Twenty-five

576 27 6
                                    

A/N: Finally! Nagka'oras din. Dont worry guys, i'll try to make an update daily and try ko ding tapusin tong story before ako magstart mag work :) 

---

"Kumpleto na ba lahat ng gamit natin Hulyeta?" 

Kanina pa paikot ikot si Maqui dito sa loob ng kwarto ko. Ngayon kasi ang araw ng alis namin papunta sa US. Sa makalawa na kasi ang kasal ni Gabbi. 

Sa totoo lang ay ayaw kong pumunta, hindi dahil galit ako kay Gabbi kundi dahil nahihiya ako. Matagal akong nagalit sakanya at hindi ko inintindi ang nararamdaman nya and I felt bad, pakiramdam ko ay napaka selfish ko na kaibigan. 

Hindi ko rin naman alam kung ano ang pinaplano ni Maqui pero bilang balik na sa dating makulit na nilalang si Maqui, wala na naman akong magawa sakanya. 

"Nasan na ba si Barbara ha!? Nako yang babaeng yan kukurutin ko na talaga ang singit nyan eh. Aba! Late lagi dahil hinaharot yung bagong security guard sa opisina...." nanggagalaiti na sabi ni Maqui. 

"Sino naman daw yun?" tanong ko sakanya habang tumatawa ako. Hindi ko na rin kasi mapigilan. Like seriously? Nauubusan na ba sya ng lalaki? Haha. 

"Nako! Jak daw ang pangalan. Nakita ko na yun kahapon, mukhang kargador. Laki ng katawan te!" mahihimigan mo ang tono ng pangaalipusta kay Maqui. Tawa lang naman ako ng tawa. 

"Hoy! Frencheska Marie! Bakit mo sinisiraan si Jak my loves dyan kay Choolie Anne?" napatingin kami ni Maqui sa pintuan at nakita nga namin dun si Barbie na bitbit bitbit pa ang maleta nito. 

"Aba Barbara! Syempre ichi'chismis kita! Sarap mo kayang i'chismis lalo na at may boylet kang bato bato ang katawan...." tatawa tawang sabi ni Maqui. 

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang nagbabangayan sila. Hindi naman sila nagaaway, dahil parang lambingan na nilang dalawa ang magbangayan. Habang nagsasabong yung dalawa ay napatingin naman ako sa oras. 

Huminga muna ako ng malalim dahil oras na para pumunta kami sa airport. Baka kasi ma late pa kami sa flight namin. 

"Guys, mag book na kayo ng grab papunta sa airport, yung 6 seater ha? Para may enough space for our luggage. We have to go na dahil baka ma'late pa tayo sa flight natin..." 

"Aye Aye Choolieee..." saludo ni Barbie pagkatapos ay kinuha na nito ang kanyang cellphone at tsaka na ito nagbook ng grab. 

"Okay na? Wala ng nakalimutan?" tanong ni Maqui saming dalawa ni Barbie.. 

"Wala na friend, let's go na..." maarteng tugon naman ni Barbie dito kaya naman agad na napairap si Maqui sakanya. 

Sinususian ko ang pinto ng unit ko habang si Maqui at Barbie ay nauna na sa harap ng elevator. Busy ako sa pagkandado ng pinto ng marinig ko ang boses ni Maqui. 

"Uy, Magalona papunta na rin kayong airport? Tara sabay na kayo samin..." dali dali naman akong napatingin sa kanan ko at nakita ko nga si Elmo at si Janella na kakalabas lamang sa unit ni Elmo. 

Para na namang tinutusok ng milyong milyong karayom ang dibdib ko dahil hindi ko maatim isipin na magkasama silang natutulog. 

"Uhm no need na Maqui, we already booked a cab..." sagot ni Janella dito. Tumingin naman ako kay Elmo na tinutulungan si Janella sa maleta nito. I looked away. Masakit pa rin kasi gusto ko ako yung nasa posisyon ni Janella. 

"Nako, i'cancel nyo nalang yung booking nyo, okay lang naman yun eh. 6 seater kasi yung kinuha namin, eh tatlo lang naman kami tapos dalawa lang kayo so para tipid, di ba Magalona?" sabi ni Maqui sa dalawa. 

INCOMPLETEWhere stories live. Discover now