Chapter 22

111 56 1
                                    

Habang papalapit kami sa kwadra ay mga halinghing na agad ng mga kabayo ang aming naririnig.

Naabutan naming nagpapakain ng mga kabayo si Mang Hulyo at Mang Adolfo.

"Magandang araw ho," bati ko sa kanila kaya napalingon naman silang dalawa sa amin.

"Ay, magandang araw rin ho sa inyong lahat. Mangangabayo na ho ba kayo ngayon?" tanong ni Mang Hulyo.

"Opo, nais ko ho sanang ipasyal ang aking mga kaibigan sa buong probinsya," tugon ni Gab.

"Anim na kabayo po ang pwede nyong gamitin, ilan ho ba kayo?" Inakay na ni Mang Adolfo ang isa sa mga kabayo palabas ng kwadra.

"Walo po kami, pero hindi naman po marunong lahat mangabayo kaya lima lang po ang magagamit namin."

Kami kasing tatlong babae ay makikiangkas na lang sa mga lalaki.

Nang mailabas na ang limang kabayo sa kwadra ay namili na kami kung kani-kanino kami aangkas.

"Ayy!" Napatili ako dahil bigla na lang akong hinawakan ni Gab sa bewang para iakyat sa kabayo. Pagkatapos nya 'yung gawin ay sumampa na rin siya at pumwesto sa likod ko.

"Baliktad ata pwesto natin?" sabi ko kay Gab.

Dapat kasi nasa unahan ko siya dahil siya ang magmamaniobra ng kabayo.

"Tama lang yan. Trust me," tugon ni Gab.

Bahala siya. Siya naman ang mahihirapan at hindi ako.

Napansin ko ang paglingon ni Drake sa pwesto namin. Nakasakay na rin siya sa kabayo at nasa likod niya si Ella.

Umiwas ako ng tingin at binalingan ko si Jane dahil nag-iisa na lang siya na hindi nakasakay.

"Jane, kanino mo gustong makisakay?" 

Tiningnan niya naman sina Chris, Kent, at Jake na wala pang angkas.

"Kay Jake na lang," suhestyon ko sa kaniya.

"Ano?! Ayaw ko nga!" mabilis na sabat ni Jane.

"Makaayaw ka ah. Akala mo naman gusto kitang iangkas. Kung sino pa ang excited mangabayo, siya pang hindi marunong," pagpaparinig ni Jake.

"Kay Kent na lang ako makikisakay." Walang kasiguraduhang sabi ni Jane.

"Ayaw ko nga, lagi mo kaya akong pinagtritripan," tanggi ni Kent.

"Kay Chris na lang." 

Chris just gave Jane a sideways glance.

"Oh? Ano na?" Nanunuyang sabi ni Jake.

"Sayo na nga lang!" Wala ring nagawa si Jane kasi lahat ng boys ay nag-iinarte.

"See? Aayaw-ayaw ka pa, sa'kin din naman bagsak mo." May pailing-iling pang nalalaman si Jake habang sumasakay sa kabayo si Jane. Ni hindi man lang tinulungan ni Jake sa pag-akyat si Jane.

"Yumakap ka na. Baka mahulog ka." 

Inilagay naman ni Jane ang dalawa niyang kamay sa bewang ni Jake.

"Higpitan mo pa!" untag ni Jake.

Ang luwag-luwag kasi ng pagkakapit ni Jane.

"Ito na!" Napipilitang niyakap ni Jane si Jake.

"Yan, ayusin mo. Pag nahulog ka baka 'di kita masalo." Napadaing naman si Jake dahil bigla siyang kinabig ni Jane pagkasabi nya ng mga katagang yun.

"Let's go." Naaligawgawan ako nang bumulong sa tainga ko si Gab.

Hinawakan niya na ang tali ng kabayo na nasa harapan ko kaya para na rin siyang nakayakap sa akin.

Kami ni Gab ang nauuna dahil siya ang nakakaalam ng daan. Malumanay lang ang pagpapatakbo niya sa kabayo kaya kampante naman akong hindi ako mahuhulog.

Habang namamasyal ay nakakatuwa ang mabuting pakikitungo ng mga mamayan dito sa bawat-isa. Mukhang pagsasaka ang pangunahin nilang trabaho rito at napakasimple lang ng pamumuhay nila.

May nadaanan kaming taniman ng tubo, ilang mga kabahayan, lupain na punong-puno ng mga kung ano-anong gulay, at dumaan din kami sa ilang magandang tanawin dito sa probinsya.

Nangabayo kami paakyat ng tuktok ng burol at nagsibabaan na kami sa mga kabayo. Itinali namin ang mga ito sa ilang puno sa paligid.

Nagsiupuan kami sa damuhan para magpalipas muna saglit ng oras. Mas presko ang hangin dito dahil nasa mataas na kaming lugar.

I watched Twinny who's standing far away from our spot and looking at the view of the province below. Marahan niyang sinikop ang buhok niya para hindi magulo nang dahil sa hangin.

Dinagil ni Jake ang balikat ko at nginisihan ako. "Babaeng-babae kumilos ang kapatid mo noh? Saka tahimik siya, hindi katulad mo medyo maingay at medyo magaslaw na rin."

Siniko ko siya, pero imbes na magalit ay tumawa pa siya.

Medyo naging habit na ng mga kaibigan ko na i-compare kaming dalawa ni Twinny. Wala namang masama dun kasi totoo naman ang lahat ng sinasabi nila.

Bumalik na rin kami sa hacienda pagkatapos ng ilang minutong pamamalagi sa burol.

"Señorito Gabriel, si Señorita Angel ho ay nasa may bukana ng probinsya. Kung pwede daw ho ay pakisundo sya gamit ang kabayo. Napag-utusan lang ho ako," ani ng isang Ginang nang makabalik kami kina Gab.

Ibinalik na namin ang mga kabayo sa kwadra at naglakad na kami patungo sa mansyon.

"Tell her to walk," sabi ni Gab nang hindi nililingon ang Ginang.

"Pero Seño---"

"Pakisabi na rin na kung ayaw niya ay pwede na siyang umalis." Nagmadali na si Gab papasok ng mansyon kaya wala ng nagawa ang Ginang kundi sundin ang pinag-utos ni Gab.

Mukhang biglang na-badtrip si Gab ah. Sino ba 'yung dumating?

"Gab! How dare you?! Ba't 'di mo ko pinasundo!" Napalingon kami sa isang babae na bigla na lamang nagmartsa papunta dito sa kitchen habang kumakain kami.

"You can walk right?" Masungit na sabi ni Gab.

"Alam mo namang hindi ako sanay maglakad sa putikan! Look at my sandals, it's so gross!" Imwinestra niya pa ang sandals niya.

She's wearing a mini skirt, a crop top, and sandals covered with mud.

"Who told you to go here anyway?" pabalang na sabi ni Gab at ipinagpatuloy na ang pagkain niya.

"Grrrrrrr! I hate you Gab!" Padabog na naglakad si Angel palabas.

"Sino 'yun Gab? Mukhang mataray ah," tanong ni Jane.

"Don't mind her," tugon naman ni Gab.

"Ah pagpasensyahan nyo na ho si Señorita Angel. Ganyan ho talaga ang ugali nyan. Lumaki ho kasing spoiled, pero mabait naman iyan kung makakasundo ninyo," sabi ni Manang Lucy.

That Angel girl seems a bit familiar to me.

Maya-maya ay bumalik si Angel at pabagsak na umupo sa upuan na nasa harapan ni Gab. Mukhang tinagkalan niya ng putik ang suot niyang sandals kaya siya lumabas kanina.

"Now I know why you're familiar. Ikaw yung babaeng nakita ko na kasama ni Gab last month, right?" nasambit kong bigla kay Angel.

Tiningnan niya ako ng mapanuri. "I don't remember you. I'm sorry."

Hindi na lang ako nagsalita dahil sa pagtataray niya.

"Yes Dri, she's that stupid girl," tugon ni Gab sa tanong ko.

"Sinong tinawag mong stupid ha?! Ang sama talaga ng ugali mo Gab!" Asik ni Angel na ang sama-sama ng tingin kay Gab.

"We're eating. Don't fight in front of the food." Hinawakan ko si Gab sa braso para mapigilan siyang magsabi pa ng kung ano. Katabi ko naman siya kaya madali ko itong nagawa.

Pinasadahan ni Angel ng tingin ang kamay ko na nakapatong sa braso ni Gab bago niya ibaling sa mukha ko ang matalim niyang titig. "Wag ka ngang mangialam! Sino ka ba ha?!"

Sasagot na sana ako sa tanong ni Angel nang inakbayan akong bigla ni Gab. "She's my girlfriend."

ReasonWhere stories live. Discover now