chair at tsaka ito humarap sa kanyang glass window kung saan tanaw nya ang buong Makati....
"W-what about him Maqui?" nagulat si Maqui dahil for the first time after 6 LONG FUCKING YEARS...JULIE ANNE STUTTERED!!!
Tumikhim si Maqui at tsaka na nagsimulang nagsalita...
"Diba, I told you 2 years ago na doctor na sya?"
"Yes, what about it?" tanong ni Julie
"Na-feature sya sa TIME magazine and you wouldn't believe it na siya na ngayon ang pinaka sikat na surgeon sa US. Annnnnd base on that news, malapit na daw syang umuwi..."
Nakita ni Maqui na natigilan si Julie kaya naman tinuloy tuloy na nya ang kanyang kwento...
"And, based sa interview sa kanya since nabansagan syang "hottest bachelor in the medical field" tinanong siya if may girlfriend na sya and guess what...."
Ngayon ay inikot na ni Julie ang swivel chair at tsaka na ito humarap kay Maqui...
"What Maqui?...."
Natawa si Maqui bago nito sinabi ang balita kay Julie....
"He said that he's still single..." hindi alam ni Julie pero para syang nakahinga ng maluwag sa balita ni Maqui...