Pagbabago

23 0 0
                                    

Siya ay binuto
Dahil bayan ay magbabago
Bayan ay magiging ligtas
Kaya nasa kanyang kamay ang batas

Patayan kahit saan
Druga raw ang dahilan
Galit sa mga kriminal
Kaya ito'y tinatampal

Mga pinapanigan ay nakayuneporming kriminal
Dahil kanilang ginawa ay para raw sa bayan
Ngunit kanilang ginawa'y hindi ba karumaldumal?
Yung pumapatay ng taong hindi naman napatunayan ang kasalanan?

Ito ba ang pagbabago na ating ninanais?
Pagbabago na ayon sa kanya ay kanaisnais?
Pagbabago na akala natin para sa ikakaunlad ng bansa
Ngunit, tama ba ang pagbabagong ating nakikita?

Unspoken Where stories live. Discover now