Taguan

50 0 0
                                    


Tagu taguan maliwanag ang buwan wag tumago sa kadilimdiliman
Sa pag bilang ko ng isa sana'y makatago kana
Ngunit wag kang lumayo dahil ako'y umaasa
Umaasa na sana sa pagbukas ng aking mga mata ika'y mahagilap pa.

Pagdating ng dalawa 'wag ka sanang mawawala dahil ang puso kong ito'y naniniwala
Naniniwala na sa pag bukas ng aking mga mata ang pag ibig mo ay mahahagilap na

Pagbilang ko ng tatlo wag mo na sana akong pahirapan pa
Sana ikaw nalang mismo ang mag pa kita at tigilan nalang ang pagtatago
Tigilan mo na ang pagtatago ng iyong nadarama at ito ay ilantad na

Ngunit merong ba akong magagawa kung nais mo pang makipaglaro?
Kung nais mo pa na ito ay itago?

Kaya sa pag bilang ko ng tatlo sisimulan ko nalang ang pahahanap sayo
Katulad ng paghahanap ko kung meron pa ba tayong pag-asa

Ngunit sa aking paghahanap sayo
Nahagilap ko ang iyong puso
Nakita ko kung ano nga ba ako para sayo
Kalaro
Kalaro mo lang pala ako

Tama lang pala ang larong taguan sa tulad ko
Dahil pilit kong hinahanap ang nararamdaman mo
Ay mali!
Hindi pala ito matatawag na taguan
Dahil una palang hindi ka naman talaga nagtatago
Hindi mo tinago ang tunay na nararamdaman mo
Sadyang bulag lang ako dahil patuloy parin akong naniniwala na may pag-asa pa tayo.

Unspoken Where stories live. Discover now