Chapter 8: Cupcake Shop/Textmates

12 2 3
                                    

Mimi's P.O.V

To Mimi: Anong pinagagagawa ng mga kaibigan niyo ngayon?

From Mimi: Hindi ko alam. Tinigilan nila ako. Sabado naman. P.S kung akala mo ganoong kasama mga kaibigan ko, i-asses mo si Clint kung tutumbasan niya silang dalawa tapos isama mo pa si Kent.

To Mimi: Uy. Sorry. Hindi naman ganoon ang sinasabi ko.

Hay nako. Sa totoo lang, medyo nakakainis si Yiu pero hinahayaan ko na lang. Siya na rin naman ang naghihirap na makipag-text sa rival niya.

"So, tapos ka na ba makipag-text sa nakakabwisit mong friend?"

Ay si Anna pala.

"Bakit ka ba naiinis? Pati alam ko iyang pinapahiwatig mo, evil cupid."

"Makapagsalita ka naman."

Huh. Bahala siya. Totoo naman eh. Evil cupid. Matchmaking ang best subject.

"Hoy, Mimi. Bakit ba puro science books ang laman ng kwarto mo?"

Tsk. Si Anna talaga. Pag wala si Callie, siya ang papalit.

"Tumahimik ka nga."

"Huh?! Bakit ba puro tahimik, tahimik! Eh ilang oras ka nang nakatago sa kwarto mo!"

Bahala na siyang umimik. Basta ako makikipagtext na lang.

From Mimi: Ok.

To Mimi: Ok lang? Wala bang I love you diyan?

From Mimi: Ang lakas ng loob mo.

To Mimi: Sorry. Hoy, alam mo ba yung cupcake shop sa may fire tree plaza?

From Mimi: Oo bakit. Gusto ko ngang pumunta doon wala lang akong budget.

To Mimi: Pumunta ka roon.

From Mimi: Bakit? Sabi ko nga wala akong pera.

From Mimi: hoy! Bakit di ka nagrereply?

To Mimi: ah. May ginawa lang ako. Pumunta ka sa cupcake shop.

From Mimi: bakit ba?!

To Mimi: Basta. Please?

From Mimi: Sige. Anong oras?

To Mimi: Um.. ngayon na.

From Mimi: sige nga. Bye. Text na lang kita pag naroon na ako.

"Anna, lumabas ka sa kwarto ko."

"Bakit?"

Jusko po. Nakahiga siya sa kama habang nag-seselfie sa phone niya.

"Seryoso ka ba? Wag kang mag-selfie sa kwarto ko. Hindi 'to studio."

"Ang reklamador mo naman." Ako pa talaga ang reklamador.

"Lumabas ka na nga. Nakakabanas ka lang."

"Oo na, Ma'am!!"

Napaka tampo. Palagi na lang naka-kunot ang noo. Isinarado ko agad ang pinto ko pagkatapos ni Anna lumabas. Finally, peace and quiet. Kumuha ako ng damit mula sa box kung saan nakapake ang mga gamit ko. Isang pastel blue na damit at white shorts.

From Mimi: papunta na ako.

To Mimi: Sure.

Ay nako. Pag isa pa naman itong prank, lagot yun sa'kin.

***
Yiu's P.O.V

Papunta na si Mimi. Kailangan ko nang kumilos agad bago pa siya dumating dito.

Kings Of HeartsWhere stories live. Discover now