4

731 18 0
                                    

"Matthew Maxwell."

Bago pa man makapagsalita si Allison ay pinangunahan na siya si Treena na agad nakipag-shake hands kay Matthew.

"Katreena Miranda, but my friends call me Treena," abot tenga ang ngiti ni Treena na halatang trip si Matthew.

Mabilis pero gentle na binawi ni Matthew ang kamay niya at binaling muli ang atensyon kay Allison.

"I'll talk to you some other time," mabilis niyang sambit, na tanging si Allison lang ang nakarinig habang naglakad na siya papalayo.

Naiwan namang tulala si Allison habang pinoproseso ang lahat ng mga nangyayari.

"Kilala mo ba yung mokong na yun?" Tanong ni Ash.

Iniling lang ni Allison ang kanyang ulo.

"Ang gwapo niya~" ani ni Treena habang nakatingin pa rin sa direksyong tinungo ni Matthew.

Hindi pinansin ni Ash ang kumplimento ni Treena sa lalaki. Sa halip ay ibinaling niya na lang niya ang atensyon kay Allison para bigyan siya ng paalala.

"Huwag mo na uling kakausapin yung lalaking yun," payo niya kay Allison. "I don't think he's someone to be trusted."

"How would you know?" kontra ni Treena.

Sinamaan lang ni Ash ng tingin si Treena.

"Ayokong may mapahamak na kahit isa sa inyo," simpleng sagot niya.

Pumalakpak naman si Treena sa kunwaring pagkamangha.

"WOW! Ash!" iniling-iling pa ni Treena ang ulo niya. "We're flattered!"

"Stop overreacting, Treenz. Let's just go home," ani ni Ash. "Come on, Allie."
______________________

Allison's POV

"Tingin ko transferee yung isang yun. Probably an exchange student," sabi ni Treena.

"Treena, ilang ulit mo na ba yang sinabi?" sabi ni Ash habang naka-focus pa din sa road.

Nakita kong inirapan ni Treena si Ash. "Wala kang pake. Hindi mo maiintindihan kasi 'di ka babae. Tch."

That Matthew guy was undeniably gorgeous. I can't blame Treenz. I, myself was attracted instantaneously.

"By the way, galing siya ng detention room, di ba Ash?" tanong ko.

"Oo."

"Alam mo ba kung bakit siya na-detain?"

"He caused too much commotion."

Oh. No wonder.

Ash laughed bitterly, "Tch. 'Kala mo naman kung sinong artista't nagsilabasan pa ang mga estudyante sa classrooms nila. Pfft!"

Ah, that's why halos walang tao sa room namin kanina.

Huminto ang kotse sa harap ng bahay namin.

Hindi na ako nagtanong pa at baka bigyan pa nila ng kahulugan ang aking curiosity.

"I'll see you guys tomorrow," sabi ko sa kanila.

Isinara ko ang pinto ng kotse at agad na tumakbo papasok sa bahay.

Dumiretso naman ako sa kwarto and skipped dinner kasi wala si mom ngayon. May party daw kasi siyang a-attendan at malamang late nanaman yun darating. Wala rin naman ako sa mood kumain kaya humiga nalang ako lazily sa queen-sized bed, looking blankly up the ceiling.
I was too tired the whole day yet wala pa rin ako sa mood matulog. Kinapa ko na lang yung phone ko sa bag ko at nagsimulang patugtugin ang playlist ko ng The Chainsmokers. Their music is like super addicting. Kahit na ulit-ulitin ko pa ang isang song, 'di talaga ako nagsasawa. That's why I'm always looking forward sa songs nan ire-release nila. Napakalupet din lalo na 'pag nakikipag-collab sila sa iba pang sikat na artists tulad ni Halsey, Coldplay, and even BTS!

Fang FactorWhere stories live. Discover now