37

39 0 0
                                    

"How is he alive?" Nagtatakang pabulong na tanong ni Allison kay Matthew. "I saw him die right in front of my eyes."

Matthew smiled at her softly. "He's like Stefan. He can regenerate."

"'Wag kang mag-alala, Allison. May Dalawang dekada pa akong buhay," dagdag naman ni Miguel. "But enough about me. Ang kalagayan niyo ang dapat na inaalala natin ngayon. You guys need to be careful from now on."

Bigla namang sumabat si Ash sa usapan. "Ako lang ba ang hindi nakakakilala sa lalaking ito?"

"Siya si Miguel. Isa sa mga tauhan ni ate Krista ," sagot ni Matthew.

Ash scoffed. "Ah, tauhan? Tulad ni Treena, right?"

"Ash," mahinang sabi ni Allison. "Let's not talk about her today."

Sigh. "Fine. Pero kailangan munang magpaliwanag ng mga blood sucking demons na ito--"

Hindi agad napatapos ni Ash ang sinasabi nang biglang nagpahapyaw si Matthew.

"You're one of us."


"Are you trying to piss me off?"


Silence.

Sinamaan ni Ash ng tingin si Matthew bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Now as I was saying..." ani niya. "Hindi ako papayag na magtatagal kami dito ni Allison hangga't hindi ako nakakasigurong mapagkakatiwalaan nga ang mga nilalang sa lugar na 'to."

"Ash, ito ang pinaka ligtas na lugar para sa inyo ngayon. I can guarantee Allison's safety...as well as yours," sagot ni Mr. Rector na may konting pag-aalangan sa huli niyang pahayag.



Naupo naman si Miguel sa isa sa mga couch bago nagsalita. "Now that you're in our territory, you will have to do as we say. In that way, we can fully reassure your safety. Especially Allison's."

Ibinaling naman ni Ash ang atensyon sa lalaki. Nakakunot-noo itong lumapit sa kanya.

"At bakit ko naman gagawin yun? Akala mo ba hindi ko kayang protektahan si Allison kung wala kayo?"

Napangisi naman si Miguel. "Nakalimutan mo na ba agad kung ano ang totoo mong katauhan? Hindi mo ba alam kung gaano ka kadelikadong bampira? Dude, you can literally end up a whole vampire clan alone. Letting you in here is one of the riskiest thing we've ever done!"

"Kalma lang, Miguel," sabi naman ni Matthew. "Please."


Ash scoffed at Miguel's statement. "Then you shouldn't have took me in, in the first place. Magsasabi ka lang naman na takot ka sa'kin, ang dami mo pang sinasabi."


"Hindi ako takot sayo. Takot lang ako sa maaari mong gawin pag nawalan ka ng kontrol sa sarili mo."

"It's the same thing, dumbass."





"Magsitigil na kayo," tumayo si Mr. Rector sa gitna ng namumuong tensyon sa dalawa. "Matthew, mabuti pa magpahinga na muna kayo."


_________

Allison's POV

Nagising ako nang alanganin. Kaunting minuto na lamang ay mag-aalas kwatro na, base sa aking phone.

Hindi din naman ako nakatulog nang maayos dahil sa karugtong na sagutan naman ni Matthew at Ash kagabi.

Nagtalo kasi sila sa kung sino ang magbabantay sa akin sa kwartong ipinahiram sa akin ni Mr.Rector.

In the end, I kicked the both of them out. I wouldn't want to listen to their endless bickering all night.

Pero dala ng mixed up thoughts and emotions, halos di rin talaga ako nakatulog. Kaya naman naisipan ko na lang na i-check ang kitchen na itinuro sa akin ni Mr. Rector kagabi.

Nagmadali lang akong lumabas sa kwarto para kumain. Pero halos mapatalon ako nang makarinig ako ng kalabog sa isang silid.

Napagtanto kong kwarto  iyon nina Ash, kung kaya't dahan-dahan kong nilapitan ito at binuksan ang pinto.

"Gising ka pa pala?"

Holy sht. I almost dropped a heartbeat.

"Ginulat mo naman ako, Miguel,"natatawa kong sabi habang nakapatong ang kamay ko sa aking dibdib.


"Sorry," napakamot siya sa ulo.

"It's okay. I'm fine now. Anyways, nagising din lang ako sa kalagitnaan ng maikli kong tulog," pabiro kong sabi.

"Ah, kaya pala," tumango siya. "Hmm, may kailangan ka ba? I'll go get it for you."








Mangangalahati nang oras na kaming nag-uusap ni Miguel sa kusina. Marami din akong nalamang impormasyon na hindi ako aware dati. Kaya naman medyo napatagal ang usapan.

Ginawan niya din kasi ako ng toasts at ham for breakfast sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. I offered him some, but he refused.

Base sa kanya, nakakakain naman daw siya ng human food from time to time, pero mas gusto niya pa din ang dugo ng hayop. Hindi ito kasing sarap ng dugo ng tao para sa kanila, but it was enough to quench their thirsts.

Nakakainom din naman sila ng human blood 'pag pinapadalhan sila ng mga kaibigan nilang doctor. Pero hindi lagi. Kasi once masanay sila sa linamnam nito, they won't be able to stop. In the end, sila din lang ang malulugi.

"Humans can easily end our kind with a single biological weapon that they created against us," paliwanag niya. "There are some humans who know about our existence. Which is why, in order to maintain peace between humans and vampires, we  established laws."



Nahinto nang panandalian ang pag-uusap namin nang dumating si Ash.

"Bakit gising pa kayo?"

"Kagigising ko lang, Ash. Nagutom kasi ako kaya nagpatulong na din ako kay Miguel."

"Tss. Nga pala, since andito ka na din lang, ano ba'ng gamot sa nahihilong bampira?" Tanong niya kay Miguel.


Agad namang ibinaling sa kanya ni Miguel ang atensyon. Tumayo ito at nilagpasan si Ash.

"Follow me."




Hinayaan ko na lamang na sundan ni Ash si Miguel. Mukha ngang masama ang pakiramdam niya. Hindi ko lang sigurado kung normal lang ba sa mga bampira ang mahilo.

I have no experience with situations like this, kaya naman mas mabuti nang kapwa niya bampira na lang ang lumutas dito.

Papunta na sana ako sa lababo para linisan ang mga pinagkainan ko, nang mapansin ko ang bahagyang natuyong putik sa sahig. Ang sahig kung saan tumayo si Ash kani-kanina lamang.
























I'm back with another trashy chapter y'all hehehehe.

Sana okay lang kayo. Kasi ako hindi ako okay sa chapter na 'to. Feeling ko may kulang at hindi ako confident sa consistency ng choice of words ko.

AaaCckkkKk somebody send me some kind of Filipino vocabulary book or somethin'. Nababaliw na ako dito hahahaha

Love,

cptnleilala

Fang FactorOnde histórias criam vida. Descubra agora