Chapter 5- Boating

4.5K 64 10
                                    

~~~~KINABUKASAN~~~~~

Maagang nagising ang grupong Tween Hearts para nga mag jogging sabi ni Ms.President.

Bago pa sumikat ang araw ay tapos na sila. Pawisan ang mga ito kaya naisipan na nilang bumalik at maligo. At pagkatapos ay plano nilang mag boating at mag tungo sa kabilang isla. Samantalang ang grupong Growing Up naman ay nasa kani-kanilang kwarto pa ngunit nag hahanda na rin para sa kanilang lakad. Well what a coincidence dahil gusto rin nilang mag boating.

_FAST FORWARD_

~Growing UP's SIDE~

Paddle......paddle........paddle.......

" Tammy ok ka na ba?'' tanong ni Jason kay Tammy. 

Magkasama sina Jason at Tammy sa isang boat, ganun din sina Ella at Patrick  at sa isa pang boat ay sina Tikoy,Winston at Britney.

" Oo naman. Para naman sobrang lakas nung pagkakatama sakin. Kaw talaga!" si Tammy.

" Eh naninigurado lang naman po. " 

" OO na. Sweet talaga nito." si Tammy sabay ngiti. Napangiti nalang din si Jason at itinuloy na ang pag sagwan.

" Syempre. Kaibigan kita eh. At kahit sino naman sa mga kaibigan ko sweet talaga ako." si Jason.

Parang nag iba naman yung mood ni Tammy sa sinabing yun ni Jason. Syempre crush nya ito sabi pa nga nya soul mate nya ito. Pero para hindi masira araw nya eh inenjoy nalang nyang kasama ito. Tama naman ang sinabi niya sweet at caring nga siya sa mga kaibigan niya. 

" Patrick! Kanina ka pa di namamansin ah. Nakaka asar kana!" si Ella.

" Tumahimik ka nga dyan...mag paddle ka nalang dyan!" pagsusungit naman nito kay Ella.

" Ewan ko sayo. Ewan ko ba kung bakit ikaw nakasama ko dito eh." si Ella naman sabay irap.

" Ikaw pa may ganang mag reklamo. Sa tingin mo ikaw gusto kong makasama? Asa ka naman."si Patrick na wala sa mood. 

_-TWEEN HEARTS' SIDE_-

ITO ang mga partners...

Josh at Bambi--------Jake and Belle--------Chris and Aya------Rick at Luisa-----kasama si Leslie.

" Ok ka lang? " si Jacob kay Belinda.

" Oo kahit naman muntikan na akong malunod kahapon alam kong nandyan ka naman eh." si Belle.

" Aww! Syempre naman noh!  Ikaw pa pababayaan ko...no way! Ikaw yata ang buhay ko." Ngiti ngiti namang sabi ni Jacob.

" Ayan ka na naman po sa pagka corny mo." si Belle sabay pisil sa cheeks ni Jacob.

Kina JOSHBIE naman......

" Bambi oh..." si Josh sabay pakita kay Bambi ng isang plastik na butiki.

" Ahhhhh..Josh!!!! Kahit kailan ka talaga!" Napatili si Bambi nang makita ang butiki.

" Toh naman di na mabiro. HIndi naman totoo eh tingnan mo nga oh plastik lang oh!" si Josh na tinapat pa ung butiki sa mukha ni Bambi. 

" Pati ba naman kasi yan dala mo dito?" si Bambi

" Hehe...eh naalala kita ehh." si Josh.

" Hay naku! Nakakainis ka talaga alam mo ba yun?!" si Bambi

" Ehh Bambi masaya ka ba?'' si Josh.

" Ano namang tanong yan? syempre masaya ako.''

'' Eh ba't ka masaya?'' si Josh." Dahil kasama mo ako?'' banat na tanong ni Josh sabay taas baba ng kilay.

TARALETS ( Book 1 & 2 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora