Twenty-eight

613 28 13
                                    

"Omg moe, don't tell me gusto mo na naman?" gulantang kong tanong kay Elmo. 

Kakatapos pa lang kasi ng 5th round namin at para na kong lantang gulay dito. Kahit na gusto ko pa, pero parang hindi na kaya ng katawan ko. 

"Why? I missed you, Julie...." napaikot ang mata ko dahil sa sinabi nya. 

"You missed me? Hindi mo sana ako mami'miss kung hindi ka lang gago. You chose to leave me, Elmo. Tapos ngayon andito ka? Bakit? Busy ba si Janella?" matapang kong tanong sakanya. 

Hinila naman ako palapit ni Elmo sakanya. 

"Juls, I'm sorry okay? Di ba sinabi ko naman sayo na mahal pa rin kita? Alam ko naman sa sarili ko yun eh, pero bigyan mo pa ko ng konting panahon para labanan yung takot ko.. I know I'm a coward pero you cant blame me. Sana bigyan mo pa ko ng konting panahon pa Juls...." napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya. 

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Syempre gusto ko din naman na sa akin si Elmo, kahit na alam ko na may kahati ako sakanya. 

Lumapit ako sa kanya at tsaka sya niyakap tanda na pumapayag ako na maghintay sa kanya. 

"Basta promise me Elmo, when you've already conquered your fear, babalik ka sakin ha?" naramdaman ko naman na mas humigpit ang yakap nya sakin at tsaka pa nya hinaplos ang buhok ko. 

"Promise...." maikling sabi nya... 

Tapos ay pinaharap pa nya ako sakanya. 

"Basta ipangako mo din na habang naghihintay ka, wala kang ie'entertain na kahit sinong lalaki, maliwanag?" may diin na sabi nito. 

Natawa naman ako sakanya at tsaka ko sya binigyan ng halik. Cute kasi eh, naka pout. 

"Oo na po. Wala ka pa ding pinagbago no? Seloso ka pa rin..." 

"Tsss. Selosa ka rin naman eh...."

Hinawakan ko ang pisngi nya ng medyo mahigpit at tsaka sya binigyan ng matalim na tingin. 

"Buti alam mo na selosa ako, kaya Elmo Moses, pag alam mong nakaharap ako medyo dumistansya ka din kay Janella ha?" natawa lang naman sya at tsaka nya ako niyakap muli. 

"Nga pala, paano si Janella? Di ba mahal mo rin sya?" masakit pero yun ang katotohanan. Alam ko naman na mahal na din ni Elmo si Janella. Swerte ko lang dahil ramdam kong mas mahal ako ni Elmo kesa kay Janella. 

"To be honest, I dont know Julie. Yes, alam kong mahal ko rin sya but I know in my heart na mas mahal kita so maybe when the time comes na kaya ko ng maging matapang, para mahalin ka ulit at para ipaglaban na kita, dun ko sasabihin kay Janella. Because right now? I know na takot din ako, wala din akong lakas ng loob na iwan sya dahil natatakot ako na masaktan sya...." 

Hindi na lamang ako nagsalita, mas minabuti ko na lamang na manahimik dahil wala rin naman akong masabi doon. Naiintindihan ko naman si Elmo, dahil ako mismo, ayaw kong masaktan si Janella dahil nakakakonsensya, napaka bait nya. 

---

Naghiwalay na kami ni Elmo kanina matapos ang naging pag uusap namin dahil baka daw pabalik na sila Janella. Naglibot lang pala si Janella kasama sina Liza at Julia kaya nawala ito saglit, nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano ay nagkasarilinan kami ni Elmo. 

"Bes, tara na...." nandito ngayon si Maqui sa harap ng suite ko, sinusundo nya ako dahil oras na daw para sa dinner namin. Sabay sabay kasi kaming magdidinner ngayon, hiling na rin ni Gabbi. 

"Wait lang, Maq..." sabi ko dito dahil sinugurado ko munang naka'lock ang room ko. 

"Tara na...." sabi ko dito. Akmang lalakad na sana ako ng mapansing kong nakatahimik lang akong sinusuri ni Maqui. 

"Maq, what? Let's go...." 

"Tsk tsk..." palatak nito. 

"Ano Hulyeta? Nakailan kayo kanina? Aba! Mukha kang pagod na pagod ha? Nakuuuu Nakuuu! Nawala lang saglit sila Janella kanina, naka salisi agad tong si Magalona. Ikaw naman babae ka, marupok ka! Marupok!" madramang sabi nito kalaunan ay natawa din ito sa sarili nya. 

Ako naman ay nakatanga lang. What the-- paano nalaman ni Maqui?

"Juls halata kasi! Mukhang kang nadiligan eh at wag mong isiping nakakabasa ako ng isip, masyado lang halata sa facial expression mo na curious ka kung paano ko nalaman. Hahahaha" halakhak pa nito bago nagsimulang maglakad ito patungo sa elevator, samantalang ako naman ay nakatangang nakatingin lamang sakanya... 

Matapos ang ilang minuto lang ay nakita na namin sa ibaba ng hotel sila Gabbi, kumpleto na sila... I looked at Janella na ngayon ay may nakaangklang braso kay Elmo. Clingy amp!

"Hi Julie!" bati sakin ni Kiko. Tipid lamang akong ngumiti dito at pasimple kong tinignan si Elmo. Muntik na kong matawa dahil sa nakita kong reaksyon nito. 

Naka pout na kasi ito at  salubong na ang kilay.

"Haba ng hair friend..." pasimpleng bulong ni Maqui sakin. 

"Let's go guys? Medyo gutom na ko...." pag-aya samin ni Gabbi. 

"Actually we're gutom na rin, kasi when we went to the mall kanina, we didn't eat dahil Jea's in a rush...." conyo na pagkakasabi ni Julia. 

"Bakit baby girl? Ganon ka ba katakot na mawala sayo, I mean sa paningin mo tong si Elmo?" panloloko naman ni Kiko dito. 

Si Janella naman ay ngumiti lang dito at tsaka nagbigay ng maikling sagot.... 

"Hindi naman mawawala sakin si Elmo...." muntik ng napaikot ang mata ko sa sobrang confident nito.

"Wow! Confident!" tirada naman ni Maqui. Muntik na nga akong mapatawa eh. Best friend ko talaga to. 

"I am. Lalo na ngayon, we're having a baby..." napatigil ako sa sinabi ni Janella na yun. Parang hindi ko ma'digest ang sinabi nito. 

"W-what?" Elmo stuttered. 

"Yes Love. I am pregnant. You're gonna be a dad....." masiglang sabi nito. 

Hindi ko na kaya. Parang sa mga naririnig ko ay nahihilo ako kaya hahawak sana ako kay Maqui pero huli na ang lahat, dahil tuluyan na kong nawalan ng ulirat. 



End of Chap28. 

----

OMG! Buntis daw si Janella! True kaya o Joke lang? Hahaha. 

INCOMPLETEWhere stories live. Discover now