Chapter 6- We're stuck ( JOSHBIE)

4.5K 68 17
                                    

DEDICATED TO ALL JOSHBIE FANS ESP. IAMSOLIDJOSHBIE gaya ng sinabi ko sana magustuhan nyo lalo ka na:)

Pag dating nila sa may pampang ay nagkanya kanya na sila ng lakad. Yung iba bumalik na sa kanilang kwarto...

" Bambi!" Tawag ni Josh.

" Ano?''Bambi...

" May gagwin ka ba?'' Josh

" Wala naman bakit?'' BAmbi

" Gusto mong sumama sakin? May ipapakita ako sayo." nakangiting turan ni Josh

" Ha? Saan? Wag na di ba sabi nila manong sasama daw yung panahon mamaya?" si Bambi

" Eh saglit lang naman ehh kung ayaw mong sumama ako nalang pupunta." may pagtatampong sabi ni Josh sabay lakad na palayo...

" JOSH!!!" Habol naman ni Bambi dito.

" Oh? Akala ko ba di ka sasama?'' Josh

" Bumalik na kasi tayo dun!" si Bambi habang sinasabayan naman sa pag lakad si Josh.

" Ikaw na lang may pupuntahan ako." pagmamatigas naman ni Josh.

" Naman kasi ehh! Malakas daw yung ulan mamaya! Ang tigas ng ulo mo!" himutok ni Bambi sa katigasan ng ulo ni Josh. 

" Bambi kung ayaw mong sumama di kita pipilitin." sagot naman ni Josh na patuloy lang sa paglalakad. Ni hindi nililingon si Bambi na nasa kanyang likuran. 

"May magagawa pa ba ako? Eh nakalayo na tayo." sabi ni Bambi nang mapansing nasa isang mapunong lugar na sila at napapalibutan ng mga nagtataasang mga damo. Inilibot niya ang paningin sa lugar at aaminin niya nagandahan siya sa lugar. Hindi nya akalain na may ganitong lugar doon.

" Wait lang hahaha di sumama ka rin." natatawang  sabi ni Josh nang marealize na habang nagtatalo sila ni Bambi ay narating na nila ang lugar kung saan niya gustong dalhin ang dalaga. 

" Eh ikaw kasi ang kulit mo eh!" si Bambi.

Lakad

Lakad

Lakad

Hanggang sa marating nila ang isang waterfalls lang naman na sobrang ganda ng pagkaka form, nanlaki ang mga mata ni Bambi  nang makita ito. Napakaganda. 

" Wow! Josh paano mo nalaman ang lugar na ito? Ano yan man made water falls ba?'' usisa ni Bambi habang masayang nakatitig sa falls.

" I think hindi. Matagal ko ng alam dito every vacation dito kami dati nila mommy tapos pag nag aaway kami ni Ate dito ako nagpupunta...nahanapan ko ito nung naglayas ako kasi nagka sagutan kami ni Ate." kwento ni Josh habang pinagmamasdan din ang ganda ng tagong lugar na ito. 

" Grabe! Ang ganda dito noh?'' Bambi

" Sabi ko sayo ehh. Ito yung gusto kong ipakita sayo.''si Josh.

" Eh sorry naman." Bambi.

Umupo sila doon sa may mga malalaking bato sinasawsaw nila mga paa nila sa tubig at nag kwentuhan lang sila ng kung ano-ano na tila nakalimutan na nila ang nagbabadyang sama ng panahon. Mahangin palang ng mga oras na iyon. 

Nang walang ano-ano'y biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan.

" JOSH!!!! Umuulan na!" Sigaw ni  Bambi sabay tayo mula sa pagkakaupo at pilit naghahanap ng masisilungan. 

" Tara!! May alam akong masisilungan dito! '' si Josh na hinawakan ang kamay ni Bambi at hinila na ito patakbo hanggang sa marating nila ang isang kweba na hindi naman kalakihan ngunit sakto lamang sakanila para masilungan na hindi mababasa sa lakas ng ulan at hangin. 

TARALETS ( Book 1 & 2 )Where stories live. Discover now