Chapter 17: Bata Kayong Lahat

4 0 0
                                    

Mimi's P.O.V

Ano na kaya ang nangyari sa dalawa kong kaibigan? Kaninang umaga umalis si Mama. Hay. Sana naman walang masamang ginawa yung dalawang lalaki, not to mention Kent. Bahala na ang Diyos sa dalawang iyon. Malalaki na naman sila. Inayos ko yung mga gamit ko at nilabas ang laptop ko. At para mawala ang kaba ko, nag bukas na lang ako ng Facebook.

-----------------------------------------------------

Josepha Xavier-Kings

#RelationshipGoals #ProudMom
@ ChristianSanders
@ AnnaXavier

-----------------------------------------------------

Kinikilabutan pa rin ako sa post ni Tita. Kakaiba talaga. Mahirap isipin si Anna at si Kent na naghaharutan. Minsan lang ako makakita ng ina na sobrang supportive tungkol sa love life ng anak niya kaysa sa pag-aaral. Chineck ko yung account ni Tita. Active naman. Makipag-chat nga.

Mimi: Hi tita. Musta po si Anna.

(......)

Tita: Ayos lang. Nakaalis na ba si Marjorie?

Mimi: Ok.

Tita: Aalis na rin ako sa linggo. Kung ano, maghanap na kayo ng bagong uupahan para ipapadala na lang namin yung pera

Mimi: Meron na ho. Dito na nga po ako nakatira.

Hay. Mahirap isipin kung anong kalalabasan ng dalawa kong kaibigan. Tingnan na lang natin. Nag-scroll pa ulit ako sa fb. Hmm. Hindi pa nag-popost si Anna. Madalas nakaka-lima hanggang sampo o lamapas ang post ni Anna sa isang buwan pero wala pa ngayon kahit isa.

Ring.

Ring.

May nag-vivideo call. Chineck ko kung sino.

Ay.

Si Yiu.

A-accept ko ba? Inaccept ko na lang ang call. Maya-maya, lumabas ang mukha niya.

"Magandang umaga." Ang bati niya, nakangisi. Tahimik lang ako. Umaga?

"Gabi na, Yiu."

Napatawa naman siya at kinamot niya ang uko niya. "Hindi ko pansin. Madalas nakasarado ang mga bintana at nakababa ang mga kurtina." Ganoon ba talagang ka-strikto ang mga tao sa ospital?

"Ah ganoon ba? Ayos ka lang ba?"

Nginitian niya ako.

"Ayos lang. Concerned ka ba?"

Sinimangutan ko siya. Kailangan bang ganoon ang pagkatanong niya? Tumango ako. "Of course. Yiu, may sakit ka. Bakit naman hindi?" Ang sabi ko sa kanya na parang obvious na obvious.

"Ang KJ mo naman. Sinisira mo ang imahinasyon ko."

I...Imahinasyon?! Ano ba naman ang pinag-iiisip ng lalaking ito?!

"Anong klaseng imahinasyon?!" Napatawa siya sa akin.

"Alam mo, kung narito ka sa tabi ko, napisil ko na iyang pisngi mo. Ang cute mo talaga. Pero don't get me wrong, hindi ako perverse. Hindi naman ako katulad ni Clint."

Katulad ni Clint? Sheesh. Ang mga lalaki talaga. Kung ano-ano ang iniisip.

"Pero lalaki ka pa rin." Ang sabi ko sa kanya, nagtataray-tarayan na parang si Anna. Tiningnan ko yung reaksyon niya. Sumimangot siya.

"Sige na ma'am. Ikaw na ang masusunod." Huh? Nagtampo. Sasabihin ko sana na jino-joke ko lang siya nang may kumatok sa pinto. Humarap ako sa laptop ko. "Kunin ko muna yung pin-- "

Kings Of HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora