Kabanata 15

1K 18 0
                                    


K a b a n a t a   15




Hindi na ako nagpumiglas pa at nagpaakay nalang sa kanya, what else I can do? Magrereklamo pa ba ako gayong ako na nga ang may kasalanan sa kanya? Hindi ba't dapat ako pa ay may kahihiyan sa aming dalawa at siya talaga ang may karapatan na magalit at magtampo sa amin. Snap out, Carmentis.

Alam ko naman kung saan ako lulugar, tatanungin ko na sana siya ngunit natigilan ako ng makitang papasok kami sa loob ng school, bakit naman niya ako ibabalik sa loob? Nandito na ba si Mang Pitong pero bakit hindi ko siya nakita kanina? Bakit hindi ko napansin ang kotse namin? Mabilis kong tinignan si L nang makita kong tumigil kami sa mismong tapat ng parking lot kung saan naka park ang kotse niya.

"Susunduin ako ni Mang Pitong, iintayin ko nalang siya." Mahinang saad ko at inilipat ang tingin sa kawalan. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya sa tabi ko.

"Get inside" mahinahong utos niya pero umiling lang ako.

"Di mo ba ako narinig? Sabi ko susunduin ako ni Mang Pitong—"

"Kung may susundo nga sayo bakit wala pa hanggang ngayon?" sarkastiko niyang saad at tinaasan ako ng kilay.

Yan, ganyan nga talaga ang ugali niya Carmentis kaya naman wag ka ng magtaka pa. Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya sa akin, kahit kailan talaga ang sama ng ugali ng isang ito.

"Baka natraffic lang," walang ganang tugon ko at muling iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko ay kakainin niya ako ano mang sandali.

"I said get inside!" tila naupos na ang pisi nya at nagawa na niya akong sigawan, mabilis kong sinamaan siya ng tingin.

"May sundo nga ako, mauna ka na kung atat na atat ka, hindi ko naman sinabi na sasabay ako sayo diba? ANo bang ginagawa mo dito?" inis kong tugon sa kanya, napahilamos naman siya sa kanyang mukha na para bang naiinis na siya at hindi na niya ako kayang pakisamahan.

"I came here to fetch you then you're going to push me away?" sarkastiko niyang saad, natulala ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala. "First, your forget me because you were with that Kid, now your pushing me away when all I want to do is to fetch you, you're making me crazy, Carmentis."

Hindi ako makapaniwala sa mgha sinabi niya tila napako ang mga paa ko sa konkretong tinatayuan ko at hindi manlang ako makaayos at maka react sa mga sinabi niya. Nang ilang minuto ay isa isa nang nag sink in sa utak ko ang mga pinasasabi niya sa akin.

"Ha? Binabaliw kita o ikaw itong baliw sa ating dalawa? Matapos ng dalawang linggo na hindi ka nagparamdam, ngayon ay magiging mabait ka naman sa akin? Tapos ano? Hahabulin kita dahil lang sa nakalimutan kita? Hindi ka ba nasabihan na kailangan kong mag bakasyon at ganyan ka umakto sa harapan ko ngayon? Sa tingin mo sinong mas baliw sa ating dalawa ngayon, sa mga nakita ko? Nakikipaghalikan ka nga dyan tapos sasabihan mo ko na nababaliw ka ng dahil sa akin?" hindi makapaniwalang tugon ko sa kanya, kitang kita ko ang inis sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko sa kanya.

"What's with you if I'm kissing someone else, then?" sarkastiko niyang saad.

Ginantihan ko siya ng isa ding sarkastikong ngiti bago nagsalita. "Likewise, what's with you if I'm in a vacation with Falacer? At least I'm not kissing someone!" giit ko.

"Carmentis are you mad because you caught me kissing someone else?" Amusement was evident in his voice, he's mocking me.

Ngumiti ako ng matamis bago natatawang umiling. "L, are you mad because I'm with Falacer?" balik tanong ko sa kanya. "Ano ba kita? Ano ba tayo? Daig mo pa ang tatay ko kung umakto ka sa akin."

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon