Nanay

67 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano to simulan
Marinig lamang ang salitang "nanay" nanginginig na ang aking kalamnan
Hindi ko alam kung ano ang dahilan
Sadyang pait at lungkot ang aking nararamdaman

Gusto kung isigaw ang sakit na aking nadarama
Nagnanais na ito'y iyong madama
Gusto kung isigaw ang aking galit
Dahil ako'y naiinggit

Alam mo ba? Tinutusok ang aking puso kapag ikaw ay nahihirapan
Ngunit gusto ko paring isigaw na ikaw ay lumaban

Sabi nila pagmamahal mo raw ay walang kapantay
Lahat daw ng bagay handa nyong ibigay
Pero bakit bigla kana lamang binawian ng buhay?

Alam ko matagal na iyon
Pero hindi parin ako nakakaahon
Mahal na mahal kita ina'y
Kahit kailan hindi ka magkakaroon ng kapantay






Unspoken Where stories live. Discover now