TTG: 27 - Intram High

5.8K 130 3
                                    


Author's note: Sorry for the late UD. Been busy:)

Let me remind you. May cuts 'tong chapter na 'to dahil mahaba haba ang 'Intram High' nila so i hope you 'll wait patiently for the UD:)

Kezya's pov

Pagkatapos ng klase ay sinabi ko kaagad kina Alexa, Thea at Rein ang tungkol sa essay writing contest. Ang saya nga nila eh, susuportahan daw nila ako. Hindi na ako pwedeng tumanggi kasi nga sabi ng professor namin, final na 'yon. Hayys no choice ako. Walang takas kaya sige. Sabi naman ni Alexa at Thea, masaya daw Si Alexa ay kasali sa sports, representative siya bilang isang badminton player. Si Thea naman ay kasali sa mga activities at si Rein, representative siya bilang basketball player. Syempre, susuportahan namin ang isa't isa.

At syempre, since Intram High bukas, hindi ko na kailangang itutor si Kai. Kailangan ko ng magpahinga, 'no? And according to what Rein said, representative din siya sa basketball.

Nagulat nga ako eh. Nagbabasketball pala siya? I've never seen him play basketball before. Akala ko, ang alam niya lang gawin ay makipag gang fight, mangbabae at iba pang kalokohan. Akalain mong may skill din pala sa sport 'yung gangster na 'yon?

Speaking of that gangster, hindi ko siya kinumusta man lang sa clinic pero according to what Rein said, he's now okay. Though, gusto ko ngang mag apologize sa kanya kasi napahamak siya nang dahil sa'kin. Siguro, pagkatapos na lang ng game nila.

Anyways, makakapagpahinga rin ako. Kailangan ko rin ng brain rest. May ganun ba? Ah basta! Something like that. Papagpahingahin ko utak ko.
Kahit na medyo nakukuha niya na, mahirap pa rin siyang turuan. Ah basta! Mahirap iexplain eh.

Ngayon, nagpapractice akong magsulat ng essay mamaya. Ngayon na ang Intram High. Medyo kinakabahan ako kasi nga, first time kong sumali sa contest pero nandiyan naman 'yung mga kaibigan ko para palakasin nila 'yung loob ko.

" HOY! " nabalik lang ako sa reyalidad ng may sumigaw sa'kin at napansin kong nandito pala kami sa classroom ni Alexa. Kami lang dalawa dito since nasa labas ang mga kaklase namin at nagpeprepare na para sa mga booths, activities and sports. Mauunang maglalaro ang mga representative sa activities. 8:30 am ang simula. 9:02 am accoriding to what Thea said dahil siya ang President sa Student Council kaya panigurado nagsimula na sila Thea habang ang mga representative sa sports ay mamaya pa'ng 1:00 pm.
Mahuhuli daw ang essay weiting contest. This lunch break daw ang simula kaya nagpapractice na ako ngayon.
May program din kami which is ang opening ng Intram High pero naganap na kanina lang.

" Ano ba 'yan, Alexa. Nakakagulat ka naman eh. " nakanguso kong sabi. Ang lakas pa naman ng boses nito.

" Eh, kasi kanina ka pa nakatunganga diyan. Ano ba kasing tinitignan mo. Bigla ka na lang tumigil sa pagsusulat at tumunganga, kulang na lang tumulo na laway mo eh. " Natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako.

Kanina pa pala ako nakatunganga dito. Sinamahan niya akong mag practice magsulat. Siya ang magbibigay ng topic, at ako ang nagsusulat.

Tinapos ko na lang nag ginagawa ko at dinouble check ko pa ito bago ipakita kay Alexa.

" Okay na ba ito? Pangit ba? Kulang ba siya? " nag aalala kong tanong. Baka kasi, pangit ang ginawa ko nito.

But suddenly, her jaw dropped kaya mas lalo akong nag alala baka kasi pangit ang ginawa ko.

" Ano ka ba? Okay nga 'to eh! Tignan mo nga, eh! 600 words?? Eh, sabi nila dapat 300-400 words lang eh! " gulat niyang sabi habang pinagmamasdan pa din ang papel na ibinigay ko sa kanya.

Pero hindi man lang napabago niyon ng mood ko. Hindi pa rin kasi ako kuntento 'dun eh.

" Ano ka ba, Denisha ang ganda nga eh! Hindi ka nagkulang sa topic. Lahat naiexplain mo. " sambit niya nang mapansin niya ang nakabusangot kong mukha.

 Tutoring the GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora