Kabanata 21

998 18 3
                                    

Kabanata 21



Nakatunganga lamang akong nakaupo sa tapat ng study table ni Daddy habang pinakikinggan ang pinag uusapan nila ni Mammu, ginising ako ng maaga ni Daddy dahil tumawag nga si Mammu regarding sa hinihiling ko. As I watch my father walk tila naiirita siya na hindi malaman ang ikinaiirita niya.


"Yes Mother, I'm going to talk to her, I'll contact you as soon as possible. Yes, bye, I love you too."


Ibinaba niya na ang tawag at agad na tinignan ako, hindi naman masama ang tingin niya sa akin pero kakaiba ang klase ng pagtingin sa akin ng Daddy ko sa mga oras na ito, tila inaaral niya ang nasa isip ko, binabasa ang bawat galaw ng katawan ko para malaman niya ang dahilan kung bakit ko ginusto ang bagay na iyon.


Umupo siya sa kanyang swivel chair na hindi inaalis ang tingin sa akin, I really know why my Mom love this guy so much, Daddy is a very superb person, hindi nagkamali si Mommy ng pagpili sa lalaking mamahalin niya pang habang buhay. Itinungtong ni Daddy ang dalawa niyang siko sa study table at pumangalumbaba sa aking harapan.


"Your Mammu called, telling me that you want to study in Spain for the next four years, and she gladly want you to accompany her there, but the thing is, aren't you enjoying here anak? Dito sa poder ko?" may bahid ng kalungkutan ang boses ni Daddy na siyang nagpa guilty sa akin.


But my decision is final. "Daddy, hindi naman sa ayaw ko sa poder mo, gusto ko lang talaga ng bagong environment, ng bagong mundo, and I want to spend my high school days with Mammu, I can visit you anytime Daddy, I just want to experience something spectacular." Paliwanag ko.


Hindi lang naman ito escape plan, gusto ko ding makasalamuha ng ibang tao, ng ibang lugar, ng mga bagong pangyayari sa buhay ko kaya gusto kong magpakalayo layo but still the bottom line is I don't want to see him anymore.


"Naiintindihan naman kita Aletha Carmentis, pero kahit na saglit lang ang pagtira mo dito sa akin ay hindi ko kayang hindi ka nakikita araw araw, anak. I hope you understand that, pero kung ito ang gusto mo ay hindi naman kita pagbabawalan, I will let you go and study abroad." Ngumiti si Daddy ngunit tipid na ngiti lamang iyon.


"Daddy, hindi naman po ako mawawala ng panghabang buhay, I'll be back kapag naisipan kong dito muli mag aral o kaya ay pag na homesick ako ay baka magulat ka nalang na nandito na ulit ako Daddy." Anang ko pilit pinapasaya ang malungkot na ekspresyon ng aking ama.


"Yes hija, kailan mo ba gustong umalis, tutal bakasyon pa naman magstay ka muna sakin." Anang ni Daddy at may hinanap sa drawer niya.


"balak ko sanang umalis na sa Linggo, Daddy." Natigilan siya dahil sa sinabi ko sa kanya. Tila gulat at hindi makapaniwala sa desisyon ko. "Daddy, please understand me, I need to cope with the surroundings of Spain Dad, ayoko namang pagdating ko dun ay mukha akong tanga." Nahihiyang tugon ko.


Tumango ng marahan si Daddy at ngumiti lamang sa akin. "If that's what you want."


"Daddy.."


"Hmm?"


Draw A Love (Mercadi Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt