Chapter 7- Sorry na oh at ang pagdating

4.3K 61 5
                                    


Kasalukuyang nakikipag laro ang grupong Growing Up ng volleyball...

"Hoy! Ella! Turn mo na mag-serve."si Patrick.

Hindi ito pinansin ni Ella.

" Ella! Serve na!" si Tikoy naman ang kumausap kay Ella

"Ah oo pala."sagot naman ni Ella na tumalima.

" Nag serve na sya at pasok! Matagal na napasa ere ang bola medyo magagaling din kasi mga kalaro nila.


LARO........LARO.............LARO.........hanggang sa matapos ang 3 rounds. Panalo ang kabilang grupo lamang ng 1 point. Pagkatapos ng laro ay sinamahan na nila sa pag swimming ang mga barkada nila..

Nauna na pala mga boys sina Britney at Winston ay nagsasarili sa isang gilid at nagsasabuyan ng tubig.

Sina Ella at Tammy ay nakabihis na rin ngunit naupo muna sila sa may buhanginan.

" Bes,ikaw ha ba't no pansin ka kay Patrick? Nag away kayo?" usisa ni Tammy kay Ella.

Nanood sila sa paglalaro ng mga kaibigan nila. Sina Jason, Patrick at Tikoy ay nag uunahan naman sa paglangoy.

" Nakakainis kasi sya ehh sinigawan at sinungitan ba naman ako kahapon. Alam kong badtrip sya sa kabilang grupo pero dapat ba pati ako idamay nya?!! Kaya bahala sya! Di ko sya papansinin!" si Ella.

"Sus! LQ pala eh!"pang aasar ni Tammy na nginitian pa ng nakakaloko si Ella.

" LQ? As in Lover's Quarrel? No way. Hindi kami lovers noh. Enemies kami!" kontra naman ni Ella.

" Sus! Sa umpisa lang yan. Alam ko naman na may feelings ka para kay Patrick ehh at ganun din sya sayo. Ayaw nyo lang ipahalata sa isa't isa. Yieee!" patuloy ni Tammy.

" Ay naku! Kung ano ano ng sinasabi mo dyan. Maling akala ka teh." Ella.

"Daw? HAha tara swimming na tayo. Join na tayo sakanila!" Pag aya ni Tammy sabay hila kay Ella patayo.

" Yown! Akala namin magsasarili nalang kayo dun ehh." si Tikoy.

" Laro tayo !" Aya ni Jason sa mga kaibigan na kaka angat lang mula sa pag sisid.

" Sige! Anong laro?"interesado namang tanong ni Tammy.

" Ako! Ako! Uhm habulan! Taya tayaan by partners. Dapat di maghihiwalay yung mga mag partners!"suhestiyon si Tikoy.

" Oohh I like it! Syempre partner ko tong mocha ko." si Britney sabay kapit sa braso ni Winston.

" Jason! Partner tayo?" si Tammy.

" Oo naman eh pano pala yan wala kang partner Tikoy?" si Jason

" Kami nalang partner ni Tikoy." si Ella. Napatingin naman si Patrick sakanya.

Nasa ganun silang pag uusap nang may papalapit sa kinaroroonan nila.

" Ano ka ba? Si Patrick nalang partner mo. Ok lang ako." pagtanggi naman ni Tikoy. Syempre alam niyang sina Patrick at Ella dapat ang magkasama.

" Ha? Ayokong partner yan noh!" pagtanggi din ni Ella.

" Ihh sige na para makapag start na tayo!" Winston.

" Pwede sali?"

Napalingon sila sa nagsalita...nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat nang mapagtanto kung sino ang dumating...

"Oh? Natulala kayo dyan?" sabi nito.

"CASSIE???" sabay sabay nilang sambit.

" Grabe maka react ah." natatawang sambit ni Cassie.

TARALETS ( Book 1 & 2 )Where stories live. Discover now